04/09/2026
Makabuluhan at Masayang Pagdiriwang ng Araw ng Wika!
Naging puno ng sigla, talento, at pagmamahal sa kulturang Pilipino ang ating ginanap na palatuntunan! Nagsimula ang araw sa pagpapakitang-gilas ng ating mga mag-aaral sa Pagsulat ng Sanaysay at Pagguhit ng Poster.
Sundan pa ito ng isang makulay na programa kung saan ibinida ang kagandahan ng ating tradisyonโmula sa pormal na pagpapakilala at pagpaparangal sa ating Lakan at Lakambini 2026, mga damdaming humahagupit sa Tula at Talumpati, hanggang sa mga nakamamanghang pagtatanghal ng Igorot Dance, Katutubo at Modernong Sayaw, Sabayang Bigkas, at Sining ng Teatro!
Nagtapos ang ating programa sa Paggawad ng Parangal sa lahat ng ating mga mahuhusay na nagwagi at ang sama-samang pag-awit ng Himno ng Lourdes College of Bulacan. ๐๐
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, naghandog ng talento, at nakiisa sa pagpapayaman ng ating wikang pambansa.
Ito ay pinangunahan ng SAMAGFIL sa koordinasyon ni Ginoong Generoso Bartolome.
Hanggang sa muling pagdiriwang!