30/08/2026
UPDATE | 4-H CLUB ALABAT, QUEZON CONDUCTS SEMINAR ON MUSHROOM PRODUCTION, COSTING AND PRICING
Matagumpay na naisagawa ng 4-H Club Alabat, Quezon ang Seminar on Mushroom Production, Costing and Pricing sa pamamagitan ng Zoom Meeting noong Agosto 8, 2026.
Sa isinagawang pagsasanay, nagkaroon ang mga kabataan ng mas malawak na kaalaman tungkol sa mushroom production, mula sa mga pangunahing hakbang sa pagsisimula, pagpili at paghahanda ng kinakailangang materyales, wastong proseso ng produksyon, hanggang sa tamang pag-aalaga at pangangalaga upang makamit ang maayos at de-kalidad na ani.
Hindi lamang produksyon ang kanilang natutunan, sapagkat binigyang-diin din ang kahalagahan ng Costing and Pricing. Sa pamamagitan nito, natutunan ng mga kalahok kung paano tukuyin at kalkulahin ang mga gastusin sa produksyon, wastong pagtatakda ng presyo, pagtukoy ng posibleng kita, at mas maayos na pagpaplano para sa pagtatayo at pagpapatakbo ng isang mushroom-based livelihood or business.
Ang pagsasanay na ito ay bahagi ng patuloy na adhikain ng 4-H Club Alabat, Quezon na mabigyan ang mga kabataan ng praktikal na kaalaman at kasanayan sa agrikultura at agribusiness—mga kaalamang maaari nilang gamitin hindi lamang bilang miyembro ng samahan kundi bilang paghahanda sa kanilang sariling kabuhayan at entrepreneurship.
🤝 PASASALAMAT
Taos-puso ang aming pasasalamat sa Office of the Municipal Agriculturist, sa pangunguna ng ating Municipal Agriculturist G. Gerard Franklin R. Belazon, na kinatawan ni Ma'am Ally Arena, sa patuloy na suporta at pakikipagtulungan sa mga programang naglalayong palakasin ang kaalaman at kakayahan ng kabataan sa agrikultura. At sa patuloy napagbibigay ng paggabay at pagsuporta ng ating masipag na Punong Bayan Kgg. Eizelle "AYS" M. Avellano-Canimo ay buong pusong nag papasalamat ang 4-H Club Alabat, Quezon.
Lubos din ang aming pasasalamat sa Office of the Provincial Agriculturist, at sa ating masipag na Provincial Coordinator ng Quezon Young Farmers Federation (4-H Club Quezon Province), Mr. Marvin Mercado, sa patuloy na paggabay at suporta sa mga kabataang nagsusulong ng agrikultura.
Nagpapasalamat din po tayo sa DA-ATI sa kanilang pagsuporta sa ating programa sa pangunguna po ni Sir Prince Arvin Argallon Signo 4-H Regional President (Federation of 4-H Club (Rural Youth) of the Philippines Inc. - CALABARZON)🫶
MARAMING SALAMAT SA ATING MAHUSAY NA RESOURCE PERSONS!
Ipinapaabot din namin ang aming taos-pusong pasasalamat sa dalawang eksperto na nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan:
👩🏫 Dr. Leilidyn Y. Zurbano
Head, Office of Student Affairs and Services
PUP Lopez Campus
— para sa kanyang pagbabahagi ng kaalaman tungkol sa Mushroom Production.
👨🏫 G. Kent B. Pitero
Program Coordinator – BSAM
PUP Lopez Campus
— para naman sa kanyang pagbabahagi ng mahahalagang kaalaman tungkol sa Costing and Pricing.
Ang bawat kaalamang naibahagi ay isang binhing itinanim sa isipan ng kabataan—binhing maaaring lumago tungo sa isang bagong oportunidad, bagong kabuhayan, at bagong pangarap.
Sa 4-H Club Alabat, hindi lamang tayo natututong magtanim—natututo rin tayong bumuo ng kabuhayan, mangarap, at maging handang lider ng agrikultura upang makamit natin ang isang Masagana, Masaya at Mapayapang Bayan ng Alabat.
Learning by Doing… To Make the Best Better!