AGOS Opisyal na pahayagang pampaaralan ng Taparak Integrated School.
πŸ“ Taparak, Alubijid, Misamis Oriental
πŸ“° "AGOS" – Daloy ng Kaalaman at Katotohanan.

πŸ‡΅πŸ‡­ π“π€ππ€π‘π€πŠ πˆππ“π„π†π‘π€π“π„πƒ π’π‚π‡πŽπŽπ‹: ππ€π†π’π€π’π€ππ”π‡π€π˜ 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 π–πˆπŠπ€ πŸπŸŽπŸπŸ“ πŸ‡΅πŸ‡­Ngayong Agosto, muling ipinamalas ng Taparak Integrat...
11/08/2025

πŸ‡΅πŸ‡­ π“π€ππ€π‘π€πŠ πˆππ“π„π†π‘π€π“π„πƒ π’π‚π‡πŽπŽπ‹: ππ€π†π’π€π’π€ππ”π‡π€π˜ 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 π–πˆπŠπ€ πŸπŸŽπŸπŸ“ πŸ‡΅πŸ‡­

Ngayong Agosto, muling ipinamalas ng Taparak Integrated School ang kanilang pagmamahal sa wika at kultura sa pamamagitan ng makulay na pagsusuot ng pambansang kasuotan sa ginanap na Flag Raising Ceremony ngayong umaga. Ang makabuluhang gawain ay isinagawa bilang pagsunod sa Memorandum Circular No. 16, s. 2024 na nagtataguyod ng pagpapahalaga sa pambansang identidad sa mga pampublikong ahensya at paaralan.

Sa temang β€œPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa”, layunin ng Buwan ng Wika ngayong taon na hikayatin ang bawat Pilipino na isulong ang paggamit at paglinang sa wikang Filipino at mga katutubong wika bilang mahalagang sangkap ng pambansang pagkakaisa.

Bilang bahagi ng tradisyon, ang mga g**o ng Taparak Integrated School ay nagsuot ng iba’t ibang disenyo ng barong at baro’t saya, na sumisimbolo sa yaman ng ating kultura. Sa simpleng hakbang na ito, naipapakita hindi lamang ang paggalang sa ating kasaysayan, kundi ang pagpapalakas din ng ating pagkakakilanlan bilang iisang lahi.πŸ’›πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­πŸ«

Address

TAPARAK, ALUBIJID MISAMIS ORIENTAL
Alubijid
9018

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when AGOS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category