31/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ฅ๐ฒ๐ฎ ๐๐๐ญ๐ข๐ฉ๐ฎ๐ง๐๐ซ๐จ๐ฌ
Hindi nagtapos sa pagkamatay ni Bonifacio at ng iba pang mga bayani ang laban ng mga Pilipino. Ang mga suliraning kumitil sa bawat hininga ng nakaraan ay siya ring panganib ng kasalukuyan. Isa sa mga punoโt dulo ng pasaning ito ay ang korapsyonโna mula pa noong panahon ng kolonyalismo ay laganap na sa buong bayan.
Dahil dito, makalipas man ang ilang siglo, kabilang pa rin sa kuwento ng pagkamit sa pagbabago ang mga katulad nina Bonifacio sa pagtatag ng rebolusyonaryong samahan na Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (K*K): mga Pilipinong piniling gamitin ang boses at magsama-sama tungo sa iisang layunin gamit ang sandatang hinasa ng panahon. Sa lalawigan ng La Union, maraming salinlahi ng mga katipunero ang bumangon. Isa sa mga ito ay ang organisasyon ng Kabataan Kontra Korapsyon (K*K) Network.
๐๐๐ ๐ฌ๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฅ๐ฒ๐ฎ
Sigaw ng masa ang nag-udyok sa pagbuo ng K*K Network. Nang umalingawngaw sa bansa ang kontrobersiya ukol sa maanomalyang flood control projects noong 2025, kabilang sa mga probinsyang sangkot sa kasalimuotang ito ay ang probinsiya ng La Union. Bilang sagot, maraming kabataan ang matapang na nagtipon-tipon para sa isang mass mobilization rally noong ika-25 ng Setyembre 2025 upang manawagan ng pananagutan sa isang halimbawa ng korapsyon.
Bunga nito, nagkaroon pa ng mga hakbang na tipunin ang mga kabataan, palalimin ang mga talakayan, at magkaisa laban sa mas malawak na isyu ng korapsyon. Sa huli, ang pagtatag ng K*K Network ay may kaugnayan sa lumalawak na paglaban ng mamamayan sa mga isyung nakaaapekto sa kanilang lipunan, sapagkat nais nilang maging bahagi ng aktibong paglaban na ito.
โThis is why the issue resonated strongly with students and youth. Corruption is not distant from us,โ giit ni Glaiza Mae B. Sur, isang miyembro at coordinator ng organisasyon.
Bagaman malinaw na ito sa pangalan pa lamang ng grupo, estudyante at kabataang naglalayong himukin ang sektor ng kabataan na labanan ang isyu ng korapsyon, ang mukha ng mga katipunero sa kasalukuyan. Dagdag pa ni Sur, apektado ang lahat ng aspeto ng buhay sa bawat pisong naibubulsa ng isang korap, kabilang na ang tinatamasa ng mga kabataan sa edukasyon. Kaya ang laban sa isyung ito ay laban din para sa karapatan ng bawat kabataan.
Tunay ngang tulad ng K*K noon, ang K*K Network ngayon ay nagpupunyagi, hindi para sa sariling interes, kundi para sa paglago ng buong probinsya.
๐๐ซ๐ฆ๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ญ๐๐๐ง
Kung noon ay itak at baril para sa armadong paglaban ng bayan at pagiging lihim upang hindi matiktikan ng mga mananakop na Espanyol ang naging sandata ng K*Kโimpormasyon, โtransparencyโ, at kolektibong pagkilos naman ang hawak na armas ngayon ng K*K Network sa kanilang laban kontra korapsyon.
โAng mga pangunahing ginagamit ng K*K Network para rito ay pagmumulat, pag-oorganisa, at pagpapakilos,โ ani Ozbert Panganiban, isa pang miyembro ng organisasyon, na pinakadiwa ng kanilang mga programa at aktibidad sa grupo.
Sa gabay ng kanilang prinsipyong โpagmumulatโ, ayon kay Panganiban, naglulunsad sila ng mga informational and educational campaigns nang sa gayon ay mas mapalalim at mapalawak ang pag-unawa ng kabataan sa dahilan at proseso ng paglaban sa korapsyon.
Pagbibigay-diin nga ni Sur, โWe discuss not only corruption itself, but also the conditions that allow it to flourish.โ
Kasama ng kanilang pagpapalaganap ng kamalayan ay ang pag-oorganisaโt pagpapakilos ng mas malawak na network na hahantong sa konkretong aksyon.
Dugtong pa ni Sur na bukod sa mga flyer distributions ay nagkakaroon din sila ng mga gawaing pangkomunidad: โWe also have initiatives such as community pantries and relief activities, and we go into communities to engage with people, understand their conditions, and organize around their concerns.โ
Sa pamamagitan ng kanilang pakikipag-usap sa mga magsasaka, mangingisda, at iba pang sektor na direktang naaapektuhan ng korapsyon, nagkakaroon sila ng mas malinaw na imahe ng tunay na kalagayan ng mga mamamayan. Kabalikat nito, natitiyak na ang kanilang mga hakbang ay tumutugon sa mga pangangailangan ng kanilang mga nais tulungan, na nagpapatibay sa pagiging epektibo ng kanilang mga aktibidad.
๐๐๐ก๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ
Ang ganap na tagumpay ay hindi nakamit kahit noong naging malaya na sa mga kamay ng Espansyol ang Pilipinas. Marami pa ang kailangang baguhin at gawin.
Para sa K*K Network, makikita ang tunay na kalayaan kung nasa kamay na ng mamamayan ang kapangyarihan at kung tapat na napaglilingkuran ng pamahalaan ang bayan. Kahit na malayo pa ang tatahakin upang marating ang kabanatang ito, naniniwala ang organisasyon na importante na maging tapat din sa sitwasyong ito. Sa katunayan naman talaga, ang korapsyon ay problemang hindi kayang lutasin ng iisang campaign o eleksyon.
Kaya naman, ayon kay Panganiban, minimithi ng K*K Network ang pagkamit ng kaunlarang panlahat ng bansa gamit ang pagtutulungan ng bawat isa. Mananatiling posible pa rin ang tagumpay na ito lalo na at hindi naman nananatiling nagmamasid lamang sa kuwento ang mga Pilipino.
Tulad ng pahayag ni Sur, โFor me, that growing willingness to participate is already significant. We are also becoming increasingly critical of how our struggles are framed.โ Masasalamin na hindi basta-bastang tumatanggap ng sitwasyon ang mga kabataan; sa halip, aktibo na silang nakikilahok sa mga hakbang na sumusuri at nagbibigay ng solusyon sa kanilang mga paghihirap.
Sa pagwawakas naman ni Panganiban sa kaniyang pahayag, itinampok niya na layunin din ng organisasyon na baguhin ang sistema at tuldukan ang korapsyon at political dynasty.
Sa huli, sa kabila ng mga suliraning humahadlang sa sektor ng kabataan, nakahahanap sila ng paraan upang ipakita na ang โkabataan ang pag-asa ng bayanโ ay hindi lamang tayutay, bagkus ay isang reyalidad na kanilang ginagampanan.
Sa pamamagitan ng pagmumulat, pag-oorganisa, at pagpapakilos, ang K*K Network ay humahakbang tungo sa hangaring ituwid ang baluktot na sistema. Walang alinlangan, tulad ng mga katipunero noong araw, itinataya nila ang boses na siyang kanilang buhay sa matapang at makabuluhang kuwento ng pagbabago.
๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐ | Elwyn Eloise Campos
๐๐ฎ๐ก๐ | Tignayan Productions