16/06/2026
Malugod na tinanggap ng Paaralang Sentral ng Alfonso ang pagbisita ng Schools Division Superintendent, Dr. Rosemarie D. Torres, bilang bahagi ng kanyang patuloy na pagsubaybay at suporta sa mga programa at gawain ng paaralan.
Ang kanyang pagbisita ay nagsilbing inspirasyon sa buong komunidad ng paaralan upang higit pang pagbutihin ang kalidad ng edukasyon at serbisyong ibinibigay sa ating mga mag-aaral. Nagbigay rin siya ng mahahalagang pananaw, gabay, at mga mungkahi na makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng paaralan.
Lubos po kaming nagpapasalamat kay Dr. Rosemarie D. Torres sa kanyang oras, suporta, at dedikasyon sa pagsusulong ng de-kalidad na edukasyon para sa bawat batang Pilipino.
Maraming salamat po at mabuhay!