OT Kabiles ne?
Isang maligayang pagbati!
Ngayong araw na ito, isang matagumpay na programa na naman ang nagtapos. Kaming Batch 5 OT interns ay nagagalak sa dalawang buwan na ating pinagsamahan. Marami kaming natutunang mga bagong kaalaman at karanasan mula sa programang ito. Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa suporta na inyong ibinigay sa loob ng ilang buwan. Tayo ay magbalik tanaw sa mga ginawa natin sa ating programa sa buwan ng Abril at Mayo, sa tulong ng video na inihanda ng ating mga OT interns.
Kami man ay magpapaalam, ang inyong mga aral na binigay ay mananatili sa aming mga puso. Muli, maraming salamat at ikinagagalak namin na paglingkuran kayo.
AUF OT Community-Based Rehabilitation
This community-based rehabilitation program is established by the Department of Occupational Therapy of Angeles University Foundation.
This is a training program engaged by the BSOT Interns of AUF.
21/05/2022
Nasa exciting part na tayo!
Isa sa mga pinakahihintay natin ay ang panahon ng summer o tag-init, dahil ito ay ang panahon kung kailan tayo pwede mag-bakasyon kasama ang pamilya, chill staycation man yan o long roadtrips. Upang mas ma-enjoy natin ang ating oras kasama ang pamilya at mga kaibigan, narito ang ilan sa mga paalala upang maiwasan natin ang pagkakaroon ng mga sakit na karaniwang nakukuha tuwing tag-init.
08/05/2022
“Kaming mga PWD ba ay pwede ring bumoto?”
Ang sagot diyan ay, PWDeng PWDe! Isa sa mga karapatang pantao na ipinagkaloob sa bawat mamamayan, PWD man o hindi, ay ang karapatan na makilahok sa mga aspetong pampulitika lalong lalo na ang pagboto. Ayon sa estatistika, mahigit 11 milyong Pilipino sa vulnerable na sektor ang nagrehistro para bumoto sa May 9 na kung saan 511,612 sa mga ito ay PWDs at 10,085,956 naman sa mga ito ay senior citizens. Sa mga numerong ito palang ay makikita na natin kung gaano kalaki ang potensyal at kapangyarihan ng boto ng mga PWDs at senior citizen na makapag luklok ng mga kandidatong may malasakit sa karapatan ng bawat mamamayang Pilipino, PWD man o hindi.
Kaya kami sa AUF-OT CBR ay inaanyayahan kayong makibahagi at bumoto ng tama sa eleksyon na gaganapin bukas ika-9 ng Mayo mula 6 AM hanggang 7 PM sa itinalagang lokal na voting precincts sa inyong lugar. Dahil kayo ay PWDe at may kakayahang baguhin ang buhay ng bawat Pilipino.
06/05/2022
Hindi likas sa mga kabataan ang kakayahan makontrol ang kanilang mga emosyon. Itong kakayahan na ito ay nakakaapekto sa kakayahan ng mga batang makisalamuha sa kanilang mga pamilya, kaibigan, kamag-aral at ibang tao sa lipunan. Dahil dito, nangangailangan sila ng tulong mula sa mga nakatatanda upang mas maintindihan nila kung paano ipapahayag ang kanilang nararamdaman sa tamang pamamaraan.
Inihahandog namin ang programang “Wholesome Wednesdays” kung saan kami ay magkakaloob ng libreng occupational therapy group sessions sa mga kliyente ng AUF-OT CBR. Ito ay gaganapin tuwing Miyerkules ng 10:00 AM hanggang 11:00 AM kung saan magkakaroon ng oportunidad ang mga bata upang makisalamuha sa isa’t isa habang sila ay natututo ng iba’t ibang kasanayan na kanilang magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Tara na’t gawin nating “wholesome” ang Wednesdays! Kita-kits!
22/04/2022
Ngayong buwan ng Abril ay ipinagdiriwang ang "World Autism Awareness Month" na kung saan layunin nito ang pandaigdigang pagtanggap sa kakayahan at pagsulong sa mga karapatan ng mga indibidwal na mayroong Autism Spectrum Disorder.
Kami sa AUF-OT CBR ay nakikiisa sa selebrasyong ito at aming inaanyayahan ang komunidad sa pagpapalawak ng ating kamalayan ukol sa kondisyon na ito. Maaring basahin ang mga sumusunod na infographic para sa karagdagang impormasyon.
Sabay sabay nating itama ang mga maling paniniwala at stigma ukol sa Autism. Ating tandaan, "Unique, Not Different".
18/03/2022
Hala, may dugo!"
"Mama/Papa, bakit may dugo?"
"May sugat ba ako dito? Tulong!"
Ito ang mga kadalasang maririnig natin sa ating mga anak sa unang beses nilang datnan ng regla. Hindi natin maiiwasan na malito at mainis sila dahil hindi naiintindihan ang mga pagbabagong nangyayari sa kanilang katawan. Importante na ma-ipaliwanang nang maayos at tama ang buwanang dalaw sa ating mga anak upang maintindihan nila ang kanilang sarili at kung bakit nila nararamdaman ang mga iba't ibang pagbabago at sintomas.
Basahin ang mga sumusunod upang magabayan sa pagpapaliwanag sa ating mga anak.
Tandaan, mabuti ang may alam!
Muli, isang masayang pagbati ng happy national women's month!
11/03/2022
Masakit ba ang puso mo dahil nagbreak kayo ng jowa mo? O dahil pinaasa ka ng crush mo? 💔 Kung wala sa mga ito ang rason, basahin ang nasusunod:
Ang sakit sa puso ay ang nagungunang karamamdan at sanhi ng kamatayan sa Pilipinas. Napakaimportanteng pangalagaan ang puso dahil ito ay nakaka-epekto ng pangkalahatang kalusugan ng tao.
Here is a gentle reminder to please be careful with your heart! 🥰 Tignan at basahin ang mga sumusunod upang malaman ang iba't ibang paraan sa pag-alaga ng puso, literal ha, hindi lang sa lovelife. 😉
Healthy heart = Healthy you! 🤗
01/03/2022
Magandang araw sa lahat!
Ikinagagalak ng AUF OT CBR na ipakilala ang ating HIGH FIVE FUNday occupational therapy sessions! Naglalayon ito na makatulong sa mga batang may espesyal na pangangailangan sa pamamagitan ng iba't ibang mga laro at teknik upang makatulong sa kanilang pang araw-araw na gawain.
Mga indibidwal na session ay magaganap tuwing Lunes hanggang Biyernes at ang group session ay magaganap tuwing Miyerkules.
Samahan niyo kami everyday for HIGH FIVE FUNdays! See you all!
24/02/2022
1...2...3...SMILE!
Ngayong buwan ng Pebrero ay ang National Dental Health Month kung saan ipinagdiriwang ito upang makapagbigay-alam sa tamang pangangalaga ng ngipin at bibig.
Nakiki-isa ang AUF-OT CBR sa pagbibigay-alam ng impormasyon sa pangangalaga ng ngipin at bibig at kung papaano makatutulong ang Occupational Therapy.
Tara na at pangalagaan ang ating ngipin at bibig. Tandaan na ang pagpapangalaga ng ngipin at bibig ay ang pagpapanagalaga din ng ating kalusugan!
ISANG MALIGAYANG PAGBATI SA LAHAT!
Kami ang Batch 3 Interns ng Community Based Rehabilitation Department sa Angeles University Foundation. Ikinagagalak naming makilala kayo at ikinararangal namin na makatulong sa inyo.
Samahan ninyo kaming balikan ang mga masasayang sandali ng pamamalagi namin sa CBR. Sa pagtatapos ng aming programa na pinamagatang: Kayang Kaya ng Anak Mo: Building a quality of life through encouragement and engagement, ninais ng aming batch na makatulong sa inyong mga anak sa pamamagitan ng mga gawain at programa na aming binigay. Sa loob ng humigit kumulang dalawang buwan, nagkaroon ng iba’t-ibang aktibidad gaya ng paggawa ng mga publication materials at pagsasagawa ng mga indibidwal na online sessions at focus group discussion para sa mga magulang.
Labis po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga miyembro ng komunidad na tumulong at nakilahok sa aming programa simula sa buwan ng Disyembre hanggang sa pagtatapos ng Enero. Ang mga naging layunin ng AUF OT CBR ay natupad at naging matagumpay dahil sa inyo. Pero hindi lang dito nagtatapos ang aming serbisyo. Samahan niyo po kami muli sa mga susunod na buwan kasama naman ang bagong batch ng AUF OT CBR Interns.
This is the Batch 3 Interns Class of 2021-2022, now officially signing off!
Hanggang sa muli at mag-iingat po kayo palagi mga ka-CBR!
21/01/2022
Ang National Cancer Consciousness Week ay ginaganap sa tuwing ikatlong linggo ng buwan ng Enero. Ayon sa Pagpapahayag No. 1348, kailangang dagdagan ang kaalaman ng publiko tungkol sa panganib na dala ng sakit na Cancer. Para sa taong ito, ang National Cancer Consciousness Week ay gaganapin ng Enero 16 hanggang Enero 22.
Nakikiisa ang AUF OT-CBR sa pagpapalaganap o pagbibigay ng kaalaman ukol sa kanser, mga iba't ibang uri at sanhi nito, at kung ano ang mga tungkulin ng Occupational Therapist sa pangangalaga ng mga taong nakakaranas ng kanser.
13/01/2022
Ang National Birth Defects Prevention Month ay isinasagawa sa buong buwan ng Enero upang makapagbigay ng kaalaman at impormasyon ukol sa iba’t ibang pamamaraan upang mapabuti ang kalusugan at lifestyle ng isang tao para maiwasan ang mga kondisyon na maaaring makaapekto sa isang sanggol.
Ang pagdiriwang nito ay makakatulong upang magkaroon ng isang maayos at ligtas na pagbubuntis ang isang ina at maiwasan ang mga birth defects gaya ng Down Syndrome, Congenital Heart Defects, Spina bifida at iba pa dahil sa mga impormasyong ibinibigay kasabay ng selebrasyon nito.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the school
Website
Address
Angeles University Foundation
Angeles City
2009
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 12pm |