Telbang NHS - Araling Panlipunan Department

Telbang NHS - Araling Panlipunan Department

Share

The official facebook account of the Araling Panlipunan Department of Telbang National High School

Photos from Telbang NHS - Araling Panlipunan Department's post 05/08/2024

Ang Pambansang Mataas na Paaralan ng Telbang at ang Departamento ng Araling Panlipunan ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng ASEAN at Pambansang Buwan ng Wika.

Pinangunahan ng Araling Panlipunan Dept. ang naturang pakikiisa sa pamamagitan ng pagsusuot ng kasuotang katutubo at Filipiniana.




Photos from Telbang NHS - Araling Panlipunan Department's post 22/06/2023

HISTORY & ARTS EXHIBIT SA TNHS

Bumuo ang Araling Panlipunan at MAPEH Departments ng Telbang NHS ng isang “History and Arts Exhibit” kasabay ng pagdaraos ng Regional Schools Press Conference na ginanap sa Alaminos City noong ika-15 hanggang ika-17 ng Hunyo. Sa ating paaralan kasi tumuloy ang mga delegado ng Sangay ng Dagupan City.

Kakikitaan sa exhibit ang iba’t-ibang artifacts ng mga lumang mga gamit gaya ng palayok, plantsa, wood carvings, woven crafts at maging mga sinaunang pera at kagamitan. Gayundin ang iba’t-ibang mga best works ng mga mag-aaral sa Araling Panlipunan at MAPEH. May espasyo ding inilaan para sa mga ipinintang gawain ng mga mag-aaral ng Arts 10 at ang isang espasyo naman ay para sa pagpapakita ng ebolusyon ng watawat ng Pilipinas.

Ang naturang exhibit ay binisita ni ASDS Marilu N. Cardenas at ganoon din ang mga delegado mula sa Sangay ng Dagupan City.

22/06/2023

Happy 125th Anniversary Department of Education

Happy Anniversary, ka-DepEd! 🥳

Makisaya sa pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Pagkatatag ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ngayong Hunyo 19-23, 2023.

Sa temang “Isang Pamilya para sa MATATAG na Kagawaran,” tuon ng selebrasyon ngayong taon na maipagdiwang ang pagkakaisa ng buong Kagawaran bilang isang pamilya sa pagtataguyod at pagtupad ng hangarin ng MATATAG Agenda.

Makiisa sa ating selebrasyon sa pagdalo sa Flag-Raising Ceremony at Thanksgiving Mass ngayong Lunes, Hunyo 19.

Abangan ang livestream ng mga programa sa opisyal na page, YouTube channel at website ng DepEd Philippines sa sumusunod na iskedyul:

Flag-Raising Ceremony | 8 AM
Thanksgiving Mass | 10 AM

Gamitin ang ating hashtag na sa inyong mga post sa social media.





11/06/2023

Mabuhay Ka, Bansang Hinirang, ang aming Bansang Pilipinas!

Ang Araling Panlipunan Department at ang buong pamunuan ng Telbang National High School ay nakikiisa sa ika-125 anibersaryo ng proklamasyon ng kalayaan ng Pilipinas.

🇵🇭🇵🇭🇵🇭

Photos from DepEd Philippines's post 28/05/2023

Magbigay pugay sa Pambansang Watawat ng Pilipinas!

Ngayong araw, Mayo 28, ipinagdiriwang natin ang National Flag Day, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 374 s. 1965 bilang paggunita sa unang paglatag ng watawat ng Pilipinas.

Nagsimula rin ngayong araw ang National Flag Days na tatagal hanggang Hunyo 12 o ang Araw ng Kalayaan. Sa panahong ito, hinihikayat ang lahat ng mga opisina, ahensya ng gobyerno, mga establisyamento, paaralan, at tahanan na maglagay o magsabit ng Pambansang Watawat bilang paggalang at pagdiriwang sa Kalayaan ng Pilipinas.

Kaugnay nito, narito ang ilang gabay sa tamang pag-display ng Pambansang Watawat na nakasaad sa Republic Act 8491 at maaaring mabasa sa DepEd Order No. 60, s. 2007: bit.ly/DO60S2007

Photos from Telbang NHS - Araling Panlipunan Department's post 22/05/2023

Ang Pambansang Mataas na Paaralan ng Telbang sa pangunguna ng Araling Panlipunan Department at sa pamununo ng aming Punongguro na si Dr. Jose Gerardo R. Garcia, ay masayang nakikilahok sa taunang pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Pamana (National Heritage Month) na may temang “Pamana: Pagpapatuloy at Pagbabago”.



29/08/2022

Ang Telbang National High School - Araling Panlipunan Department ay kaisa ng DepED sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, Kasaysayan at ASEAN.

Want your school to be the top-listed School/college in Alaminos?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Don Panyong Street , Telbang
Alaminos
2404