Halaqatul Ihsán Li tálimil Qur-anil kareem

Halaqatul Ihsán Li tálimil Qur-anil kareem

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Halaqatul Ihsán Li tálimil Qur-anil kareem, School, Baluntay, Alabel.

Photos from Halaqatul Ihsán Li tálimil Qur-anil kareem's post 21/02/2026

Alhamdulillah! Bukas pa rin ang ating pagpapatala para sa mga batang babae na nagnanais matutunan ang tamang pagbasa, pagbigkas ( tajweed ) at pag-unawa sa banal na Qur’an.. Ang pag-aaral ng Qur’an ay isang dakilang tungkulin at biyaya mula kay Allah ﷻ.

Sinabi ni Allah sa Qur’an sa ( Surah Al-Qamar )(54:17)

وَلَقَدْ يَسَّرْنَا الْقُرْآنَ لِلذِّكْرِ فَهَلْ مِن مُّدَّكِرٍ
“At katiyakan, ginawa Naming madali ang Qur’an para sa pag-alaala; kaya mayroon bang magpapakaalaala?”

ibig sabihin: Pinadali ni Allah ang Qur’an upang ito ay matutunan, maunawaan, at maisabuhay—kaya huwag nating palampasin ang pagkakataon na maturuan ang ating mga anak.
At Sinabi rin ni Allah: sa ( Surah Al-‘Alaq ) (96:1)

اقْرَأْ بِاسْمِ رَبِّكَ الَّذِي خَلَقَ
“Basahin mo sa ngalan ng iyong Panginoon na Siyang lumikha.”

Ibig sabihin: Ang pag-aaral ay isang utos mula kay Allah, at ito ay nagsisimula sa pagbasa—lalo na ng Kanyang mga salita..

19/02/2026

اللّهُمَّ بَارِكْ لَنَا فِي رَمَضَان وَاغْفِرْ لَنَا ذُنُوبَنَا

Yaa Allah, pagpalain mo ang aming Ramadhan at patawarin mo ang aming mga kasalanan ,🤲
Napakalaking biyaya na muli naming nasilayan ang buwang ito ng pag-aayuno at paglapit sa iyo 🤍

Photos from Halaqatul Ihsán Li tálimil Qur-anil kareem's post 15/02/2026

Alhamdulillah! Isang biyaya ang makita ang ating mga kabataan na dumalo sa ating unang pagtitipon at nagpalista ng kanilang mga pangalan upang pag-aralan ang Banal na Qur’an. Tunay na napakalaking gantimpala ang naghihintay sakanila. Nawa’y sila ay maging ilaw ng kanilang Pamilya at ng Ummah balang araw 🤲
Sinabi ng Propeta ﷺ:

«خَيْرُكُمْ مَنْ تَعَلَّمَ الْقُرْآنَ وَعَلَّمَهُ»
“Ang pinakamabuti sa inyo ay yaong nag-aaral ng Qur’an at nagtuturo nito.” Sahih al-Bukhari.

Sa mga magulang na nagsisikap maitaguyod ang kaalaman ng kanilang mga anak sa Qur’an Mashaallah dahil Ang bawat titik na babasahin oh mababasa ng inyong mga anak ay may gantimpala 😇

Ayon sa Hadith:

قال رسول الله ﷺ:
«مَنْ قَرَأَ حَرْفًا مِنْ كِتَابِ اللَّهِ فَلَهُ بِهِ حَسَنَةٌ، وَالْحَسَنَةُ بِعَشْرِ أَمْثَالِهَا، لَا أَقُولُ الم حَرْفٌ، وَلَكِنْ أَلِفٌ حَرْفٌ، وَلَامٌ حَرْفٌ، وَمِيمٌ حَرْفٌ»
“Sinuman ang bumigkas ng isang titik mula sa Aklat ni Allah ay magkakaroon ng isang hasanah, at ang bawat hasanah ay katumbas ng sampu. Hindi ko sinasabi na ‘Alif-Lām-Mīm’ ay isang titik, kundi ang Alif ay isang titik, ang Lām ay isang titik, at ang Mīm ay isang titik.”

Mashaallah.. pagpalain mo yaa Allah ang mga batang ito sa kanilang paglalakbay sa paghahanap ng kaalaman. Ameen 🤲

14/02/2026

Assalamu Alaykum wa Rahmatullahi wa Barakātuho..

“ HALAQAH RAMADANIYYAH “

Ang Halaqah na Ito ay espesyal lamang para sa mga batang babae oh kababaihan na kung sino man ang gustong matuto sa pag babasa at pag memorize ng Quran, pwede po kayong makipag ugnayan sa amin.

Age limit
7 to 12 years old - kids ( begginer )
13 to 25 years old - adult

💰 Enrollment fee :
Kids : ₱30
Adult : ₱50

Sinabi ng propeta Muhammad s.a.w
‎( خيركم من تعلم القرآن وعلمه )
"The best among you are those who learn the Quran and teach it."

📍Maahad Yahya Tondog Al’islamie
Purok 5 Baluntay Alabel Sarangani province
🗓️ Start of Class: Feb-21-2026 Saturday

💡 Don’t miss this opportunity to grow with the Qur’an—hearts that seek knowledge are hearts that shine .

Want your school to be the top-listed School/college in Alabel?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Baluntay
Alabel
9501