15/08/2021
https://www.facebook.com/359105487482485/posts/4966387023420952/
Ngayong araw, Agosto 16, ang simula ng pagpapatala sa mga pampublikong paaralan mula Kindergarten hanggang Grade 12 para sa SY 2021-2022!
Ang pagpapatala ay pangunahing isasagawa sa pamamagitan ng remote enrollment sa mga lugar sa ilalim ng ECQ at MECQ. Samantala, maaaring ipasa ng mga magulang/guardian ang Modified Learner Enrollment and Survey Form (MLESF) sa mga paaralan sa lower risk areas sa ilalim ng GCQ at MGCQ.
Katulad ng proseso ng pagpapatala noong nakaraang taon, hinihikayat pa rin ang pagsusumite ng MLESF sa pamamagitan ng phone call, text o SMS, social media, at online upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.
Maaaring i-download ang MLESF at ALS Enrollment Form sa mga sumusunod na links:
ALS Enrollment Form - bit.ly/ALSEnrollmentForm2021
MLESF (English) - bit.ly/MLESFEnglish2021
MLESF (Filipino) - bit.ly/MLESFFilipino2021
Abangan ang iba pang mga anunsyo ukol sa pagpapatala dito sa ating DepEd Philippines page.
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang DepEd Order No. 32, s. 2021 sa bit.ly/DO32S2021.