04/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐-29 ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐! ๐ต๐ญ
Ngayong buwan ng Agosto, buong pagmamalaki nating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika 2026 na may temang, "๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐๐ญ ๐๐: ๐๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐๐ง๐๐ฅ๐ข๐ค๐ฌ๐ข๐ค ๐๐ญ ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง."
Pormal itong ipinagdiriwang sa buong buwan ng Agosto sa bisa ng ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐. 1041, na nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos noong 1997.
Sa panahon ngayon, hindi maikakailang mabilis ang pag-unlad ng teknolohiya. Unti-unti nang nagiging bahagi ng ating pang-araw-araw na pamumuhay ang Artificial Intelligenceโ isang makabagong kasangkapan na nagbibigay ng mas malawak na akses sa impormasyon at tumutulong sa iba't ibang larangan ng pagkatuto. Ngunit kasabay ng pagyakap natin sa mga pagbabagong ito ay ang pananagutang pangalagaan ang ating sariling wika.
Palaging tandaan na ang tunay na pag-unlad ay hindi nasusukat sa bilis ng pagsabay sa teknolohiya, kundi sa kakayahan nating dalhin ang ating pagkakakilanlan habang sumusulong. Huwag nating hayaang matabunan ng makabagong panahon ang tinig ng ating sariling wika, sapagkat ang Wikang Filipino ay hindi lamang daluyan ng kaalamanโ ito ang salamin ng ating kasaysayan, kultura, at pagkatao. Gamitin natin ang AI bilang katuwang sa pagkatuto at pananaliksik, ngunit manatili tayong may kritikal na pag-iisip, integridad, at pagpapahalaga sa wikang nagbubuklod sa ating bilang isang sambayanan.
Sa bawat salitang ating binibigkas at isinusulat, nawa'y patuloy nating ipakita na ang pag-unlad ay hindi nangangahulugang pagbitaw sa ating pagkakakilanlan at pinagmulan. Sa halip, gamitin natin ang makabagong teknolohiya upang higit pang maitaguyod, mapagyaman, at maipagmalaki ang Wikang Filipino.
๐ผ: Jamaica Yvonne Nazareno | 12 - Representative
โ๏ธ: Joanna Mae Sambajon | President