SRES Filipino 6

SRES Filipino 6

Share

Nilikha para sa Online Class / Blended Learning

14/05/2024

Pakibuksan lamang po ang link ayon sa inyong section..
Salamat

06/05/2024

Photo downloaded feom Google

05/05/2024

Para sa lahat ng nasa ika-anim na baitang (Comet, Earth, Mars, Moon, Pluto at Saturn)

Bukas ng alas 10 ng umaga pakikuha po sa paaralan (faculty) ang inyong mga sasaguting activity. Ito ay magsisilbing quiz ninyo.
Kung sakaling kukunin ito sa hapon o sa ibang araw kunin sa box na itatalaga ko sa guard (sa harap) at mangyari lamang na pakipirmahan ang attendance upang malaman ko ang mga nakakuha nito. Maraming salamat po.

05/05/2024

Para sa Ika-anim na Linggo

(Pag-aralan at kopyahin)

PAGHAHAMBING-HAMBING NG IBA’T IBANG URI NG PELIKULA

Ang pelikula ay ipinakilala sa Pilipinas ng mga dayuhan noong 1904 nang dumagsa sa bansa ang maraming pelikula mula sa ibang bansa. Itinanghal ang mga ito sa plasa at libre ang panonood ng mga ito. Ang karaniwang haba ng pelikula noon ay aabot lamang ng labinlimang minuto. Silent movies o walang tunog ang sinaunang pelikula noon at wala rin itong kulay.
Hindi naglaon ang paggawa ng pelikula ay ginawa na rin ng mga Pilipino. Ito ay sinimulan ni Jose Nepomuceno na itinuring na Ama ng Pelikulang Pilipino nang kaniyang gawin ang pelikulang Dalagang Bukid na itinuring namang kauna-unahang
pelikulang Pilipino.
Patuloy na umunlad ang industriya ng pelikula hanggang magsimula na itong magkaroon ng kulay at dumami ang mga gumagawa ng pelikula.

Gaya ng mga maiikling kuwento, hindi nalalayo ang tema ng mga pelikulang ipinalalabas sa malalaking telon at telebisyon. Narito ang ilan sa mga uri ng pelikula:
1. Komedya
Ito ang uri ng pelikula na nagpapatawa. Nagbibigay ito ng kasiyahan sa mga manonood mula sa mga diyalogo at aksyon ng mga nagsisiganap.
2. Drama
Ito ang uri ng pelikula na seryoso at mabigat sa damdamin ang mga eksena. Madalas ay nagpapaluha ang mga tagpo.
3. Pantasya
Ito ang uri ng pelikula na ginagamitan ng malikhaing pag-iisip. Ang
mga tauhan at lugar sa kuwento ay kakaiba at madalas ay hindi
kapani-paniwala. Kinapapalooban din ito ng mahika at kakaibang
pangyayari.
4. Katatakutan
Ito ang uri ng pelikula na nagbibigay ng takot sa mga manonood.
Pinapaantig nito ang damdamin ng mga tagapanood sa pamamagitan ng mga makahindig balahibong eksena.

5. Aksyon
Ito ang uri ng pelikula na kakikitaan ng labanan o pakikipagtunggaling pisikal ng mga tauhan. Kabilang na rito ang bugbugan o suntukan, barilan, at iba pang maaksyong eksena.

Photos from SRES Filipino 6's post 29/04/2024

Week 5
Day 1 at 2
Pag-aralan.

25/04/2024

Basahin ang buod ng koridong Mariang Kalabasa. Gawan ito ng dayagram na nagpapakita ng mga problemang ibinigay ng Hari kay Maria at kung ano ang solusyon ang kaniyang ginamit upang ang mga ito ay malutas.

Mariang Kalabasa

Sa isang liblib na lugar, may isang magandang dalaga na balitang-balita sa kaniyang angking katalinuhan. Isang araw, napadpad ang hari sa lugar na iyon habang namamasyal gamit ang kaniyang kabayo. Nakita niya ang isang munting
dampa na tirahan ni Maria. Nagbigay galang si Maria sa hari nang makita niya ito. Humanga ang hari sa kagandahan ni Maria. “Ano po ang maipaglilingkod ko?” ang may paggalang na tanong ni Maria. “Nais ko sanang manghingi ng tubig dahil ako ay nauhaw sa aking pamamasyal.” Ang tugon ng hari kay Maria. Inabutan ni Maria ng isang basong tubig ang hari. Gayonman, nagulat ang hari nang matapos niyang uminom ay binasag ni Maria ang baso. Sinabi ni Maria na hind na dapat pang
madampian ng ibang labi ang basong ginamit ng hari. Humanga ang hari sa sinabi ni Maria.

Pagkauwi sa palasyo ay iniisip ng hari si Maria. Nais pa niyang subukin ang katalinuhan ng dalaga kaya inutusan niya ang kaniyang kawal at pinasundo si Maria upang dalhin sa palasyo.

Nang dumating si Maria sa palasyo, sinabihan siya ng hari na siya ay may darating na maraming bisita. Nais niyang ipagluto siya ni Maria ng maraming putahe o ulam gamit lamang ang isang maliit na ibon. Kumuha naman ng karayom si Maria at sinabi sa hari na nangangailangan siya ng kakaibang kagamitan sa pagluluto upang mailuto ang maraming putahe gamit ang isang ibon. Kaya nais niyang ipanggawa siya ng kawali, kaldero, siyanse, at sandok, mula sa karayom.
Napamangha ang hari sa sinabi ni Maria.
Isang araw naman ay inutusan niya si Maria na itali ang alon ng dagat dahil hindi siya nakakatulog nang mahimbing dahil sa ingay ng alon. Dali-dali naming lumabas si Maria at kumuha ng buhangin at sinabi sa hari na kailangan niya ng espesyal na pantali sa alon na gawa sa buhangin na kahit mabasa ng tubig ng dagat ay hindi masisira. Lalong humanga ang hari kay Maria.
Noong isang araw naman ay inutusan ng hari ang mga sundalo na sabihan si Maria na ipagdala siya ng bunga ng malaking kalabasa na nasa loob ng palayok.
Natutuwa ang hari dahil alam niyang mahihirapan si Maria na maipasok sa loob ng palayok ang kalabasa nang hindi ito nababasag. Sinabi naman ni Maria sa mga sundalo na bigyan siya ng sapat na panahon upang palakihin ang kalabasa.
Magkalipas ang ilang buwan ay pumunta sa palasyo si Maria na dala-dala ang kalabasa na nasa loob ng palayok. Nagtaka ang hari sa ginawa ni Maria.

Ipinaliwanag ni Maria na noong magsimulang mamunga ang kalabasa ay ipinasok na niya ito sa maliit na lagusan hanggang sa ito ay lumaki sa loob ng palayok.

Dahil sa sobrang paghanga, pinakasalan ng hari si Maria. Naging masaya ang kanilang pagsasama ngunit sa paglipas ng panahon ay nagsimula na silang mag-away. Kaya isang araw, sinabihan ng hari si Maria na umalis sa palasyo at maaari niyang isama sa kaniyang pag-alis ang gusto niyang dalhin sa pangakong hindi na muling ibabalik ang mga ito.

Kinabukasan ay natagpuan ng hari ang kaniyang sarili na nasa labas ng palasyo.

Photos from SRES Filipino 6's post 18/04/2024

Sagutin sa kuwaderno.
Copy all!

Want your school to be the top-listed School/college in Angeles City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Miranda Street Sto. Rosario
Angeles City
2009