Ma'am Kathy

Ma'am Kathy mommy na Content Creator. Visit my TikTok Shop✓tiktok.com/
(1)

Ang saya ko naman
18/09/2026

Ang saya ko naman

Random pics sa seminar!!On k-10 curriculum
16/05/2026

Random pics sa seminar!!
On k-10 curriculum

Eto na nga ba ee
02/05/2026

Eto na nga ba ee

4P’s Beneficiaries, Arestado sa Buy-Bust; ₱6,700 Ayuda Umanong Ginamit sa Droga

Viral ngayon sa social media ang isang lumang video kung saan inaresto ang isang pamilya na benepisyaryo umano ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s), matapos silang masangkot sa umano’y pagtutulak ng ilegal na droga.

Ayon sa ulat, isinagawa ang isang buy-bust operation kung saan nahuli ang mga suspek at nasamsam ang hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱34,000.

Hinala ng mga awtoridad, ginamit umano ng pamilya ang natanggap na tig-₱6,700 na ayuda bilang puhunan sa ilegal na aktibidad. Gayunpaman, itinanggi ito ng mga suspek at iginiit na ang nasabing halaga ay inilaan para sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.

Sa ilalim ng 4P’s program, layunin ng pamahalaan na matulungan ang mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng conditional cash grants kapalit ng pagsunod sa mga programang pangkalusugan at edukasyon.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong detalye ng insidente, kabilang na kung may direktang kaugnayan ang natanggap na ayuda sa umano’y ilegal na operasyon.

Paalala ng mga opisyal, ang mga benepisyaryo ng programang tulad ng 4P’s ay inaasahang gagamit ng tulong-pinansyal para sa kapakanan ng pamilya, at hindi para sa anumang ilegal na gawain.

Umani naman ng sari-saring reaksyon mula sa netizens ang kumakalat na video—mula sa pagkondena hanggang sa panawagang huwag agad husgahan ang buong programa base sa iisang insidente.

゚

01/05/2026

Ice cream is life

17/04/2026

This is my personal reflection AS A TEACHER after watching the featured stories on Kapuso Mo, Jessica Soho about educators drowning in debt.

I came across comments saying:
“Live within your means.”
“Decent naman ang salary nila.”
“Pa-rich lang.”

Honestly… mapapatanong ka na lang, are we really that blind?

What does “decent” even mean?

Is a “decent” salary one that allows a teacher to seek medical help immediately without fear, without calculating kung saan kukuha ng pambayad, without borrowing just to survive?

Is “decent” something that can truly sustain a family?
Kayang pakainin, kayang buhayin, araw-araw?

Can it send a child to school, and carry them all the way to college without breaking the parent in the process?

Is that “decent” salary enough to cover basic teaching needs?
Yung hindi mo na kailangang ilabas sa sariling bulsa ang pambili ng printer, papel, o kahit simpleng gamit sa classroom?

Can it give a teacher a safe, dignified home?
Yung hindi ka kabilang sa mga nangangailangan ng rescue kapag may sakuna, kundi ikaw pa ang may kakayahang tumulong sa iba?

Because the truth is, hindi ito teorya. Hindi ito haka-haka.

KITA KO MISMO.

I SEE IT WITH MY OWN EYES.

Mga co-teachers ko, pagod na pagod, yet still showing up every day with a smile.
Pero sa likod nun, they are quietly struggling.

May mga pagkakataon na halos wala nang maiuwing sahod.
Ubos na bago pa man dumating.

At mas masakit?
Every few months, nagre-reloan na naman.
Parang umiikot na lang sa utang ang buhay, walang takas, walang pahinga.

If this is what you call “decent,” then why do thousands of Filipino teachers leave the country every year, choosing distance over dignity, just to earn what they truly deserve?

Is that “decent” salary enough for a teacher to invest in their own growth?
Mag-aral ulit, kumuha ng master’s or doctorate, knowing that promotions demand it, yet the system barely supports it?

Nakakapagod isipin na kung gaano kalaki ang hinihingi sa mga g**o, yet how little is given in return.

And yet, those in higher positions, officials in the Department, policymakers, and legislators, receive salaries that reach hundreds of thousands monthly.
Samantalang ang mga g**o, na nasa frontline ng kinabukasan ng bayan, ay patuloy na kinakapos.

Hindi luho ang hinihingi ng mga g**o.
Hindi marangyang buhay.

Ang hinihingi lang namin ay isang buhay na may dignidad,
a life we can be proud of,
a life worthy of emulation by the very students we teach every day.

Because before anything else, we are examples.

Kaya ang panawagan para sa dagdag sahod ay hindi pagiging “OA.”
It is a cry rooted in reality.

Marami nang hindi tama.
At hindi na talaga “okay” ang kalagayan ng mga g**o sa Pilipinas.

-GalawangFrancisco

15/04/2026

Love this!!!

14/04/2026

No more budget naa!!

Address

Santa Maria
Alfonso Lista
3608

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ma'am Kathy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category