24/06/2026
📚 Patuloy ang Pagkatuto sa Kabila ng Hamon 💪🏫
Dahil sa nangyaring lindol na may lakas na 7.8 magnitude noong Hunyo 8, 2026, ang Pag-asa Integrated School ay patuloy na nagsasagawa ng pag-aaral sa pamamagitan ng Online Distance Learning (ODL) gamit ang Self-Learning Modules (SLM) at Learning Activity Sheets (LAS) upang matiyak ang pagpapatuloy ng edukasyon ng ating mga mag-aaral habang isinasaalang-alang ang kanilang kaligtasan.
Sa kabila ng mga pagbabagong dulot ng sakuna, ipinapakita ng ating mga mag-aaral ang kanilang kasipagan at determinasyon sa pagsagot ng mga gawain at pagkumpleto ng mga aralin sa pamamagitan ng modules at LAS. Malaki rin ang pasasalamat ng paaralan sa suporta at paggabay ng mga magulang at tagapag-alaga sa tahanan.
Ang ating mga g**o ay patuloy na gumagabay, nagbibigay ng suporta, at naghahatid ng mga kinakailangang kagamitang pampagkatuto upang mapanatili ang kalidad ng edukasyon kahit sa panahon ng pagsubok.
Sama-sama nating patunayan na walang pagsubok ang makapipigil sa pag-abot ng pangarap. Patuloy tayong matuto, magtiyaga, at bumangon bilang isang matatag na komunidad ng Pag-asa Integrated School.
🌱✨
📌 Disclaimer: Ang mga larawang kalakip ng post na ito ay ibinahagi nang may pahintulot at patnugot ng mga magulang o tagapag-alaga ng mga mag-aaral. Ang mga ito ay ginagamit lamang upang ipakita ang pagpapatuloy ng pag-aaral at mga gawaing pang-edukasyon ng paaralan.