05/08/2026
ANUNSYO PUBLIKO!
Alinsunod sa opisyal na anunsyo ng Lokal na Pamahalaan ng Alfonso, Cavite, patuloy na suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan, ngayong Miyerkules, Agosto 5, 2026, bunsod ng patuloy na nararanasang masamang panahon dulot ng walang tigil na pag-ulan.
Bilang pagsunod sa kautusan at upang higit na matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, at iba pang kawani ng paaralan, ang Buck Estate National High School ay magpapatuloy sa pagpapatupad ng mga alternatibong pamamaraan ng pagkatuto.
Alinsunod sa DepEd Learning Continuity Plan (DepEd Order No. 004, s. 2025), ipagpapatuloy ng Buck Estate National High School ang pagpapatupad ng HINAY sa pamamagitan ng Modular Distance Learning (MDL).
Ang mga Learning Activity Sheets (LAS) at iba pang learning materials ay ipapadala ng mga g**o sa opisyal na Group Chats ng bawat klase upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral kahit pansamantalang suspendido ang face-to-face classes.
Inaasahan ang lahat ng mag-aaral na:
Basahin at sagutan ang mga Learning Activity Sheets (LAS) at iba pang itinakdang gawain;
Sundin ang iskedyul ng pagsasagawa at pagpapasa ng mga outputs;
Makipag-ugnayan sa kanilang subject teachers kung may mga katanungan o paglilinaw.
Patuloy naming hinihikayat ang lahat na unahin ang kaligtasan, manatiling maingat, at regular na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng Buck Estate National High School, DepEd, at Lokal na Pamahalaan ng Alfonso para sa mga susunod na abiso.
Patuloy ang pagkatuto, saanman naroroon. Sama-sama nating unahin ang kaligtasan habang ipinagpapatuloy ang kalidad na edukasyon. ๐๐