14/08/2026
ANUNSIYO PUBLIKO | Suspensiyon ng F2F Classes sa San Mateo Rizal
Alinsunod sa kalalabas lamang na Memorandum Circular No. 126 ng Office of the President at dahil na rin sa patuloy na nararanasang pag-ulan, SUSPENDIDO na ang FACE-TO-FACE CLASSES ngayong araw ng Biyernes, ika-14 ng Agosto 2026, sa LAHAT NG ANTAS ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa San Mateo.
Iminumungkahi para sa mga eskuwelahan ang pansamantalang pagpapairal ng MODULAR o DISTANCE LEARNING upang hindi maantala ang pag-aaral ng mga estudyante.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling may mga humihingi ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0954-355-0707; 0985-394-2424
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130, 131
Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!