09/09/2026
Sa pagtatapos ng makabuluhang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa at Buwan ng Kasaysayan 2026, ating ipinagdiwang ang kapangyarihan ng wikang Filipino bilang daluyan ng kaalaman, kultura, at pagkakaisa. Sa temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,” tampok ang makabuluhang ugnayan ng wika at teknolohiya sa pagkatuto at pagtuklas ng impormasyon.
Pinasigla ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Parada ng Kasuotang Pilipino, Patimpalak sa Tamang Pagbaybay, Photo Collage at ang pinakatampok na Lakan at Lakambini ng Wika 2026.Isang pagdiriwang na nagpapaalala na ang wikang Filipino ay buhay na bahagi ng ating pagkakakilanlan at kasaysayan.
Taos-puso ang aming nagpapasalamat sa mga taong naging mabahagi sa tagumpay ng programa, sa aming punong-g**o Sir Randy T. Lumapat sa gabay at supporta sa aktibidad, mga g**o ng Gov. Dujali Elem. School lalong lalo na ang tagapag-ugnay sa Araling Panlipunan, Ma’am Kareen Jane P. Patarata, MT III at tagapag-ugnay sa Filipino, sir Jhomerix D. Gaum sa masigasig na pamumuno sa mga gawain at matagumpay na pagsasakatuparan ng aktibidad, Vice Mayor Dagdag Cafe-Binasbas sa donasyon na token at mga sash para sa Lakan at Lakbini ng Wika, kay Ma’am Melody Jingco sa kanyang tulong pinansyal, mga mag-aaral at mga magulang na walang sawang sumuporta sa mga gawain sa paaralan, maraming-maraing salamat po!
Sama-sama nating pahalagahan ang ating nakaraan, gamitin ang teknolohiya nang responsable, at itaguyod ang wikang Filipino tungo sa mas makabuluhang kinabukasan.
Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang kulturang Pilipino!