Alterna TV

Alterna TV

Share

ALS Electronic School

05/10/2025

Happy World Teachers’ Day! 🌍📚

Sa bawat aral na inyong itinuro, sa bawat batang inyong ginabayan, salamat sa walang sawang pag-aalay ng oras, talino, at malasakit. 💛

Hindi man palaging madali, pero dahil sa inyo, patuloy na may liwanag ang landas ng bawat batang Pilipino.

Makakaasa kayong hinding-hindi kayo nag-iisa, nasa likod ninyo kami sa bawat hakbang.

10/03/2023

: Idinaos ng Philippine Commission on Women, UN Women, at UN Philippines ang Breaking the Code: Equality for All through Technology and Innovation kung saan isinig**o ni Vice President and Secretary Sara Z. Duterte na ang mga teenage mothers na nag-drop out para alagaan ang kanilang mga anak ay maaari pa ring magpatuloy ng kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng Alternative Learning System.

Ang Breaking the Code: Equality for All through Technology and Innovation ay idinaos noong nakaraang March 8, 2023 sa Samsung Hall, SM Aura, Taguig City.

Mga nasa larawan:
1. Mariel Dela Cruz, ALS JHS learner, SDO Albay
2. VP-Secretary Sara Z. Duterte (Larawan mula sa PCW Facebook)
3. Isabel Barcelon, ALS JHS learner, SDO Camarines Sur




Photos from DepEd ALS 2.0's post 18/04/2022
03/03/2022

Kababaihan ang kinabukasan!

Higit sa pagdiriwang ng National Women’s Month, kinikilala ng DepEd ALS 2.0 ang mga pangarap, potensyal at pagsisikap ng bawat Pilipina upang paunlarin hindi lamang ang sarili kundi ang buhay ng kanilang kapwa sa pamamagitan ng edukasyon.

Mahalaga ang gampanin ng edukasyon sa paghubog ng kaisipan at pagpapalawak ng kamalayan upang magkaroon ng kakayahang timbangin ang tama at mali, ang totoo at kasinungalingan, ang dalisay at mapagpanggap, ang makabubuti at makasasama.

Gamitin ang iyong boses. Ibahagi ang iyong karanasan at sagot sa comment section.





Photos from USAID Opportunity 2.0's post 16/02/2022
04/02/2022

ABANGAN ang pagbisita ng Bureau of Alternative Education (BAE) sa 12 lunsod sa buong bansa upang ipakilala ang ALS Act at ang Implementing Rules and Regulations (IRR) nito sa mga g**o at katuwang ng ALS Program.

Mula February hanggang June 2022, magsasagawa ang BAE ng mga roadshow upang ipaliwanag sa mga opisyal at kawani ng Kagawaran at sa mga partner nito ang kahalagahan ng ALS Act at IRR para sa pagpapatuloy ng mga pagbabago, pagpapabuti, at suporta sa ALS kahit matapos na ang kasalukuyang administrasyon.

Ang roadshow sa unang 12 lunsod ay isasagawa sa pamamagitan ng suporta mula sa USAID Opportunity 2.0. Ito ay lalahukan ng mga Regional Director, iba pang opisyal at mga kawani sa Regional at Schools Division Offices, school heads, ALS implementors at mga miyembro ng Youth Development Alliance (YDA) sa mga nabanggit na lugar. Ito ay susundan ng roadshow kalahok ang mga piling opisina ng DepEd sa Central, Regional at Division Offices, at mga paaralan.

Ano ang taya mo sa ALS? Paano mo ito susuportahan sa inyong komunidad?

📣Gamitin ang official hashtag ng ALS Act & IRR roadshow na sa inyong mga post bilang pagpapahayag ng suporta para sa ALS Program at sa adhikain nito na ‘pag lahat may taya sa ALS, lahat may pag-asa sa ALS.



17/09/2021

💼 Jessie, an ALS graduate from Legazpi City, gained work readiness and entrepreneurship skills through the USAID Opportunity 2.0 program. And through the collaboration of the public and private sector actors in Legazpi City, out-of-school youth like Jessie is given a second chance at pursuing their dreams.

🔖 Read about Jessie's journey here: https://bit.ly/3CjOK87

Want your school to be the top-listed School/college in Angeles City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Angeles City
2009

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Friday 9am - 5pm