15/07/2020
MGA DAGDAG KAALAMAN PARA SA NALALAPIT NA BALIK ESKWELA SA
AUGUST 24, 2020
Para po sa mga nalilito pa rin po sa modality na pipiliin para sa pagbubukas ng klase ngaung 2020-2021, baka po makatulong ito sa inyo ☺️
Modular Learning VS. Online Class
✔Modular Learning
Naghahanda ang school ng mga modules na maaari ninyong basahin, pag-aralan, intindihin at sagutan. Pagkatapos nito'y ibalik sa school.
Tanong:
1. May bayad ba ang Modules?
Sagot: WALA
2. Sino ang kukuha ng mga Modules sa school?
Sagot: Pag-usapan ninyo ng iyong Class Adviser. Pwede ang iyong magulang, ate, kuya, tito at tita na 21 pataas ang edad.
3. Pwede ba na si Mama/Papa/ Tito/Tita ang sasagot sa Modules?
Sagot: Hindi po pwede dahil ikaw ang nag-enroll, at dapat ikaw ang sasagot ngunit pwede kang magpatulong o magpaturo sa kanila.
✔Online Class
Magkakaroon ng klase si Ma'am/Sir at mga estudyante online.
Sa mga pumili ng online class, kinakailangan niyong matutunan ang paggamit ng Zoom, Google Meet App, Google Classroom o depende sa pinag-usapan ninyo ng iyong g**o.
Tanong:
1. Kung online class ang pinili, kinakailangan ba ang internet at gadget (gaya ng cellphone o Laptop)?
Sagot: Oo, kinakailangan ng internet connection at gadget.
2. Ang DepEd ba ay magbibigay ng gadget at internet?
Sagot: Hindi po. Huwag natin ipilit sa ating mga magulang kung walang pera pambili ng gadget. Kung walang budget, piliin mo ang modular learning.
Sana po naiintindihan ninyo! Stay safe.
Nagpapaalala,
Ma'am/Sir
repost.
ctto.
Keep safe po sa lahat 😍😍😍