18/01/2026
Ang Mi‘rāj bilang Pagmamahal ng Allah sa Nabi ( SAW)
1️⃣ Ginawa ang Mi‘rāj pagkatapos ng pinakamabigat na pagsubok.
Binanggit ng mga ‘ulamā’ (Ibn Kathir, Qadi ‘Iyaḍ, Shibli Nu‘mānī) na ang Mi‘rāj ay naganap:
matapos mamatay sina Khadījah ( r. a. ) at Abū Ṭalib ,matapos ang pang-aapi sa nabi muhammad aa Ṭā’if.
📌 Kapag ang Nabī ( SAW) ay nasaktan bilang tao, inalagaan siya ng Allah bilang minamahal na Sugo.
Ang Mi‘rāj ay aliw (tasliyah) mula sa Allah.
Ang Mi‘rāj ay hindi lang himala.
Ito ay yakap ng Allah sa Kanyang minamahal na Sugo matapos siyang masaktan sa lupa.
Inakyat siya ng Allah upang ipakita:
“Kung tinalikuran ka ng mundo, Ako ay malapit sa iyo.” SUBHANALLAH!!
Noong panahong iyon, ang Nabī Muḥammad ay dumaraan sa pinakamabigat na yugto ng kanyang buhay. Namatay ang kanyang asawa na si Sayyidah Khadījah (ra) ang kanyang asawa at sandigan, at namatay rin ang kanyang tito na si Abū Ṭālib ang kanyang tagapagtanggol. Pagkatapos nito, tinanggihan at sinaktan pa siya sa Ṭā’if. Halos isinara na ng lupa ang lahat ng pintuan para sa kanya .
Sa ganitong kalagayan, pinili ng Allah na aliwin at parangalan ang Kanyang Sugo sa isang paraang hindi pa naranasan ng sinumang tao.
Isang gabi, habang ang Nabī ﷺ ay nasa Masjid al-Ḥarām (ayon sa ibang salaysay, nasa bahay ni Umm Hānī’), dumating ang Jibrīl عليه السلام.
Binuksan ng Jibrīl ang dibdib ng Nabī ﷺ, hinugasan ang kanyang puso gamit ang tubig ng Zamzam, at pinuno ito ng pananampalataya at karunungan.
Ito ay espirituwal na paghahanda—sapagkat ang paglalakbay na ito ay hindi karaniwan, kundi pag-akyat sa mga dakilang tanda ng Allah.
Pagkatapos nito, dinala sabi Nabī ang isang nilikhang tinatawag na Burāq na
mas mabilis kaysa anumang hayop. Ang bawat hakbang nito ay hanggang sa dulo ng tanaw ng paningin.
Sumakay ang Nabī ﷺ, at sa isang gabi lamang, naglakbay siya mula Makkah patungong Masjid al-Aqṣā sa Bayt al-Maqdis (Jerusalem).
Pagdating doon:
Itinali niya ang Burāq,
Pumasok sa Masjid al-Aqṣā,
At doon, tinipon ng Allah ang lahat ng mga propeta.
Ang Nabī Muḥammad ﷺ ang naging imām nila sa ṣalah.
👉 Ipinakita rito na :
Siya ang pinakahuling sugo,
At ang kanyang mensahe ang kumukumpleto sa mensahe ng lahat ng propeta ( QURAN)
Mula sa Bayt al-Maqdis, iniakyat ang Nabī ﷺ sa mga langit, kasama ang Jibrīl alayhis salam.
🔹 Unang Langit
Nakita niya si Ādam عليه السلام, ama ng sangkatauhan. Binati siya ni Ādam at ipinanalangin ang kabutihan ng kanyang ummah.
🔹 Ikalawang Langit
Nakita niya sina ‘Īsā at Yaḥyā عليهما السلام, na masayang tumanggap at nagbigay-pugay sa kanya.
🔹 Ikatlong Langit
Nakita niya si Yūsuf عليه السلام, na binigyan ng kalahati ng kagandahan. ( ayon sa isang kitab).
🔹 Ikaapat na Langit
Nakita niya si Idrīs عليه السلام, na itinaas ng Allah sa mataas na antas.
🔹 Ikalimang Langit
Nakita niya si Hārūn عليه السلام, kapatid ng Mūsā.
🔹 Ikaanim na Langit
Nakita niya ang Mūsā عليه السلام. Nang umalis ang Nabī ﷺ, umiyak ang Mūsā dahil mas marami raw ang papasok sa Jannah mula sa ummah ng Muḥammad kaysa sa kanyang ummah.
🔹 Ikapitong Langit
Nakita niya ang Ibrāhīm عليه السلام, nakasandal sa Bayt al-Ma‘mūr, na dinarasalan ng mga anghel araw-araw.
Pagkatapos nito, umabot ang Nabī ﷺ sa Sidrat al-Muntahā—ang hangganan ng nilikha.
Dito hindi na maaaring lumampas ang Jibrīl.
Nakita ng Nabī ﷺ:
ang Jannah,
at ang ilan sa pinakadakilang tanda ng Allah.
“لَقَدْ رَأَىٰ مِنْ آيَاتِ رَبِّهِ الْكُبْرَىٰ Katotohanang nakita niya ang dakilang mga tanda ng kanyang Panginoon.
Sa Mi‘rāj, iniutos ng Allah ang 50 ṣalāh sa isang araw.
Sa pagbabalik, pinayuhan siya ng Mūsā عليه السلام na humingi ng pagpapagaan, sapagkat hindi kakayanin ng ummah.
Paulit-ulit na bumalik ang Nabī ﷺ hanggang sa: ➡️ naging limang ṣalāh,
➡️ ngunit may gantimpalang limampu.
👉 Kaya ang ṣalāh ay:
direktang regalo mula sa langit,
at Mi‘rāj ng bawat mananampalataya.
Pagbabalik sa Makkah
Sa iisang gabi, bumalik ang Nabī ﷺ sa Makkah.
Nang ikinuwento niya ito:
Tinawanan siya ng Quraysh,
Ngunit ang Abū Bakr (ra) ay naniwala agad at sinabi:
“Kung sinabi niya, totoo iyon.”
Dito siya tinawag na as-Siddiq.
kaya sabi ng ating mga ulama ay isa din sa hikmah ng pagmiraj ng nabi ay para malaman ang mga tunay na mananampalataya sa allah at hindi ..
والله أعلم بالصواب