Ang Pagaspas : Ang Opisyal na Pahayagan ng Ligaya ES

Ang Pagaspas : Ang Opisyal na Pahayagan ng Ligaya ES

Share

Ang Pagpaspas/The Visionary: The Official School Publications of Ligaya Elementary School

Photos from Ang Pagaspas : Ang Opisyal na Pahayagan ng Ligaya ES's post 22/12/2025

Ligaya ES, Nanguna sa RDNEB Awards; Agustin, Gutierrez, Humakot ng Parangal

Itinanghal ang Ligaya Elementary School bilang kampeon at Best Implementer sa RDELC/RDNEB Awards Programs sa buong Distrito ng Aglipay West matapos nitong maipakita ang epektibong pagpapatupad ng mga programang pangdisiplina, pagpapakatao, at pagpapahalaga sa kagandahang asal ng mga mag-aaral na naging basehan ng mataas na pagkilala.

Kinilala rin si Gng. Ledisma Agustin dahil sa kanyang natatanging pamumuno bilang School Head na nagpatunay ng kanyang kakayahang magbuo ng kulturang pang-akademiko at propesyonalismo sa hanay ng mga g**o, dahilan upang makamit ng paaralan ang pambihirang antas ng tagumpay.

Pinarangalan din si Rafael C. Gutierrez dahil sa kanyang mahalagang kontribusyon sa pagpapaunlad ng mga programang pang-edukasyon at sa pagsuporta sa iba't ibang inisyatiba ng paaralan, na nagpatibay sa reputasyon ng Aglipay West bilang distrito ng kahusayan at inobasyon sa pagtuturo.

Ipinahayag ni Gng. Evaine Cyril M. Garcia, RDNEB Coordinator ng paaralan, na ang tagumpay na ito ay resulta ng pagtutulungan, dedikasyon, at sama-samang pagsisikap ng lahat ng g**o sa Ligaya Elementary School upang maipatupad nang maayos ang misyon at layunin ng RDNEB Program para sa kapakanan at paghubog ng mga mag-aaral.

Idinaos ang seremonya ng pagkilala sa AWDiPSTERA Convention and Thanksgiving Program, ika-20 ng Disyembre sa Aglipay West Central School Integrated SPED Center.

Photos from Ang Pagaspas : Ang Opisyal na Pahayagan ng Ligaya ES's post 11/12/2025

Ang Pagaspas, The Visionary, Sabay na Namayagpag sa DSPC 2025; Handa Nang Lumipad sa RSPC

Hindi lang isa kundi dalawang opisyal na pahayagan ng Ligaya Elementary School—Ang Pagaspas at The Visionary—ang sabay na nag-angat ng bandera ng paaralan matapos tanghalin bilang Overall 4th Pinakamahusay na Pang-Elementaryang Pahayagan at Overall 10th Best Elementary School Paper sa Division Schools Press Conference kasabay ng tatlong mag-aaral ng paaralan na matagumpay na nakapasok sa Regional Schools Press Conference.

Sa sabayang tagumpay ng mga pahayagan at estudyante, malinaw na ang Ligaya ES ay hindi lamang kalahok kundi isang paaralang kayang maghatid ng dobleng husay at dobleng karangalan.

Pinatunayan ng editorial staff at ng mga mag-aaral na ang kanilang disiplina, talento, at kahusayan ay sapat hindi lamang para makasabay kundi para manguna sa hanay ng pamamahayag.

Ayon kay Gng. Ledisma Agustin, punongg**o ng eskwelahan, ang tagumpay na ito ay repleksiyon ng matiyagang pagsasanay, mahusay na paggabay ng advisers, at kultura ng paaralan na nagbibigay-diin sa dekalidad na pamamahayag at pagkatuto.

Sa pagpasok ng parehong Ang Pagaspas, The Visionary, at tatlong mag-aaral sa RSPC, naglalakbay ang Ligaya ES bitbit ang kumpiyansang may dalawang pahayagang parehong handang lumipad at tatlong estudyanteng handang magtagumpay sa mas mataas na antas.

22/11/2025

GUTIERREZ , BACK-TO-BACK WIN SA LOLAY STORYTELLING

Muling umangat ang pangalan ni Rafael C. Gutierrez, Teacher III ng Ligaya Elementary School, matapos magwagi ng 3rd Place sa Lolay Recorded Storytelling Videos sa Regional Culminating Activity ng 2025 Pambansang Buwan ng Pagbasa, isang back-to-back victory matapos din niyang masungkit ang 4th Place noong nakaraang taon sa kaparehong kompetisyon.

Ginawaran si Gutierrez sa makulay na pagtitipon sa Robinsons Place, Tuguegarao City, na nagbuklod sa selebrasyon ng National Reading Month, Library and Information Services Month, National Book Week, at National Values Month, kasabay ng opisyal na paglulunsad ng Project LETRA, ika-20 ng Nobyembre.

Dumalo ang mga g**o, librarian, division at regional officials, mag-aaral, storytellers, at literacy advocates, na sama-samang ipinagdiwang ang kahalagahan ng pagbasa, impormasyon, at pagpapahalagang Pilipino. Tampok din ang makabago at interaktibong ARAL Exhibits, na nagbigay-daan sa paglalantad ng iba’t ibang inisyatiba para sa mas matatag na kultura ng literasiya.

Sa patuloy na pagkilala kay Gutierrez, higit pang lumilinaw ang papel ng malikhaing pagkukuwento sa paghubog ng mga batang mambabasa at tagapagtaguyod ng kulturang Pilipino.

Photos from Ang Pagaspas : Ang Opisyal na Pahayagan ng Ligaya ES's post 21/11/2025

4 sa 13 Mag-aaral-Manunulat Umangat; Tatlo Aabante sa RSPC

LIIT SA NUMERO, LAKI SA PANINIWALA

Tatlong mag-aaral-mamamahayag ang nakasungkit ng karapat-dapat na puwesto sa Regional Schools Press Conference matapos nilang pagtagumpayan ang mahigpit na paligsahan sa Division Schools Press Conference (DSPC) 2025, na ginanap mula Nobyembre 19–21, 2025 sa Quirino General High School, Cabarroguis, Quirino.

Nagningning sa larangan ng pagsulat ng agham at teknolohiya si Dimple Mitz Pearl Lucena matapos niyang masungkit ang Unang Puwesto, sa ilalim ng paggabay ni Gng. Keith Libatique, na patuloy na tumutulong sa kanya sa pagbuo ng siyentipikong artikulo.

Nagpakitang-gilas din si Lovelen M. Gonzales sa larangan ng Column Writing matapos niyang masungkit ang Unang Puwesto, bunga ng masusing paggabay at suporta ni Gng. Joyvie Tayaban.

Samantala, matagumpay na tinalo ni Ethan James M. Morales ang ibang kalahok mula sa iba’t ibang paaralan nang masungkit niya ang Ikatlong Puwesto sa pagsulat ng lathalain sa ilalim ng patnubay ni G. Rafael C. Gutierrez.

Bagama’t hindi nakapasok sa delegasyon para sa RSPC, nag-iwan ng matibay na marka si Shemiah Jireh Daquioag, isang mag-aaral sa ikatlong baitang, bilang “promising young writer” dahil sa kanyang likas na husay sa paglalahad at determinasyong makipagsabayan kahit sa mas matatanda matapos niyang makuha niya ang Ikaapat na Puwesto – Sports Writing sa parehong kategorya na nilahukan ng mas matatandang kalahok, sa ilalaim ng paggabay ni G. Gutierrez.

Bukod sa tagumpay ng mga mag-aaral, nag-ambag din sa karangalan ng paaralan si Gng. Maria Teresa Saddul matapos siyang kilalanin bilang 2nd Runner-Up – Most Outstanding School Paper Adviser.

Ipinahayag ng pamunuan ng LES na ang lahat ng tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsuporta ng iba’t ibang sektor ng komunidad.

Malaki ang ginampanan nina Gng. Ledisma Agustin, Punongg**o ng LES, na patuloy na nagbibigay ng suporta sa mga kampanyang akademiko; Dr. Hilaria Sabado Sabado, PSDS–Aglipay West, na nagbibigay ng gabay at inspirasyon sa mga g**o at mag-aaral; at Hon. Rosalyn Rabina, punong barangay, na tumulong sa paglalaan ng kinakailangang suporta at logistical assistance sa mga kalahok.

Hindi rin matatawaran ang ambag ng mga magulang, na walang sawang sumuporta sa pangangailangan ng kanilang mga anak mula paghahanda hanggang kompetisyon.

Sa kabuuang labintatlong delegado ng Ligaya ES, apat ang nag-uwi ng parangal, patunay ng patuloy na paglakas ng programa sa pampahayagang pangkampus ng paaralan.

19/11/2025

Guzman, binigyang-buhay ang ‘Biag ni Lam-ang’; Itinanghal bilang 1st Runner-Up

Ipinamalas ni Nikko Guzman ang tikas, kisig, at lakas kasama sina Xiamara Eloisa Abdon, Daniane Shane Galos, Dwyne Zyrus Padilla, Charles Ryan Soriano Jr., at Rayven Naval sa kanilang masining na pagsasabuhay ng hiwaga ng epikong Ilocano na Biag ni Lam-ang sa Division Likharaya Pinoy Book Character Parade na ginanap ngayong araw sa Cabarroguis National School of Arts and Trades.

Iginawad sa pangkat ang parangal bilang 1st Runner-Up matapos makipagsabayan sa iba pang kalahok mula sa mga distrito ng buong Dibisyon ng Quirino.

Nagsanay ang pangkat sa ilalim ng lahat ng g**o, pinangungunahan ni G. Rafael C. Gutierrez, sa patnubay ni Gng. Ledisma Agustin , punongg**o ng paaralan.

Nagkaisa ang mga magulang at pamahalaang barangay ng Ligaya, sa pangunguna ni Hon. Rosalyn Rabina, upang magbigay ng buong-suportang lakas sa matagumpay na pagtatanghal.

Photos from Ang Pagaspas : Ang Opisyal na Pahayagan ng Ligaya ES's post 18/11/2025

3 mag-aaral nagmina ng medalya sa Palarong Panlalawigan -Athletics

Kabuuang dalawang ginto, dalawang pilak, at isang tansong medalya ang ipinondo nina Leonelle Catriz, Tricia Mae, Acdal, at Zian Mark Arponeda sa banga ng Bayan ng Aglipay matapos silang magpamalas ng galing, bilis, at lakas sa 4x100 relay, 4x400 relay, at Javelin Throw na ginanap sa Quirino Sports Complex, ika-3-5 ng Nobyembre.

18/11/2025

MORALES, NAGPAKITA NG KATATAGAN; NAKAMIT ANG IKATLONG PUWESTO SA DIVISION FOT READ-A-THON

Hirap man sa pagsusulat dahil sa hindi inaasahang aksidenteng naranasan kamakailan, matagumpay na naiuwi ni Ethan James B. Morales ang ikatlong puwesto sa Read-A-Thon Story Resolution Challenge ng Division Festival of Talents matapos niyang mabigyan ng malikhain at maayos na katapusan ang ibinigay na kwento at maisalaysay ito nang mahusay kumpara sa iba pang kalahok mula sa ibat-ibang distrito sa dibisyon ng Quirino sa patimpalak na ginanap sa Diffun Central School Integrated SPED Center, Diffun, Quirino, ngayong araw.

Iwinagayway din ni Creisia Jenn Rigor ang watawat ng Aglipay West District sa Read-A-Thon Likhakwento.

Ngsilbing tagasanay nina Morales at Olidan sina G. Rafael C. Gutierrez at Gng. Evelyn C. Olidan.

Photos from Ang Pagaspas : Ang Opisyal na Pahayagan ng Ligaya ES's post 03/11/2025

LIWAYWAY NG TAGUMPAY: Ligaya ES, Nagningning sa AWD Fest of Talents

Nagningning na tila ilaw sa gitna ng tanghalan ang mga mag-aaral ng Ligaya Elementary School matapos mag-uwi ng dalawang unang gantimpala na didiretso sa Division Level, kasunod ng isang 2nd Place at isang 3rd Place sa ginanap na Aglipay West District Festival of Talents ngayong araw sa Pinaripad National High School.

Sa kabila ng matinding kompetisyon, pinatunayan ng mga batang Ligaya na taglay nila ang liwanag ng husay at determinasyon, na siyang nagsilbing tanglaw hindi lamang ng kanilang paaralan kundi ng buong distrito.

Ayon sa mga g**o ng Ligaya ES, ang pagkamit ng mga parangal ay bunga ng pagtutulungan, pagsisikap, at patuloy na paggabay ng mga tagapagturo.

Sa susunod na antas ng paligsahan, buo ang tiwala ng paaralan na mananatiling nagniningning ang ilaw ng Ligaya ES sa Division Level ng Festival of Talents..

Photos from Ang Pagaspas : Ang Opisyal na Pahayagan ng Ligaya ES's post 26/10/2025

LIGAYA ES, NAMAYAGPAG SA DISTRICT PRESSCON; 13 CJs, TATAHAK SA DIVISION SPC

Muling pinatunayan ng Ligaya Elementary School na tunay na pugad ng husay at talino matapos tanghalin bilang isa sa mga pinakamatatag na pwersa sa pamamahayag sa Aglipay West District Schools Press Conference na ginanap sa Aglipay West Central School Integrated SPED Center, ika-24–25 ng Oktubre, 2025.

Sa kabila ng mahigpit na labanan sa iba’t ibang kategorya ng patimpalak, labintatlong batang manunulat ng eskwelahan ang nagwagi at nag-uwi ng tagumpay, kabilang na ang apat na kampeon, dalawang 2nd place, tatlong 3rd place, at apat na 4th place na magwawagayway ng bandila ng Aglipay West sa Division Schools Press Conference.

Taglay ang talas ng panulat, tapang ng tinig, at pusong nag-aalab sa layuning maghatid ng katotohanan, ipinamalas ng mga batang manunulat ng Ligaya ang kahusayan sa larangan ng campus journalism.

Bawat titik, pangungusap, at larawan ay naging sagisag ng disiplina, pagkamalikhain, at walang patid na Ligaya sa paghahangad ng karunungan.

Ayon kay Gng. Ledisma F. Agustin, Punongg**o ng eskwelahan, ang tagumpay na ito ay hindi lamang bunga ng talento kundi ng pagsasanib-pwersa ng dedikasyon, gabay ng mga g**o, at walang sawang suporta ng buong komunidad ng Ligaya Elementary School sa pangunguna ng SPTA.

Photos from Ang Pagaspas : Ang Opisyal na Pahayagan ng Ligaya ES's post 22/10/2025

Montero, Guzman umiskor ng karangalan sa badminton court ng Palarong Panlalawigan 2025

Lumaban nang buong tapang sina Lhealin Jhaym Montero at Nikko Guzman sa entablado ng Palarong Panlalawigan 2025, na ginanap sa Capitol People’s Gymnasium noong nakaraang linggo, dala ang determinasyong maipakita ang husay ng kanilang paaralan sa larangan ng badminton.

Umangat si Montero sa singles division matapos ipamalas ang liksi, bilis ng kamay, at matalas na court awareness. Sa bawat serve at drop shot, ay ipinakita niya ang pusong mandirigma hanggang sa makuha ang pilak na medalya sa isang dikdikan at kapanapanabik na laban.

Bumawi naman si Guzman matapos nagpakawala ng sunod-sunod na smash at clear shots na nagpayanig sa court. Sa kanyang matibay na depensa at determinasyon, nakamit niya ang tansong medalya sa huling match point.

Ginabayan ni Gng. Maria Teresa Saddul ang kanilang tagumpay bilang dedikadong tagasanay. Sa walang sawang ensayo at gabay, pinanday niya ang disiplina, tiyaga, at teamwork ng kanyang mga manlalaro, na naging susi sa kanilang pagkapanalo.

22/10/2025

Ligaya ES Whiz Kids Umangat sa District Science Skills Olympics

Muling ipinamalas ng mga batang Ligaya Elementary School na sina Ethan James Morales, Deborah Peralta, at Jobim Kaiser Millo ang kanilang husay sa agham matapos magwagi ng ikatlong gantimpala sa Science Skills Olympics ng District Science Fair 2025 na ginanap sa Aglipay West Central School Integrated SPED Center, ngayong araw.

Sa ilalim ng masinop na paggabay ng kanilang tagasanay na si Gng. Keith R. Libatique, matagumpay na naipakita ng koponan ang talino, disiplina, at dedikasyon sa bawat bahagi ng patimpalak mula sa masusing pag-aanalisa ng mga eksperimento hanggang sa matalas na pagsagot sa mga tanong pang-agham.

Ang kanilang pagkapanalo ay hindi lamang patunay ng kahusayan ng mga mag-aaral, kundi simbolo rin ng patuloy na pagsulong sa pagpapaunlad ng edukasyong pang-agham.

Ayon kay Gng. Janelyn Baguilat, Science coordinator ng eskwelahan, ang tagumpay na ito ay magsisilbing inspirasyon sa kapwa mag-aaral na pag-ibayuhin pa ang interes sa agham at inobasyon.

Photos from Ang Pagaspas : Ang Opisyal na Pahayagan ng Ligaya ES's post 11/10/2025

LIGAYA ES AARANGKADA PATUNGONG PALARONG PANLALAWIGAN 2025

Pasok sa Palarong Panlalawigan ang apat na mag-aaral ng Ligaya Elementary School na sina Leonell Catriz, Tricia Acdal, Diphney Biscarra, at Zian Mark Arponeda matapos ibulsa ang apat na gintong medalya, isang pilak, at isang tanso sa iba’t ibang athletics events ng Municipal Meet 2025 na ginanap sa Quirino Sports Complex, ngayong araw.

Ibinandera ng mga batang atleta ang bilis, tibay, at determinasyong nagpanalo sa kanila laban sa mahigpit na mga katunggali mula sa Aglipay East District.

Nagsilbing tagasanay ng koponan si Bb. Joyvie Tayaban, na gumabay sa bawat throws, stride, at sprint ng kanyang mga atleta upang maabot ang finish line ng tagumpay.

Want your school to be the top-listed School/college in Aglipay?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Ligaya, Quirino
Aglipay
3403