09/05/2025
Malayo pa, pero malayo na!
Alam kong malayo pa sa pinapangarap namin na magkaroon muli ng PUWALAS (Gubat) dito sa komunidad. Ngunit, patuloy namin itong pinaglalaban🌳
Ang larawang ito ang nagpapaalala na ang layo na ng aming nasimulan. Dalangin ko lang sana, na kung maabutan man namin o hindi na ang paglaki at pamumunga ng mga katutubong kahoy. Sana, pahalagahan ito ng next generation at gamitin bilang espasyo sa pagkatuto upang di tuluyang mawala ang katutubong kaalaman.