20/08/2026
Happy birthday, Dr. Edilberto M. Andres Jr.! Wishing you a day filled with joy, laughter, and all the things that bring you happiness. Here's to another amazing year ahead! ๐๐
A leading future-ready teacher education university responsive to national & global development goals
20/08/2026
Happy birthday, Dr. Edilberto M. Andres Jr.! Wishing you a day filled with joy, laughter, and all the things that bring you happiness. Here's to another amazing year ahead! ๐๐
20/08/2026
๐ฃ๐ฎ๐ด๐น๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ป๐ธ๐น๐๐๐ถ๐ฏ๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป
Isinagawa ng Gender Equity, Diversity, and Inclusion Unit (GEDIU) ng Philippine Normal University North Luzon ang โPara sa Pantay at Magalang na Araw-Araw: Gender Sensitivity Training for Newly-Hired Faculty and Staffโ noong Agosto 20, 2026, na ginanap sa Old Multi-Purpose Hall. Layunin ng gawain na palalimin ang kaalaman at kamalayan ng mga bagong-tanggap g**o at kawani sa kanilang mahalagang papel sa pagsusulong ng isang ligtas, pantay, magalang, at inklusibong komunidad.
Dinaluhan ni Dr. Agnes S. Reyes, Executive Director and Provost ang nasabing gawain.
Sa kanyang Welcome Greetings, binigyang diin ni Ginoong Richard R. Guiab, Head ng Human Resource Management and Development Unit (HRMDU) ang kahalagahan ng kanilang pagiging bahagi ng isang komunidad na nagtataguyod ng paggalang, pagkakapantay-pantay, at kapakanan ng bawat isa. Samantala, nagbahagi naman si Dr. Jandy S. Danzalan, Director for Research, Extension, Quality Assurance, and Development (REQAD), ng Message of Commitment, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag at responsable sa mga napapanahong isyu. Hinamon din niya ang mga kalahok na suriin at kuwestiyunin ang mga nakasanayang stereotype at pag-isipan kung paano nakaaapekto ang mga ito sa paraan ng ating pagtingin at pakikitungo sa iba.
Pinangunahan ni Dr. Raquel R. Geronimo, Head ng Gender Equity, Diversity, and Inclusion Unit (GEDIU), ang lecture-forum na tumalakay sa GAD mandates, basic GAD concepts, gender stereotypes and socialization, unconscious bias, sexual orientation, gender identity and expression, at gender-fair language. Sa pamamagitan ng talakayan, nabigyan ang mga kalahok ng pagkakataong higit na maunawaan ang mga konseptong ito at maiugnay ang mga ito sa kanilang pang-araw-araw na karanasan at tungkulin.
Sinundan ito ng open forum at sharing, kung saan nagbahagi ang mga kalahok ng kanilang mga repleksiyon, natutuhan, at personal na karanasan, gayundin ng kanilang mga pananaw kung paano maisasabuhay at mailalapat ang mga aral mula sa pagsasanay sa kanilang pang-araw-araw na buhay at aktuwal na pakikitungo sa iba. Naging mahalagang bahagi ito ng programa sa pagbibigay-diin na ang gender sensitivity ay hindi lamang kaalaman na natutuhan sa isang pagsasanay, kundi isang kamalayang dapat maisabuhay sa bawat pakikipag-ugnayan at desisyong ginagawa.
Sa pamamagitan ng gawaing ito, patuloy na isinusulong ng GEDIU ang gender awareness at gender responsiveness sa hanay ng faculty at staff, tungo sa pagbuo ng isang ligtas, pantay, magalang, at inklusibong pamayanan ng PNUNL.
Sama-sama nating hamunin ang mga nakasanayan, palawakin ang ating pag-unawa, at isabuhay ang paggalang at pagkakapantay-pantay para sa lahat.
20/08/2026
๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ฒ ๐๐ญ ๐๐๐ ๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ-๐๐ซ๐๐ฐ: ๐๐๐ง๐๐๐ซ ๐๐๐ง๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ซ ๐๐ฑ๐ญ๐๐ซ๐ง๐๐ฅ ๐๐ญ๐๐ค๐๐ก๐จ๐ฅ๐๐๐ซ๐ฌ
Isinagawa ng Gender Equity, Diversity, and Inclusion Unit (GEDIU) ng Philippine Normal University North Luzon ang โPara sa Pantay at Magalang na Araw-Araw: Gender Sensitivity Training for External Stakeholdersโ noong Agosto 19, 2026, sa 4th Floor, Multi-Purpose Hall, Innovation Hub Building, PNUNL. Layunin ng programa na palawakin ang kamalayan at pag-unawa sa mga usaping pangkasarian at itaguyod ang isang ligtas, magalang, inklusibo, at gender-responsive na kapaligiran para sa buong komunidad ng Pamantasan.
Dinaluhan ang gawain ng mga kinatawan mula sa PNU Trikers Association, Boarding House Owners, PNUNL Maintenance Personnel, at Security Guards, kasama ang mga campus officials, kabilang sina Dr. Madonna C. Gonzalez, Director for Administration, Finance, and Planning; Dr. Clemente M. Aguinaldo, Dean for Academics and the Hub; at Dr. Jandy S. Danzalan, Director for Research, Extension, Quality Assurance, and Development.
Sa kanyang Welcome Message, binati ni Dr. Agnes S. Reyes, Executive Director and Provost, ang mga dumalong stakeholders at kinilala ang kanilang mahalagang papel bilang bahagi ng mas malawak na komunidad ng Pamantasan. Hinikayat niya ang kanilang patuloy na pakikipagtulungan sa Pamantasan upang maisulong ang ikabubuti ng komunidad, gayundin ang kapakanan, kaligtasan, at seguridad ng mga mag-aaral.
Pinangunahan naman ni Dr. Raquel R. Geronimo, Head ng Gender Equity, Diversity, and Inclusion Unit (GEDIU), ang talakayan hinggil sa gender sensitivity, gender stereotypes, gender and development, at iba pang mahahalagang konsepto na naglalayong palalimin ang pag-unawa sa pagkakapantay-pantay, paggalang, at pagiging inklusibo.
Naging mahalagang bahagi rin ng programa ang open forum, kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga stakeholders na malayang magbahagi ng kanilang mga saloobin, karanasan, at concerns kaugnay ng kanilang pakikisalamuha sa komunidad ng Pamantasan. Ang mga usaping ibinahagi ay tinanggap nang may paggalang at pagiging kumpidensiyal. Ang mga ito ay bibigyang-pansin sa pamamagitan ng naaangkop na plataporma, wastong proseso, at maayos na diyalogo, upang matiyak na ang bawat concern ay mapag-uusapan at matutugunan sa isang ligtas, maayos, at angkop na paraan.
Matapos ang open forum, nagbigay ng Inspirational Message si Hon. Eunice V. Parallag, Barangay Captain ng Barangay Aurora, Alicia, Isabela, at Presidente ng Liga ng mga Barangay, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa, pakikiisa, at sama-samang pagkilos sa pagtataguyod ng isang ligtas, maayos, at inklusibong komunidad.
Sa pamamagitan ng gawaing ito, patuloy na isinusulong ng GEDIU ang kamalayan, diyalogo, at pakikipagtulungan sa ibaโt ibang stakeholder tungo sa pagbuo ng isang mas ligtas, pantay, magalang, at inklusibong komunidad.
Para sa isang mas pantay, magalang, at inklusibong araw-araw, para sa lahat.
20/08/2026
Attention!
We are now accepting sealed bids to operate the University Canteen. The deadline for submission is on August 27, 2026, 5:00 P.M.
For further inquiries, you may call or email us at your convenience. Contact us at [email protected] or 09066914071.
18/08/2026
Bilang bahagi ng countdown para sa ating pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Pagbubukas ng Philippine Normal School, inaanyayahan ang lahat na makilahok at ipagmalaki ang inyong pagiging PNUan!
๐-๐๐ฝ๐ฑ๐ฎ๐๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ณ๐ถ๐น๐ฒ ๐ฝ๐ถ๐ฐ๐๐๐ฟ๐ฒ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐บ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐ฎ ๐ฎ๐ฐ๐ฐ๐ผ๐๐ป๐ ๐ด๐ฎ๐บ๐ถ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ผ๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ณ๐ฟ๐ฎ๐บ๐ฒ.
1๏ธโฃ Puntahan ang link na ito:
twb.nz/pnu125
twb.nz/pnu125
twb.nz/pnu125
2๏ธโฃ Mag-upload ng inyong paboritong larawan.
3๏ธโฃ I-download ang larawang mayroon nang frame.
4๏ธโฃ I-upload ito sa inyong mga social media account bilang profile o display picture.
Huwag kalimutang gamitin ang hashtag na sa inyong caption.
๐๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ต๐ข๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ช๐ด๐ฆ๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ต๐ฆ๐ณ๐บ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ข ๐ช๐ต๐ฐ ๐ข๐บ ๐จ๐ข๐ธ๐ข ๐ฏ๐ช ๐๐ข๐ฏ ๐๐ฆ๐ฐ๐ฃ๐ข๐ณ๐ต ๐. ๐๐ข๐ฎ๐ฐ๐ด ๐ฏ๐จ ๐๐๐ ๐๐ข๐ฏ๐ช๐ญ๐ข ๐๐ณ๐ฆ๐ข๐ต๐ช๐ท๐ฆ ๐๐ฆ๐ข๐ฎ.
---
Ikinalulugod naming maibahagi sa inyo ang impormasyong ito, at umaasa kaming ito ay maging kapaki-pakinabang sa inyo!
Bisitahin ang https://nnp.pnu.edu.ph/, piliin ang Strategic Communications and Public Relations Unit, at ibahagi sa amin ang inyong mga reaksyon o saloobin tungkol sa impormasyong aming ibinahagi.
17/08/2026
Happy birthday, Ms. Lo**ta C. Ancheta! Wishing you a day filled with joy, laughter, and all the things that bring you happiness. Here's to another amazing year ahead! ๐๐
Ating sisimulan ang pagbibilang ng mga araw bago sumapit ang Setyembre kung kailan ay ating ipagdiriwang ang ika-125 Anibersaryo ng pagbubukas ng ating pamantasan na noon ay kilala pa bilang Philippine Normal School.
Bilang isang komunidad, ating pakinggan ang mensahe ng ating mahal na Pangulo, Dr. Bert J. Tuga, ukol sa pagpapasimula ng mga kaugnay na gawain.
---
Ikinalulugod naming maibahagi sa inyo ang impormasyong ito, at umaasa kaming ito ay maging kapaki-pakinabang sa inyo!
Bisitahin ang https://nnp.pnu.edu.ph/, piliin ang Strategic Communications and Public Relations Unit, at ibahagi sa amin ang inyong mga reaksyon o saloobin tungkol sa impormasyong aming ibinahagi.
16/08/2026
Happy birthday, Prof. Virgilio F. Reyes! Wishing you a day filled with joy, laughter, and all the things that bring you happiness. Here's to another amazing year ahead! ๐๐
14/08/2026
๐๐ซ๐จ๐ฒ๐๐ค๐ญ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ -๐๐ค๐ฌ๐ญ๐๐ง๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐ค๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐ ๐ญ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ญ๐ข๐จ ๐๐ข๐ฅ๐ฎ๐๐จ๐ญ, ๐๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐
Walang bundok na matarik akyatin, ilog na malalim baybรกyin, o daang nakakapagรกl tawirin kung ang akay ay pag-asang magpapatatag sa isang komunidad.
Isinagawa muli ng Pamantasang Normal ng Pilipinas Hilagang Luzon ang proyektong ๐ฃ๐ก๐จ๐ก๐-๐ฅ๐๐๐๐ (๐ฅ๐ฒ๐๐ถ๐๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป & ๐๐บ๐ฝ๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ต๐ฟ๐ผ๐๐ด๐ต ๐๐ผ๐บ๐บ๐๐ป๐ถ๐๐ ๐๐๐๐ถ๐๐๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ฎ๐บ๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฃ๐), isang programang pang-ekstensyon sa komunidad ng Agta sa Sitio Dilucot, Burgos, San Guillermo, Isabela noong ika-12 ng Agosto 2026.
Sa pangunguna ni Prop. Virgilio Reyes, Jr., Puno ng Ekstensyon, Alumni, Pakikipag-ugnayan at Internasyonalisasyon ng PNU Hilagang Luzon, kasama si G. Edgar Guyud, Jr. Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) ng LGU San Guillermo, Isabela. Layuning ng proyektong ito na palakasin ang dignidad at kabuhayan ng mga kapatid na Agta, habang pinapanatili ang kanilang kultura, pinayayaman ng edukasyon, at pinangangalagaan ang kalusugan upang maging katuwang sila sa inklusibong pag-unlad ng lipunan.
Ibinahagi ang mga serye ng gawain upang maglayong magbigay ng praktikal na kaalaman sa kanilang komunidad. Kabilang dito ang ๐๐ฎ๐๐ฎ, ๐๐ฎ๐๐ฎ, ๐๐๐ธ๐๐๐ฒ๐ป๐๐๐ต๐ฎ๐ป ๐๐ถ๐๐ฎ sa pangunguna ni Prop. LJ Malaya Libunao ng Filipino yunit upang gisingin ang interes at kasanayan ng mga bata sa pakikinig at pagbasa. Sa larangan naman ng pangkabuhayan, pinangunahan naman ni Prop. Jerry B. Tolentino ng Math yunit ang ๐ก๐๐บ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐ฐ๐ ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ฃ๐ (NTIP) na nagturo ng batayang pagdaragdag (addition) upang magamit ng mga kapatid na Agta sa kanilang araw-araw na pakikipagkalakalan at pagkukuwenta ng kanilang produkto. Para sa kalusugan, pinangunahan nina Prop. Junar Santiago at Prop. Mervin Andrei Simon ng Science yunit ang ๐๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ฎ๐น ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฑ๐๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ผ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐บ๐ผ๐๐ฒ ๐ฅ๐ฒ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ ๐ถ๐ป ๐๐ต๐ฒ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ (HERB) upang ibahagi ang sampung halamang-gamot na aprobado ng DOH. Dagdag pa rito, isinagawa nina G. Richard Guiab at Gng. Angeline Cardona ng PNUNL Admin. Staff ang ๐ ๐ผ๐๐ต๐ฒ๐ฟ'๐ ๐๐น๐ฎ๐๐ na nagturo ng tamang paggamit ng digital blood pressure monitor at ang pormal na pagkaloob ng mga aparatong ito upang magamit nila.
Nagbigay-daan para sa tagumpay ng buong proyekto ang matibay na pagtutulungan ng PNU Hilagang Luzon sa pamumuno ni Dr. Agnes S. Reyes at ng pamahalaang lokal ng San Guillermo, Isabela sa pangunguna ni Mayor Felipe C. Guyud III. Isang ugnayang magpapatuloy pa sa mga susunod na panahon upang mas marami pang komunidad ang maabot at mapaglingkuran.
Sa huli, hindi lang serbisyo ang dinala sa mga kapatid nating Agta. Dahil gaano man kalayo ang kabundukan, kapag inilapit ang totoong kasanayan, ibinabalik sa pamayanan ang sarili nilang lakasโ isang kakayahang mananatili sa kanilang mga kamay, saanman sila dalhin ng bukas.
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |