31/08/2026
๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ผ '๐ฃ๐ฎ๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐น๐๐ฎ๐ป๐ผ
Bilang isang Lasalyano, ang ating edukasyon ay nagbibigay sa atin ng sapat na kaalaman sa lalim, ganda, at gamit ng mga salitang inuukit ng wikang Filipino. Sa aking pagkakaintindi, ang wikang Filipino ay higit pa sa pagiging kasangkapan ng komunikasyon; nagbibigay-wangis din ito sa mga hinaing, pangarap, at karanasan ng taumbayanโ mga bagay na higit na nagiging malapit at makabuluhan kapag gamit ang sariling wika.
Ako si Luningning at sa tuwing sumasapit ang buwan ng Agosto, ito ang pinakahinihintay ko. Nakakahumaling ang paaralan kasi tila itoโy nag-iibang anyo. Ang mga pasilyo ay napupuno ng mga makukulay na arkong gawa sa kawayan na napapalibutan ng mga bulaklak, bilao, at iba pang dekorasyon at gayon din ang mga banderitas na nakasabit sa dingding ang unang bubungad sa akin.
Kahapon ay ipinagdiwang na mismo ang Buwan ng Wika sa aming paaralan. Tulad lamang ng ibang estudyante at g**o na nakasuot ng Baroโt Saya at Barong Tagalog, ako rin ay nakasuot ng kasuotang Pilipino. Bahagyang mainit sa katawan ang aking kasuotan ngunit hindi ko na inilantana dahil ngayon ko lamang ito muling maisusuot bago itago.
Sa paglalakad namin, higit kong napansin na para kaming mga kulay na nagmamartsa sa loob ng paaralan.
Nasaksihan ko rin ang mga patimpalak na inihanda upang higit na maipagdiriwang ang Buwan ng Wika tulad ng pagtula. Ibaโt ibang mang-aawit at banda ang tumugtog ng bersyon ng paghaharana. Ang mga mananayaw naman ay nagtanghal ng isang katutubong sayaw na parang mga ibong malayang kumilos sa hangin.
Natapos ang programa sa isang talumpati mula sa g**o tungkol sa kahalagahan ng wikang Filipino. Aking napakinggan mula sa kanya na ang wika ay hindi lamang kasangkapan upang magkaintindihan kung โdi, makapagpahayag ng paglaban, pagkakaisa, at pagbuo ng kamalayang Pilipino. Itoโy salamin ng ating kultura at dala nito ang kasaysayan ng mga taong gumamit.
Kaming lahat na tagapakinig ay nagpalakpakan. Sa sandaling iyon ay parang napakadaling sabihin at maramdaman na akoโy isang Pilipino.
Ngayon ay unang araw ng Setyembre. Biglang bumigat ang aking pakiramdam nang makitang tila kasabay din ng pagsasantabi sa ating paggamit ng wikang Filipino ang mga dekorasyon na ngayoโy tinanggal na. Parang kahapon lamang ay Agosto, ngunit parang hindi rin ito nangyari. Ang pakikipagusap ng aking mga kaklase sa akin ay sa wikang Ingles na muli. Bukod sa asignaturang Filipino, ang mga g**oโy nagsasalita na rin sa wikang Ingles sa kanilang pagtuturo. Parang silaโy nahihiya sa paggamit ng wikang Filipino.
Aking napagtanto ang isang kabalintunaan; sa loob ng isang buwan, ating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika hindi dahil sa ito ay nabubuhay kung โdi, ito ay kinakailangang buhayin. Paano ba ito mabubuhay kung โdi naman natin ito naisasabuhay? Ang wikang mapagpalaya ay tila ngayoโy wikang tradisyonโ nananatili sa alaala ngunit hindi na sa puso.
Sa aking pagmamasid sa payak na kapaligiran ng aming paaralan ay napapabuntong-hininga ako. Kasalanan ba ng mga estudyanteng tulad ko na mas inaanyayahang gamitin at napapahalagahan ang wikang Ingles dahil sa mas malawak ang naaabot at nabubuksan nito na pagkakataon sa ibaโt ibang larangan tulad ng edukasyon at trabaho. Ngunit kung mas napahahalagahan ang wika ng oportunidad kaysa sa wikang mapagpalayaโ ibig sabihin ba nitoโy tayoโy nakalaya at ang sariling wika ang ikinulong? O hindi pa rin tayo nakakaalpas sa pagkakagapos mula mga dayuhang minsang sumakop na rin saโtin?
Habang nagbubukas ang mga pintuan dahil sa karunungan sa pagsasalita ng wikang Ingles, nagsasara rin ang mga pintuan ng ating pinagmulan dahil sa pagkalimot sa pagsasalita ng wikang Filipino. Ganito ba kabilis malimutan ang ilang araw na pagpapahalaga sa wika? Sa isang kisap mataโy naglaho na lamang bigla.
Nang akoโy naglilibot sa loob ng paaralan ay nakita ko ang unti-unting pagtanggal ng mga dekorasyong nagpasigla at nagbigay kulay sa bawat sulok ng paaralan. Kasabay nitong inaalis ang malaking poster na nakasulat ang tema ng Buwan ng Wika: โWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ Aking naisip na kahit ang isang Pilipinong hindi gaanong bihasa sa wikang Filipino tulad ng iilan sa aking mga kaklase ay kaya nang pagandahin ang nais sabihin gamit ito. Bagamat nakatutulong ito sa pagbuo ng mga diskurso, maaaring mawala ang kaanyahan at diwa ng orihinal na ideya, sapagkat ang paraan ng malikhaing paggamit ng mga Pilipino sa salita ay hindi palaging maipapahayag ng isang makabagong teknolohiya.
Ang unti-unting tinatanggal na poster ay nag-iwan sa akin ng pananaw na kailangang alalahanin; ang paggamit sa wikang Filipino ay hindi nagtatapos kapag nawala na ang mga palamuting nagpapaalala rito at ang tunay na pagpapahalaga ay hindi nagtatapos sa buwan ng Agosto.
Sa gitna ng mga hamon at pagbabagong ito, naniniwala akong nananatiling mayaman sa kahulugan ang wikang Filipino. Ang bigat ng bawat salita na binubuo ng damdamin, ideya, at kontekstong nakaukit sa ating pagkatao ay hindi kayang ipahayag ng isang makina at tumbasan nang lubos sa ibang wika. Ngunit anong saysay ng mga salitang nananatiling nasa loob ng isip, puso, at labi kung ang wikang sinasambit ay ang wikang hindi atin?
๐๏ธ Jana Diaz | ๐ผ๏ธ Loren Guevara
Isinapubliko ni: Alicia Pura