Dmmmsu Sentro ng Wika at Kultura

Dmmmsu Sentro ng Wika at Kultura

Share

Ang Sentro ng Wika at Kultura (SWK) ang bagong pangalan sa sangay na panrehiyon ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Ipinahihiwatig mismo ng bagong pangalan ang bago at higit na malawak na oryentasyon ng Sentro sa ilalim ng pangangasiwa ng KWF

Photos from Dmmmsu Sentro ng Wika at Kultura's post 19/07/2024
19/07/2024

Nais pong ibatid ng SWK na tumatanggap po kami ng mga artikulo, sanaysay, tula, at iba, na nasusulat sa Iloko at Tagalog/Filipino, na nais po ninyong mai-post sa aming page.
Bukas din po ang comment section para po sa inyong mga komento ukol sa mga ito.

Send a message to learn more

Photos from Philippine Cultural Education Program's post 19/07/2024

Sa mga nais pong sumali...

22/04/2024

Inihahandog ng Sentro ng Wika at Kultura ang isang webinar na gaganapin sa Miyerkules, Abril 24, sa ganap na ala-1 ng hapon.

Tampok bilang tagapanayam si Propesor Eugene Evasco, na kilala bilang Propesor ng malikhaing pagsulat at panitikan sa Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Naging Research Fellow siya sa International Youth Library sa Munich, Germany. Nagwagi siya bilang 2000 Makata ng Taon at 2020 Mananaysay ng Taon mula sa Komisyon sa Wikang Filipino. Ang kanyang Ang Aklatang Pusa (The Cat Library) ay napabilang sa White Ravens List noong 2019. Nagantimpalaan siya ng dalawang Catholic Mass Media Award at dalawang Cardinal Sin Book Award para sa kaniyang mga maikling kuwento at aklat pambata. Siya ay kabilang sa Hall of Fame ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature at ginawaran ng Dangal ng Panitikan 2021 ng Komisyon sa Wikang Filipino. Kasalukuyan siyang fellow sa Likhaan: UP Institute of Creative Writing. Inilathala ng Scholastic noong 2023 ang kanyang picture book na Pahiyas: Planting Rainbow Seeds.

Libre po ang webinar na inyo mapapanood sa pamamagitan ng Google Meet. Sa mga nais pong dumalo, narito ang registration link:

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScv-62o58cbi8BordEJYIGXyQLhwgbFnF6lJ9PnJ_5jcmZeMA/viewform

01/08/2023

Mula sa Sentro ng Wika at Kultura ng DMMMSU, kami po ay nakikiiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2023.
Abangan po ang seminar na amin pong inihahanda para po sa buwang ito.
Maligayang Buwan ng Wika.

16/06/2023

Lakip ang opisyal na paliwanag ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) hinggil sa hacking incident sa opisyal na Facebook (FB) account nito. Hinihiling na i-share ang naturang paliwanag sa inyong mga Facebook account at iba pang social media account upang makatulong tayo sa diseminasyon at sa pagsawata sa mga ganitong malisyosong gawain. Para sa inyong kabatiran.

10/06/2023

Sa mga nais pong sumali...

Photos from Dmmmsu Sentro ng Wika at Kultura's post 31/08/2022

Maraming-maraming salamat Dr. April R. Aquino sa pagpapaunlak sa aming paanyaya sa pagsasagawa ng webinar na ito. Gayundin, sa lahat ng mga dumalo at tumulong upang maging matagumpay ang webinar na ginanap ngayong hapon bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2022.

Sa lahat ng dumalo at sumagot ng ebalwasyon ay antabayanan na lamang ang e-sertipikong ipadadala sa inyong email.

Muli, maraming salamat!

Mabuhay ang Wikang Filipino!
Mabuhay ang mga katutubong wika sa Pilipinas!


Want your school to be the top-listed School/college in Agoo?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address


Consolacion, La Union
Agoo
2504