07/08/2023
MALIGAYANG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA! 🇵🇭
Kaisa ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ng buong bansa sa pagtataguyod ng paggamit at pagpapaunlad ng lahat ng mga wika sa Pilipinas, lalo na ngayong Agosto sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Tuon ng temang “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan,” ang pagkilala sa katotohanan ng pagiging linguistically diversed ng Pilipinas na pinatutunayan ng pag-iral ng napakaraming wika sa bansa. Gayundin, pinahahalagahan ng pagdiriwang ngayong taon ang wika sa pagtataguyod ng kapayapaan, seguridad, at sa ingklusibong pagpapatupad ng katarungang panlipunan.
Para sa iba pang impormasyon at mga aktibidad na kaugnay ng pagdiriwang, basahin ang Memorandum Pangkagawaran Blg. 36, s. 2023: bit.ly/DM36S2023