04/08/2026
๐ค ๐๐ข๐๐ก๐ง ๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐ | ๐๐๐น๐๐ผ ๐ฎ๐ฐ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Noong Hulyo 24, 2026 (Biyernes), matagumpay na isinagawa ang Joint Meeting ng School Governance Council (SGC), School Parents-Teachers Association (SPTA), Supreme Secondary Learner Government (SSLG), Youth for Environment in Schools-Organization (YES-O), at Barkada Kontra Droga (BKD), na pinangunahan ng Punong G**o na si Dr. Levi V. Alcantara at ng inyong lingkod, SSLG President na si Jhon Rasnel C. Castillano.
Sa pagpupulong na ito, nagkaroon ng makabuluhang talakayan kung saan naibahagi ng mga pinuno at kinatawan ng bawat organisasyon ang kanilang mga saloobin, mungkahi, at pananaw para sa ikabubuti ng paaralan. Tinalakay rin ang mga plano at programang isasakatuparan para sa Taong Panuruan 2026-2027, kabilang ang pagpapanatili ng kalinisan ng paaralan, pagpapalakas ng seguridad ng mga mag-aaral, at iba pang mga inisyatibang magbibigay ng positibong pagbabago at higit na makatutulong sa buong komunidad ng Talon Integrated School.
Bilang pagtatapos ng programa, isinagawa rin ang panunumpa ng katungkulan ng mga opisyal ng bawat organisasyon bilang tanda ng kanilang buong pusong pagtanggap sa responsibilidad na mamuno, maglingkod, at maging katuwang sa pagsusulong ng kapakanan ng paaralan at ng bawat Talonian.
Sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagtutulungan, at aktibong pakikilahok ng bawat stakeholder, patuloy nating isusulong ang mga programang magbibigay ng mas ligtas, mas maayos, at mas masayang kapaligiran para sa lahat.
๐ Isang Talon Para sa Kinabukasan!
!
โ๏ธ:SSLG PRESIDENT|JOHN RASNEL CASTILLANO
๐จ:SSLG PIO|HANNI RIGO