17/03/2026
PGNHS Nagsagawa ng Parade of Professions at Career Guidance Symposium
Isinagawa ng Pacac Grande National High School (PGNHS) ang Parade of Professions at Career Guidance Symposium bilang bahagi ng Career Guidance Program na naglalayong gabayan ang mga mag-aaral sa pagpili ng kanilang magiging landas sa hinaharap.
Idinaos ang parada sa loob ng paaralan kung saan nilibot ng mga mag-aaral mula Grade 10, 11, at 12 ang kampus habang suot ang mga kasuotang kumakatawan sa kanilang pinapangarap na propesyon, tulad ng healthcare and medicine, engineering and technology, business and finance, education, arts and design, science and research, law and public safety, hospitality and tourism, government and public administration, transportation and logistics, at environmental and agricultural sciences.
Sa pamamagitan ng gawaing ito, nabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na maipahayag ang kanilang mga pangarap at mithiin sa buhay.
Kaugnay nito, matagumpay ring isinagawa ng paaralan ang Career Guidance Symposium bilang bahagi ng Career Guidance Program, na naglalayong magbigay ng mas malalim na kaalaman sa mga mag-aaral hinggil sa pagpili ng karera at mga oportunidad sa hinaharap.
Nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan ang mga inimbitahang tagapagsalita upang gabayan ang mga mag-aaral sa paggawa ng wastong desisyon.
Tinalakay ni Sir Ricky Burac, PESO Manager/LYDO Designate, ang kasalukuyang kalagayan ng labor market at ang mga trabahong in demand, na nagbigay-linaw sa kahalagahan ng paghahanda sa nagbabagong mundo ng paggawa.
Samantala, ibinahagi ni Sir Dennis G. Suva, Guidance Counselor III ng Amulung National High School, ang kahalagahan ng career counseling, na nakatuon sa pagkilala sa sarili, tamang pagpapasya, at wastong paggabay sa pagpili ng angkop na landas.
Nagbigay rin ng makabuluhang talakayan si Mr. Rexan Campos, Senior High School Coordinator, sa paksang โStrengthened Senior High School Curriculum,โ kung saan ipinaliwanag niya ang mga oportunidad at kahalagahan ng pinalakas na kurikulum sa paghahanda ng mga mag-aaral para sa kolehiyo at trabaho.
Ipinahayag ng mga tagapag-organisa na sina Nelia Gawaen, Senior High School Career Guidance Designate at Career Guidance, Advocate; Marjorie Ballesta, JHS Career Guidance Designate; at Mario Gola, Career Guidance Advocate, ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa mga tagapagsalita sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman at inspirasyon sa mga mag-aaral.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang punong-guro ng paaralan na si Maโam Grace L. Tabaog sa mga resource speakers sa kanilang pakikiisa at suporta sa layunin ng paaralan na gabayan ang mga mag-aaral tungo sa makabuluhan at matagumpay na kinabukasan. #