21/09/2026
๐ผ๐ด๐จ๐จ๐ต๐ฐ๐ต๐ถ๐ต๐ฎ ๐ฎ๐ผ๐ต๐ฐ๐ป๐จ
Mayroong mga alaalang hindi kailangang iparinig para mapanatiling buhay. May mga kuwentong nakaukit sa mga sugat na hindi madaling makita, mga bakas ng nakaraan na kahit tahimik ay patuloy na bumibigat sa paggunita. At may mga alaalang kumukupas ngunit hindi basta-bastang nawawala.
Idineklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang Batas Militar noong ๐๐๐ญ๐ฒ๐๐ฆ๐๐ซ๐ ๐๐, ๐๐๐๐, kung saan naganap ang malawakang pag-aresto at paglabag sa karapatang pantao. Marami ang nakulong kabilang ang libo-libong kritiko ng pamahalaan, mga lider-estudyante, mga aktibista, at mga taumbayang nagpahayag ng pagtutol sa pamahalaan.
Dahil dito, ang kasaysayan ng Batas Militar ay tunay na dapat tandaan, na kahit matabunan man ng panahon, ang pag-alala ay mananatiling tahanan ng mga alaalang hindi kailanman dapat mawala.
Sa huli, ang pag-alala sa umaaninong gunita ay hindi lamang isang pagbabalik-tanaw sa mga masalimuot na pangyayaring dala ng nakaraan. Ito rin ay isang paraan upang maunawaan ang kasalukuyan, at mapangalagaan ang kinabukasan. Ang tanging hiling at panalangin natin ay nawaโy magsilbing aral ang mga pagkakamali, abuso't pasakit ng noon upang magsikap tayong bumuo ng isang mas maunlad, makatarungan, at mapayapang Pilipinas ngayon.
๐๐๐ฏ๐๐ซ ๐
๐จ๐ซ๐ ๐๐ญ, ๐๐๐ฏ๐๐ซ ๐๐ ๐๐ข๐ง โ
๐ผ๐ ๐๐๐ข๐๐๐ก ๐๐: Hermes Aldrich Mendoza
๐ฟ๐๐ฆ๐๐ข๐ก ๐๐: Jasmin Trisha Halog