09/09/2026
SU***DE PREVENTION MONTH!
Sa panahon ngayon, maraming kabataan at maging matatanda ang nakararanas ng iba’t ibang problema, pressure, lungkot, takot, at mga pagsubok na minsan ay mahirap ipaliwanag sa iba. May mga pagkakataong pakiramdam natin ay kailangan nating harapin ang lahat nang mag-isa, ngunit tandaan natin na hindi natin kailangang dalhin nang mag-isa ang bawat bigat na nararamdaman natin.
Ang paggamit ng ilegal na droga ay hindi solusyon sa problema. Maaaring lalo lamang nitong palalain ang mga suliranin at makaapekto sa ating kalusugan, pamilya, pag-aaral, kinabukasan, at mga taong nagmamalasakit sa atin. Sa halip na piliin ang bagay na maaaring makasama sa ating sarili, piliin nating humingi ng tulong, magsabi ng nararamdaman, at lumapit sa mga taong mapagkakatiwalaan natin.
Sa Su***de Prevention Month, mahalagang ipaalala sa bawat isa na MAHALAGA KA. MAY HALAGA ANG BUHAY MO. AT HINDI KAILANGANG HARAPIN MAG-ISA ANG MGA PAGSUBOK. Kung may pinagdaraanan ka, huwag matakot magsabi. Hindi kahinaan ang paghingi ng tulong. Hindi rin nakakahiya ang pag-amin na nahihirapan ka. Minsan, ang isang simpleng pakikinig, pag-unawa, at presensya ng isang taong nagmamalasakit ay malaking bagay na.
Bilang isang komunidad, responsibilidad nating maging mapagmatyag, maunawain, at handang tumulong. Iwasan nating husgahan ang mga taong dumaraan sa mabibigat na pagsubok. Sa halip, pakinggan natin sila, samahan, at hikayatin silang lumapit sa mga taong makatutulong sa kanila.
HUWAG MAG-ISA. MAGSABI. MAKINIG. HUMINGI NG TULONG. MAGING TULONG. 🫂
Piliin ang buhay. Piliin ang pag-asa. Piliin ang tamang desisyon. Piliin ang mga taong tunay na nagmamalasakit sa iyo.
Psalm 55:22
“Cast your burden on the Lord, and He shall sustain you.”
SAMA-SAMA NATING ITAGUYOD ANG ISANG KOMUNIDAD NA WALANG HUSGA, MAY PAG-UNAWA, AT HANDA LAGING UMALALAY. 🫂❤️🩹
💻: MARKCO LOUIS R. DE GUZMAN (BKD President)
✍️: ASHLY M. VILLARAMA
(BKD Treasurer)