09/08/2026
๐๐๐ฆ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐โ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ง๐๐ง, ๐ง๐๐ ๐ฅ๐๐๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐จ๐ซ๐๐ง๐๐ฎ๐ฆ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ ๐ข๐ญ๐๐ฅ ๐๐ข๐ญ๐ข๐ณ๐๐ง๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ
Opisyal na naglabas ng Memorandum Blg. 170, s. 2026 ang Tanggapan ng Kampus Administrator ng Isabela State UniversityโAngadanan Campus nitong Agosto 06, 2026 upang paalalahanan ang lahat ng mag-aaral na pairalin ang responsibilidad, paggalang, at wastong asal sa paggamit ng social media at iba pang digital na plataporma.
โ
โNilagdaan sa kapangyarihan ng Campus Administrator, Prof. Oscar G. Bangayan, PhD, ang memorandum kaugnay sa "Responsible and Respectful Posting, Commenting and Sharing in Social Media Platforms of Students," na naglalayong isulong ang responsableng digital citizenship at mapanatili ang mabuting pangalan ng pamantasan.
โ
โAyon sa memorandum, hinihikayat ang mga mag-aaral na mag-isip nang mabuti bago magbahagi, magkomento, o maglathala ng anumang nilalaman sa social media, sapagkat ang bawat pahayag at kilos sa onlayn na espasyo ay maaaring makaapekto sa kanilang personal na kredibilidad at sumalamin sa imahe, integridad, at reputasyon ng unibersidad.
โ
โInilabas ang memorandum kasunod ng mga naging interaksiyon sa social media kaugnay ng anunsiyo ng suspensiyon ng klase na inilabas ni Hon. Mayor Joelle Mathea S. Panganiban, kung saan nakitaan ng ilang hindi magagalang at hindi naaangkop na komento.
โBinigyang-diin ng administrasyon na bagama't kinikilala at iginagalang ng Unibersidad ang karapatan ng bawat isa sa malayang pagpapahayag, kaakibat nito ang pananagutang gamitin ang kalayaang ito nang may paggalang, pananagutan, at pagsunod sa mga pamantayang etikal.
โ
โDagdag pa rito, inaasahan ang lahat ng mag-aaral na maging mabuting halimbawa ng responsableng digital citizenship sa pamamagitan ng pagpapakita ng paggalang, propesyonalismo, at kahinahunan sa lahat ng onlayn na pakikipag-ugnayan. Hinikayat din ang mga ito na umiwas sa paggamit ng mapanlait, mapanira, at iba pang hindi naaangkop na pananalita o larawan at sumunod sa mga umiiral na patakaran ng Unibersidad, at mga naaangkop na alituntunin hinggil sa responsableng paggamit ng social media.
โ
โSamantala, inatasan din ang lahat ng mga dekano, direktor ng mga kolehiyo, tagapangulo ng iba't ibang programa na tiyakin ang malawakang pagpapalaganap ng memorandum at hikayatin ang mga mag-aaral na patuloy na isabuhay ang mga pagpapahalaga ng paggalang, integridad, at responsableng pag-uugali sa mga digital na plataporma.
โ
โSa pamamagitan ng naturang memorandum, muling pinagtibay ng ISUโAngadanan Campus ang pangako nitong linangin ang mga mag-aaral na hindi lamang mahusay sa larangan ng akademya kundi maging responsableng mamamayan na gumagamit ng social media nang may disiplina, paggalang, at pananagutan.
โ