24/04/2026
📢 Nakiisa ngayong araw ang aming Agroentrepreneurship NC II Trainer na si Mr. Jhon Arlan Ruadera sa isinagawang Technical and Advisory Visit (TAV) na inorganisa ng Public Employment Service Office (PESO) ng Alabat, katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE), ngayong Abril 24, 2026 sa Tats Hall, Brgy. 2 Poblacion, Alabat, Quezon.
Layunin ng gawaing ito na mapalawak ang kaalaman at pagpapahalaga ng mga micro-business sa labor standards, gayundin ang pagpapakilala sa iba’t ibang programa at serbisyo ng DOLE. Ang aktibidad na ito ay tumutulong sa mga maliliit na negosyo, lalo na sa mga community-based enterprises, upang mas maunawaan at makasunod sa mga batas sa paggawa sa isang suportibo at hindi inspeksyong paraan.