06/12/2025
PTFATTSAK
SMNI: EXCELLENCE AT ITS FINEST
Muling kinilala ang natatanging ambag ng SMNI sa pagbibigay ng tapat at de-kalidad na serbisyo sa larangan ng broadcasting.
Sa ginanap na DCCCII Annual Gathering ngayong Disyembre 1, pinarangalan ang SMNI bilang matatag na "media partner" sa pagtataguyod ng ekonomiya at mahahalagang proyekto ng Davao City.
Patunay ang pagkilalang ito na nananatiling tapat ang SMNI sa misyon nito—maghatid ng balitang tapat, makatotohanan at patas na mahalaga sa paghubog ng isang malaya at maunlad na komuninad. | via Jean Domingo