Deped Tayo Blue Rizal Joaquin Guido Elementary School

Deped Tayo Blue Rizal Joaquin Guido Elementary School

Share

Joaquin Guido is one of the elementary schools in Angono, Rizal.

Photos from Deped Tayo Blue Rizal Joaquin Guido Elementary School's post 02/06/2026

🌟 ISANG MATAGUMPAY NA PAGTATAPOS: ARAL SUMMER PROGRAM CULMINATING ACTIVITY 2025-2026! πŸŽ“βœ¨
Matapos ang 20 araw ng masigasig na pag-aaral, paggabay, at pagkakaisa, opisyal nang nagtapos ang ating ARAL Summer Program! Isang malaking pagpupugay sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay na ito.

πŸ“œ Pagkilala at Paggawad ng Sertipiko
Binigyang-halaga ng ating paaralan ang walang kapantay na dedikasyon ng ating mga kabalikat sa karunungan:

Certificate of Recognition – Ipinagkaloob sa ating mga masisipag at boluntaryong ARAL Tutors na nag-alay ng kanilang panahon at talino upang gabayan ang ating mga mag-aaral.

Certificate of Completion – Iginawad sa ating mga bida at masisigasig na ARAL Summer Tutees na buong-pusong tinapos ang 20-day learning journey!

πŸŽ’ Sorpresa at Maagang School Supplies para sa mga Tutees!
Hindi lang karunungan ang baon ng ating mga mag-aaral, kundi pati na rin ang mga bagong kagamitan sa eskwela! Sa pangunguna ng ating SPTA Officers, matagumpay na naipamahagi ang mga school supplies para sa ating mga tutees bilang paghahanda sa darating na pasukan.

❀️ Isang Malaking Pasasalamat sa ating Stakeholder!
Ang biyayang ito ay hindi magiging posible kung wala ang suporta ng ating mga katuwang sa edukasyon. Isang taos-pusong pasasalamat sa Helix Aggregates Inc. sa kanilang bukas-palad na pagbabahagi ng mga school supplies para sa ating mga mag-aaral. Ang inyong suporta ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa amin upang pagbutihin ang kinabukasan ng kabataan.

"Ang edukasyon ay mas nagiging makabuluhan kapag ang buong komunidad ay nagtutulungan."

Salamat sa mga magulang, g**o, opisyal, tutors, at stakeholders! Hanggang sa susunod na mga programa para sa batang matatag at may pangarap! πŸ‡΅πŸ‡­πŸ“š


Photos from Deped Tayo Blue Rizal Joaquin Guido Elementary School's post 02/06/2026

Ginanap po ang pamamahagi ng iba't ibang klase ng school supplies para sa 88 na g**o (Kindergarten to Grades 1-6) ng Joaquin Guido Elementary School.

Ang mga supplies na ito ay nagmula sa School MOOE upang masig**o na kumpleto ang kagamitan ng ating mga g**o sa kanilang araw-araw na paggabay sa mga mag-aaral.

Maraming salamat sa maayos na pamamahala para sa transparency at suporta sa ating mga g**o! πŸ’™

Maraming salamat sa aming Punong G**o at sa DepEd Rizal.

01/06/2026

Happy Birthday, Sir Jed. πŸŽ‰
Thank you for your dedication, patience, and guidance. May your special day be filled with happiness, good health, and countless blessings. Wishing you a wonderful year ahead!

Photos from Deped Tayo Blue Rizal Joaquin Guido Elementary School's post 01/06/2026

Bilang paghahanda sa darating na pasukan ngayong Hunyo 8, 2026 ay isinagawa ang Taunang Brigada Eskwela na may Temang: "Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman."

Photos from Deped Tayo Blue Rizal Joaquin Guido Elementary School's post 30/05/2026

BALIK-ESKWELA

Lubos po kaming nagpapasalamat sa Angono Municipal Federation of PTA, sa pakikipagtulungan ng Helix Mining and Development Corporation, para sa matagumpay na pamamahagi ng mga school supplies noong Mayo 28, 2026 sa piling mga mag-aaral ng Joaquin Guido Elementary School.

Malaki po ang naitulong ng inyong suporta upang mas maging handa at inspirado ang aming mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Isang taos-pusong pasasalamat din po kina Sir Ricardo Cenidoza, punong-g**o ng paaralan, at Ma’am Jeren Gragas, OIC, sa kanilang patuloy na paggabay at suporta sa mga ganitong makabuluhang gawain.

Muli, maraming salamat po sa inyong malasakit at pakikiisa sa edukasyon ng kabataan. Nawa’y patuloy pa po ang ganitong mga programang nagbibigay pag-asa at ngiti sa aming mga mag-aaral. πŸ’›πŸ“–

28/05/2026

π‚πŽππ†π‘π€π“π”π‹π€π“πˆπŽππ’, πŒπ€'π€πŒ πŒπ„π‘π‹πˆππƒπ€!

We are incredibly proud to announce that Merlinda Teodosio Martinez, has been recognized as one of the 2026 Outstanding Teachers in the Province of Rizal!

This well-deserved achievement is a testament to your unwavering dedication, passion, and hard work in shaping young minds.
Thank you for bringing honor to Joaquin Guido Elementary School!

We celebrate you and this wonderful milestone!

26/05/2026

Sama-sama para sa ligtas, maayos, at handang paaralan! Tara na at makiisa sa Brigada Eskwela 2026. Ang bawat pintura, paglilinis, at oras na ibabahagi natin ay hakbang para sa mas magandang kinabukasan ng ating mga mag-aaral. Para sa Bata, Para sa Bayan!

Photos from Deped Tayo Blue Rizal Joaquin Guido Elementary School's post 26/05/2026

Tara na..Magbrigada Eskwela na! Makiisa, Mag-ambag, Maging bahagi ng pagbabayanihan sa paaralan.

Volleyball ODL Registration 13/05/2026

Handa na ba kayong maglaro at makipagsabayan? πŸ’ͺ
Bukas na ang ONLINE REGISTRATION para sa ating One-Day Volleyball League!

πŸ“ Paano mag-register:
Mag-fill out lamang ng online registration form sa link sa ibaba πŸ‘‡
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdwjzHiSXuSl7d4scJN2gclwQl5Mjcp22UvWuEKGY1XE8v3OQ/viewform
Para sa karagdagang detalye at katanungan, mag-comment o mag message lamang sa page na ito.

Tara na at ipakita ang galing sa court! 🏐πŸ”₯
See you sa laro!

Volleyball ODL Registration Please provide your information

Photos from Deped Tayo Blue Rizal Joaquin Guido Elementary School's post 12/05/2026

HEADS UP!!!!

Tumatanggap na po ang VOLLEYBALL TEAM ng mga gusto magparticipate sa ONE DAY VOLLEYBALL LEAGUE sa May 16, 2026 na gaganapin sa JGES Covered Court

Magtungo laman sa Registrar sa ganap Ng ika-9 Ng umaga hanggang ika-12 Ng tanghali at hanapin sina Ma'am Ignacio, Ma'am Villones at Sir Rodgen.

Tara na, Hampasan na!!!!🏐🀾🏻

Want your school to be the top-listed School/college in Angono?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


M. L. Quezon Avenue Brgy. San Isidro, Rizal
Angono
1930