19/08/2026
LAKAN AT LAKAMBINI 2026 | Bilang Pamproduksyon
Puno ng sigla at ganda! ✨
Matagumpay na nagpakilala at nagpakitang-gilas ang mga kalahok sa Lakan at Lakambini 2026 sa kanilang Bilang Pamproduksyon kaninang hapon. Umalingawngaw ang hiyaw ng mga manonood sa bawat galaw ng mga kandidato sa saliw ng tugtog ng Taga Festival ng Tinag-an.
Isang mainit na pagtanggap ang sumalubong sa pagbubukas ng ating pagdiriwang para sa Buwan ng Wika 2026!
Larawan | Joshua Manatad