27/02/2026
๐จโจ ANI NG SINING 2026 โจ๐จ
Isang makulay, masigla, at punong-puno ng talento ang selebrasyon ng Arts Month sa Bonifacio Camacho National High School-JHS sa temang โAni ng Siningโ : Katotohanan at Gitingโ isang pagdiriwang ng husay, pagkamalikhain, at pagkakaisa ng buong komunidad ng paaralan! ๐พ๐ญ
Sa pangunguna ni Sir Conrad V. Gallardo, Head Teacher ng MAPEH, matagumpay na naisakatuparan ang programang nagbigay-daan upang maipamalas ang angking galing at talento ng ating mga mag-aaral sa larangan ng sining.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng masisipag at dedikadong MAPEH teachers na buong pusong naglaan ng oras, pagod, at talento upang maging makabuluhan at makulay ang gawaing ito. ๐
Malaking pasasalamat din sa ating MAPEH student teachers na aktibong tumulong at nagbahagi ng kanilang sigla at ideya sa paghahanda at pagsasagawa ng programa.
Lubos din ang aming pasasalamat sa ating mga hurado Kenneth Khens L Salandanan Mark Ramos Jay Miclat na naglaan ng kanilang oras at kaalaman upang kilalanin at pahalagahan ang talento ng ating mga mag-aaral.
Taos-pusong pasasalamat sa mga pamilya at magulang na walang sawang sumusuporta sa bawat gawain ng paaralan ang inyong pagmamahal at suporta ang tunay na inspirasyon ng ating mga kabataan. ๐
Maraming salamat din sa ating sa masisipag na utility personnel gayundin sa ating MDRRMO at Abucay Marshall napakahalaga ang papel sa paghahanda, kaayusan, at tagumpay ng programang ito.
Gayundin sa mga sponsors Eastwoods Professional College of Science & Technology AMA AKO - ACLC College Balanga congressman Tonyboy Roman Ms. Rhea D. Pagdanganan at Victoria Abrique
At siyempre, taus-pusong pasasalamat sa lahat ng faculty and staff ng Bonifacio Camacho Nhs Jhs na patuloy na nakaagapay sa bawat programa, at higit sa lahat sa ating napaka-supportive na principal sir Wrey Visda na walang sawang gumagabay at nagbibigay inspirasyon sa ating buong paaralan. ๐
Tunay ngang ang sining ay namumunga kapag may pagkakaisa, dedikasyon, at pagmamahal sa ginagawa. Mabuhay ang sining! Mabuhay ang talento ng kabataang BCNHS-JHS! ๐จ๐พโจ