Mga Himig Ng Tula

Mga Himig Ng Tula

Partager

Paul Gardner zpup64t60k

05/02/2023

OH, ULAN

Oh, ulan...
Kaysarap pakinggan
Bawat patak sa bubungan
Nakatanaw sa lansangan
Wari'y nais magtampisaw sa baha
Sa bahang dulot ng ulan

Oh, ulan...
Ikaw ang siyang dahilan
Halos ayaw ng bumangon sa higaan
Pero kung may kape sa harapan
Hihigop at kakain ng tinapay na may palaman

-ulan
.lilac

01/02/2023

PEBRERO

Pebrero nanaman
May mga masaya, ang iba'y luhaan
Marami ang nagdiriwang
Marami rin naman ang nag-aalangan

Sa mga may kapareha
Ito'y buwan upang magsaya
Ngunit sa mga pusong nag-iisa
Ang masasabi'y pasensya.

Ngunit may isang paalala
Ang kupidong tagapana
Kung ngayo'y mag-isa ka
Wag mainggit, wag mag-alala

Pebrero'y buwan ng mga puso
Hindi lamang para sa may sinasintang totoo
Ito'y Buwan ng pag-ibig na wagas
Sa bawat isa'y dapat ipamalas

01/02/2023

Sa lahat ng nakadate ko every Feb. 14, si COFFEEMATE lang ang hindi ko makakalimutan. Dahil kulang ang COFFEE ko kapag wala nito😁

30/01/2023

Kapag may tyaga, may nilaga. Kaya wag mapapagod dahil nasa dulo palagi ang saya ng tagumpay.

30/01/2023

ISANG BUONG ARAW

Paggising sa umaga
Anong saya ang nadarama
Salamat sa paghinga
Panginoon, iba ka talaga

Isang buong araw ngayo'y haharapin
Sa maghapong hamon, lalaban pa rin
Bawal sumuko, bawal tamarin
Kung napapagod, ika'y pwedeng pagpahingahin

Hindi ka sigurado kung anong mangyayari
Kaya't dapat ihanda ang sarili
Kalma ka lang, iwasang mangunsumi
Ngiti sa labi ay dapat mapanatili

Sabi ng marami, kape lang malakas na
Pampawi ng pagod habang nagpapahinga
Pantanggal ng antok dahil may trabaho pa
Pampasigla ng katawang nanlulumo na.

Iwasang mag-isa at walang kasama
Kapag kailangang huminga, may makakausap ka
Kapag napapasuko na may malalapitan ka
Iwas depresyon, sa tulong ng mga kasama

Isang buong araw na puno ng karanasan
Karanasang magsisilbing g**o ninuman
Ano mang klase ito, dapat pasalamatan
Ito ang bubuo at hihinang sa iyong katatagan.


My
Let's know that

28/01/2023

Saan nga ba nagkamali?
Sino nga ba ang may mali?

28/01/2023

Minsan kahit di mo ugaling magbida-bida, nagagawa mo dahil sa takot na maibagsak ka ng g**ong di ka bet mula pa sa umpisa.🤣✌️

28/01/2023

On a Rainy Day like this🌧️🌧️
Kanta muna tayo🥰

12:51 by Kris and Ericka

27/01/2023

Mahalin mo ang Mathematician dahil sila lang ang nakakaalam ng isang libo't isang paraan para hindi ka iwan.😁🤪

27/01/2023

Soon ulit💪

26/01/2023

Kung ayaw mong masaktan at madepressed, magmahal ka ng Mathematician. Sakto lang magmahal yan, walang labis, walang kulang🤪

Vous voulez que votre école soit école la plus cotée à Democratic Republic of the ?

Cliquez ici pour réclamer votre Listage Commercial.

Type

Téléphone

Adresse


10277 West 52nd Place
Democratic Republic Of The
80033