AES SPTA 2026 to 2027

Directions

AES SPTA 2026 to 2027 SPTA 2026-2027 | Together We Grow 🌟
Your source for updates, projects, and events that bring students, parents, and teachers together!

Follow us for highlights, activities, and reports that showcase our shared efforts for a better school community. πŸ’™

Nagkaisa para sa Kaligtasan ng mga Mag-aaralBilang tugon sa mga naganap na insidente sa iba't ibang paaralan, nagsagawa ...
29/06/2026

Nagkaisa para sa Kaligtasan ng mga Mag-aaral

Bilang tugon sa mga naganap na insidente sa iba't ibang paaralan, nagsagawa ng isang mahalagang pagpupulong ang Pamahalaang Bayan ng Angono kasama ang Municipal Federation of Parents-Teachers Association (MFPTA) upang talakayin ang mga hakbang na magpapatibay sa kaligtasan at seguridad ng ating mga mag-aaral.

Sa pangunguna ni Mayor Gerry Calderon, katuwang ang Angono Municipal Police Station, at dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang paaralan at ng MFPTA, tinalakay ang mga konkretong hakbang at mas pinaigting na koordinasyon upang matiyak na nananatiling ligtas ang ating mga paaralan.

Ang kaligtasan ng bawat mag-aaral ay isang responsibilidad na sama-sama nating pinangangalagaan. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, kapulisan, mga paaralan, mga magulang, at ng buong komunidad, mas mapagtitibay natin ang isang ligtas at maayos na kapaligiran kung saan ang ating mga kabataan ay makapag-aaral nang may kapanatagan at kumpiyansa.

Sa pagkakaisa, mas nagiging matatag ang ating layunin na mapanatiling ligtas ang bawat bata sa ating Bayan.

Bilang katuwang sa pagpapanatili ng kaligtasan sa ating mga paaralan, patuloy na nakikiisa ang sa mga programang nagsusulong ng seguridad at kapakanan ng ating mga mag-aaral. Sapagkat ang kaligtasan ng ating mga kabataan ay pananagutan nating lahat.

Mabigat ang aming puso sa nangyaring trahedya sa Tacloban.Nakikiramay po kami sa mga pamilya ng mga biktima at patuloy n...
26/06/2026

Mabigat ang aming puso sa nangyaring trahedya sa Tacloban.

Nakikiramay po kami sa mga pamilya ng mga biktima at patuloy na nananalangin para sa kanilang paghilom. Bilang mga magulang at g**o, walang salitang sapat para maipaliwanag ang sakit na dulot ng ganitong pangyayari.

Ang insidenteng ito ay muling nagpapaalala sa ating lahat na ang kaligtasan ng ating mga anak ay hindi dapat ipinagwawalang-bahala.

Dito sa AES, nagpapasalamat kami sa Diyos na wala pa naman kaming naranasang ganitong insidente. Ngunit kahit noon pa man, bago pa man mangyari ang mga ganitong nakalulungkot na balita, isa na sa mga pangunahing prayoridad ng ating paaralan ang seguridad at kaligtasan ng bawat bata.

Matagal na naming ipinatutupad ang mahigpit na pagpapapasok ng mga sasakyan sa loob ng paaralan bilang isa sa mga hakbang upang masig**o ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral.

Bukod dito, matagal na ring may CCTV system ang AES. At bago pa man matapos ang School Year 2025–2026, nadagdagan pa ito ng apat (4) na bagong CCTV cameras sa pamamagitan ng pagtutulungan ng ating Principal, Ma'am Emily Saulo, ng mga g**o, mga magulang, at ng SPTA SY 2025–2026.

Hindi namin ito ginagawa dahil sa takot. Ginagawa namin ito dahil mahalaga sa amin ang bawat batang ipinagkakatiwala ninyo sa AES.

Alam naming walang sistemang perpekto, ngunit nais naming iparamdam sa bawat magulang na patuloy tayong kikilos, mag-iingat, at gagawa ng lahat ng ating makakaya upang mapanatiling ligtas ang ating paaralan.

Sa AES, ang kaligtasan ng ating mga anak ay hindi lamang prayoridadβ€”ito ay responsibilidad at pangakong ating pinanghahawakan araw-araw.

Patuloy po tayong magkaisa, maging mapagmatyag, at magdasal para sa kaligtasan ng bawat bata.

πŸ™ Ligtas na paaralan. Ligtas na kinabukasan. πŸ™

πŸŽ‰πŸ† TAOS-PUSONG PAGBATI! πŸ†πŸŽ‰Ang AES SPTA 2025–2026 ay buong pusong nakikiisa sa buong komunidad ng Angono Elementary Schoo...
09/06/2026

πŸŽ‰πŸ† TAOS-PUSONG PAGBATI! πŸ†πŸŽ‰

Ang AES SPTA 2025–2026 ay buong pusong nakikiisa sa buong komunidad ng Angono Elementary School sa pagbibigay-pugay at pagbati kay MARIA CELESTINE M. BLANCO sa kanyang natatanging tagumpay bilang GRAND PRIZE WINNER (10–15 Taong Gulang na Kategorya) sa prestihiyosong Supreme Court of the Philippines Poster Making Contest for Children!

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Korte Suprema ng Pilipinas na may temang β€œImagine a Just World,” ipinamalas ni Celestine ang kanyang kahanga-hangang husay sa sining at malikhaing pananaw para sa isang mas makatarungan at mas magandang kinabukasan.

Ang iyong tagumpay ay nagbibigay ng karangalan hindi lamang sa ating paaralan kundi maging sa buong komunidad ng Angono. Isa kang inspirasyon sa iyong mga kapwa mag-aaral at patunay na ang kabataang Angono ay may natatanging talento na kayang makipagsabayan sa pambansang antas.

Maraming salamat sa pagdadala ng karangalan sa ating paaralan. Nawa’y patuloy kang maging inspirasyon at magningning sa larangan ng sining at sa lahat ng iyong mga pangarap.

πŸ‘πŸŒŸ Muli, taos-pusong pagbati sa iyo, Celestine! πŸŒŸπŸ‘

Mula sa inyong AES SPTA 2025–2026 Family

29/05/2026

Angono Municipal Federation PTA in partnership with
Helix Mining and Development Corporation

Balik Eskwela 2026

22/05/2026

The chapter may end, but the impact and memories remain.

AES SPTA 2025-2026

Ang Aes-Spta ay buong pusong sumusuporta sa mga proyekto ng AMFPTA Basta sama-sama at tulong tulong ang lahat ay mapagta...
11/04/2026

Ang Aes-Spta ay buong pusong sumusuporta sa mga proyekto ng AMFPTA Basta sama-sama at tulong tulong ang lahat ay mapagtatagumpayan😊😊😊😊

01/04/2026

Maligayang, Mapagpalang Kaarawan kay Dr. April Dream Rabago! πŸŽ‚πŸŽ‰

Mula sa Angono Municipal Federation PTA, taos-puso po kaming bumabati at nagpapasalamat sa inyong patuloy na dedikasyon at malasakit sa larangan ng edukasyon.

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Panginoon ng mabuting kalusugan, lakas, at higit pang tagumpay sa inyong paglilingkod. Dalangin din namin ang patuloy na gabay at pagpapala para sa inyo at sa inyong buong pamilya.

Isang mapagpalang kaarawan po at marami pang biyayang darating! πŸ’™

Mula sa Angono Municipal Federation PTA.

😊😊😊😊😊
03/03/2026

😊😊😊😊😊

02/01/2026
02/01/2026

From SPTA FAMILY....
THANK YOU 2025...
and WELCOME 2026😊😊😊😊

Address

Manuel L Quezon Avenue
Angono
1930

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when AES SPTA 2026 to 2027 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category