The Sanghiyang

The Sanghiyang The Official Student Publication of Polytechnic University of the Philippines - Alfonso Campus.

  | TIMBANGAN NG BAYANAng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte ay isa sa pinakamalaking hamon sa kasalukuya...
05/08/2026

| TIMBANGAN NG BAYAN

Ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte ay isa sa pinakamalaking hamon sa kasalukuyang politika ng Pilipinas. Ang mga alegasyon ng maling paggamit ng confidential funds, bribery, at pagbabanta laban sa Pangulo ay nagbukas ng mas malalim na usapin tungkol sa integridad ng pamahalaan. Ang kasong ito ay hindi lamang personal na laban, kundi isang pagsubok sa kakayahan ng ating mga institusyon na ipatupad ang prinsipyo ng “walang sinuman ang higit sa batas.”

Batay sa Articles of Impeachment, kabilang sa mga alegasyon laban sa kanya ang maling paggamit ng confidential funds na umabot sa ₱612.5 milyon, hindi maipaliwanag na yaman at maling deklarasyon sa kanyang SALNs, katiwalian sa Department of Education, at mga banta laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa kanyang pamilya. Ang mga alegasyong ito ay hindi lamang usapin ng batas, kundi usapin din ng tiwala ng taumbayan.

Ayon sa mga dokumentong iniharap sa kaso, mabilis na naubos ang ₱125 milyon na confidential funds ng kanyang opisina noong Disyembre 2022, na sinasabing na-liquidate sa loob lamang ng 11 araw. May mga transaksyong umabot sa ₱250,000 kada araw para sa tinukoy na “safe house rentals.” Dagdag pa rito, lumitaw sa mga imbestigasyon ang mga pangalan sa liquidation documents na hindi matukoy sa civil registry, gaya nina “Mary Grace Piattos” at “Milky Secuya.”

Bukod sa usapin ng pondo, lumitaw din ang mga alegasyon hinggil sa kanyang SALNs mula 2022 hanggang 2024. Nakasaad sa mga dokumentong iniharap sa kaso na may mga ari-ariang hindi umano lubusang naideklara at mga negosyong sinasabing patuloy na pinanatili sa kabila ng mga limitasyong itinakda ng Konstitusyon. Iginiit din ng mga nag-akusa na hindi umano tugma ang kanyang idineklarang yaman sa kanyang lehitimong kita. Ang mga usaping ito ay nananatiling bahagi ng mga alegasyong kailangang timbangin batay sa ebidensya sa paglilitis.

Ngayong Agosto 5, 2026, nagpapatuloy ang impeachment trial sa Senado sa ika-13 araw ng paglilitis. Muling humarap ang dating COA auditor na si Roderick Wamil upang sagutin ang mga tanong ng mga senador hinggil sa Article I—ang alegadong maling paggamit at maling paglalaan ng confidential funds. Sa kanyang testimonya, tinalakay ang mga kakulangan sa dokumentasyon at ilang gastusing kinuwestiyon kung pasok sa pinapayagang paggamit ng confidential funds.

Ang patuloy na pagdinig na ito ay nagpapakita na ang laban para sa pananagutan ay hindi natatapos sa mga nakasulat na alegasyon. Higit sa lahat, kinakailangan itong dumaan sa masusing pagsusuri ng ebidensya sa harap ng impeachment court at ng taumbayan.

Higit pa sa kapalaran ng isang opisyal ang nakasalalay sa impeachment na ito. Isa itong pagsubok kung hanggang saan kayang panindigan ng bansa ang pananagutan, transparency, at pagiging bukas ng pamahalaan sa taumbayan. Matapos man ang paglilitis, hindi dapat doon magtapos ang paghahanap ng katotohanan.

Sa bawat pondong ginastos, ari-ariang kailangang ipaliwanag, at desisyong ginawa ng isang halal na opisyal, may taumbayang may karapatang magtanong at humingi ng kasagutan. Sapagkat sa isang demokrasya, hindi dapat nasusukat ang pananagutan sa pangalan, posisyon, o kapangyarihan, kundi sa pagkilala at paggalang sa tinig ng mamamayan.

Dahil sa huli, ang tunay na kapangyarihan ay hindi nasa kamay ng iilan, kundi nasa taumbayang patuloy na naniningil ng katotohanan at katarungan.

Isinulat ni Sylphy Naviel
Dibuho ni Jwn



  | Sa pagtatapos ng Leadership Training Seminar, ginawaran ng sertipiko ang guest speaker na si Mr. Rae Gabrielle Decha...
05/08/2026

| Sa pagtatapos ng Leadership Training Seminar, ginawaran ng sertipiko ang guest speaker na si Mr. Rae Gabrielle Dechavez para sa pagbibigay kaalaman at karunungan sa naganap na programa sa PUP-Alfonso Campus.

Binigyan din ng parangal ang mga life coaches ng Every Nation Campus na tumulong upang maging matagumpay ang programa.

✍🏻 : Aeloun
📷 : Sylvar


  | Sa Ika-apat na Sesyon ng Leadership Training Seminar, ipinagpatuloy ni Mr. Rae Gabrielle Dechavez ang talakayan tung...
05/08/2026

| Sa Ika-apat na Sesyon ng Leadership Training Seminar, ipinagpatuloy ni Mr. Rae Gabrielle Dechavez ang talakayan tungkol sa “Stewardship”.

“Faithful in little, trusted with much.”

Bilang lider, tungkulin nila ang masusing pag-iingat at responsableng paggamit ng mga yaman at tiwalang ipinagkatiwala sa kanila. Nagsisimula ang pagiging mabuting katiwala sa maliliit na bagay. Dito nasusubok kung karapat-dapat kang pagkatiwalaan sa mas malalaki.

✍🏻 : Aeloun
📷 : Sylvar


  | Ang huling palaro ng Leadership Training Seminar ay pinamagatang “Diskarte Cup Challenge,” na nilaro ng dalawang kop...
05/08/2026

| Ang huling palaro ng Leadership Training Seminar ay pinamagatang “Diskarte Cup Challenge,” na nilaro ng dalawang koponan sa loob ng Audio-Visual Room. Layunin ng palaro na makabuo ng pinakamataas na cup tower, kung saan magwawagi ang koponang makakalikha ng pinakamataas na tore.

✍🏻 : Aeloun
📷 : Vixenn


  | Sa ikatlong sesyon ng Leadership Training Seminar, tinalakay ni Mr. Rae Gabrielle Dechavez ang paksang “Servant Lead...
05/08/2026

| Sa ikatlong sesyon ng Leadership Training Seminar, tinalakay ni Mr. Rae Gabrielle Dechavez ang paksang “Servant Leader”. Binigyang-diin ng guest speaker ang mga katangiang bumubuo sa isang epektibong lider.

Ipinakita rin na mas mahalaga ang misyon, layunin, at adhikain ng isang lider kaysa sa taglay nitong posisyon. Sapagkat sa pagharap sa mga hamon, mahalaga ang pagkakaroon ng lider na epektibo, maaasahan, at handang maglingkod.

✍🏻 : Aeloun
📷 : Vixenn


  | Idinaos ang ikatlong aktibidad ng Leadership Training Seminar sa loob ng AVR, na pinamagatang “Walang Laglagan, Pare...
05/08/2026

| Idinaos ang ikatlong aktibidad ng Leadership Training Seminar sa loob ng AVR, na pinamagatang “Walang Laglagan, Pare!”

Naipakita ng laro ang kahalagahan ng isang tunay na lider na handang maging bahagi ng proseso at magbigay ng suporta kung saan ito higit na kinakailangan. Hindi mahalaga ang posisyon, kundi ang kagustuhang maglingkod at kumilos para sa ikabubuti ng nasasakupan.

✍🏻 : Aeloun
📷 : Sylvar


  | Matapos ang dalawang sesyon ng Leadership Training Seminar, pinarangalan ng sertipiko ang guest speaker na si Ms. Cl...
05/08/2026

| Matapos ang dalawang sesyon ng Leadership Training Seminar, pinarangalan ng sertipiko ang guest speaker na si Ms. Clarice Cabanlit bilang pagkilala sa kanyang natatanging pagtalakay hinggil sa integridad at self-governance ng bawat estudyanteng lider.

✍🏻: Aeloun
📷: Vixenn


  | Matapos ang ikalawang sesyon ng Leadership Talk na bahagi ng Leadership Training Seminar, muling nagsama-sama ang ba...
05/08/2026

| Matapos ang ikalawang sesyon ng Leadership Talk na bahagi ng Leadership Training Seminar, muling nagsama-sama ang bawat iskolar upang pag-usapan at kilalanin ang kanilang mga emosyon sa bawat sitwasyong kanilang kinaharap.

Bilang mga lider, may kakayahan silang makaimpluwensiya sa bawat nasasakupan. Mahalaga ring matutunan nilang kontrolin ang kanilang mga emosyon upang matiyak na ang kanilang impluwensiya sa bawat nasasakupan ay magdudulot ng kabutihan.

✍🏻: Aeloun
📷: Sylvar


  | Sa ikalawang sesyon ng Leadership Training Seminar, muling tinalakay ni Ms. Clarice Cabanlit ang usaping “Self-Gover...
05/08/2026

| Sa ikalawang sesyon ng Leadership Training Seminar, muling tinalakay ni Ms. Clarice Cabanlit ang usaping “Self-Governance” sa loob ng AVR, kasama ang mga student leader ng PUP-Alfonso Campus.

Layon ng sesyon na matutunang kilalanin ang sariling emosyon at gamitin ito nang tama sa bawat sitwasyon. Mahalaga itong matutunan ng bawat lider ng organisasyon upang magsilbing gabay at patnubay sa kanilang pamumuno bilang mga PUP-ACian.

✍🏻: Aeloun
📷: Vixenn


  | Pagtapos ng Leadership Talk na isinagawa sa AVR, muling nagdaos ng ikalawang aktibidad ang mga Iskolar ng Bayan sa G...
05/08/2026

| Pagtapos ng Leadership Talk na isinagawa sa AVR, muling nagdaos ng ikalawang aktibidad ang mga Iskolar ng Bayan sa Gymnasium sa larong: "Chill ka lang!"

Nais ng aktibidad mapatatag ang ugnayan at sama-samang pagsisikap ng bawat studyanteng lider sa PUP-Alfonso Campus.

✍️ : Aeloun
📷 : Adri


Address

Mangas II, Cavite, Philippines
Alfonso
4123

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Sanghiyang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category