02/08/2024
Pichi-Pichi Recipe with Cheese and Niyog Toppings 😍
Napakadali lang Pala nito Gawin!
INGREDIENTS:
½ kilo fresh cassava
1 pack powdered milk (optional)
1 cup white sugar
1 cup water
Grated coconut (for coating
Grated cheese (for coating)
Food color (optional)
PROCEDURE
1. Gadgarin ang cassava gamit ang grater. Alisin ang ugat sa gitna.
2. Pagka-grate or kadkad, pigain ito para makuha ang katas. Tapos, set aside ang katas ng mga 15 minutes para makuha yung starch na mamumuo sa ilalim nito. Pag nakasettle na yung starch (kulay puti ito na nasa ilalim), alisin yung juice. Then, saka lagyan ng tubig yung starch at haluin mabuti. Eto yung gagamitin natin para mabuo at maging makunat ang pichi-pichi.
3. Saka ihalo sa starch mixture ang pinigang cassava at asukal Haluin mabuti.
4. Punuin ang mga molders ng cassava mixture at ilagay sa steamer. Siguraduhing kumuluko na ang tubig sa steamer bago ilagay ang mga cassava. Steam for 30 minutes gamit ang mahinang apoy (gumamit ako ng medium size na molders).
5. After steaming, alisin sa molders ang mga pichi-pichi at balutan ito ng kinayod na niyog or grated cheese.
Pwedeng pwede pagkakitaan!
Sundin mo lang itong recipe NATO para Iwas Palpak 😜
24/07/2024