Maawi Elementary School

Maawi Elementary School

Share

The official page of Maawi Elemetary School

04/09/2022

Pagbati ng isang mapayapang araw sa lahat!

Ngayong araw ang simula ng pagdiriwang ng Buwan ng Kapayapaan o National Peace Consciousness Month (o tinatawag din na Peace Month).

Alinsunod sa Proklamasyon bilang 675 na inisyu noong Hulyo 20, 2004, naging opisyal ang selebrasyon ng kapayapaan na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Setyembre. Kasabay din nito ang pandaigdigang selebrasyon ng Araw ng Kapayapaan na ginaganap tuwing Setyembre 21 taon-taon.

Layunin ng proklamasyon na makintal sa kamalayan at maintindihan ng bawat Pilipino ang komprehensibong proseso ng kapayapaan, gayundin upang itaas ang kultura ng kapayapaan nang walang karahasan, na nirerespeto ang karapatan at kalayaan, ang pagpapasensiya, pang-unawa, at pagkakaisa.

Ang tema sa taong ito ay "Pagkakaisa at Paghilom: Isang Bansa para sa Kapayapaan" bilang tanda na sa ating pagkakaisa, muli tayong makakabangon at maghihilom sa mga pagsubok na dumaan sa atin tulad ng pandemya.

Ang Kagawaran ng Edukasyon ay nakikiisa sa buong bansa sa pagdiriwang ng National Peace Consciousness Month.


04/09/2022

Happy National Teachers’ Month!

Ipadama ang pasasalamat, ipakita ang pagpupugay kina Ma’am at Sir ngayong buwan na inilaan para sa kanila.

Samahan ang Kagawaran ng Edukasyon mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5 sa pagdiriwang ng National Teachers’ Month. Sa temang “Gurong Pilipino, Dangal ng Sambayanang Pilipino,” ating bigyang-pugay ang husay at kadakilaan ng mga Pilipinong g**o na patuloy na nagbibigay ng hindi matatawarang dedikasyon para sa pag-abot ng pangarap ng bawat batang Pilipino.

Tunghayan ngayong Martes, Setyembre 6, ang National Teachers’ Month Kick-off Celebration sa pangunguna ng Schools Division ng Davao Del Norte, na mapapanood via livestream sa DepEd Philippines official website, page, at YouTube Channel.

Kitakits!

Want your school to be the top-listed School/college in Alaminos?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Maawi
Alaminos
2404