26/05/2019
Oplak Balik Eskwela Reminders
Sa darating na pasukan, atin pong tandaan ang mga sumusunod:
1. NSO at PSA Birth certificate ay parehas na tinatanggap pati na ang mga galing sa LCR.
2. Ang birth certificate ay requirement sa mga transferees, incoming Kinder, Grade 1, Grade 7 at Grade 11, hindi ito hinihingi taon taon (refer to DO 3, s. 2018). Ito ay kailangan para masig**o na tama ang detalye ng mga records ng mag aaral.
3. Tanging kinder completer ang maaaring mag Grade1 o yung mga pumasa sa PEPT. Lahat ng Kinder Completers ay dapat mayroong LRN. Lahat ng pumasa sa PEPT/PVT ay dapat mag dala ng resulta para ma bigyan ng LRN sa Grade 1.
4. Kailangang 5 taong gulang ang bata sa Agosto 31 para tanggapin sa Kindergaten sa pampublikong paaralan or 5 taong gulang sa September 30 at Oct. 31 sa pampribadong paaralang magbubukas ng klase sa hulyo at agosto, respectively. (Refer to DO 20, s. 2018)
5. Sa mga transferees galing private schools na may financial obligation, siguraduhing mapirmahan ang affidavit of undertaking ng mga magulang (DO 3, s. 2018). Mas maigi sana kung ma settle agad ang obligasyon sa private schools para iwas komplikasyon pag malapit pagtatapos school year.
6. Sa mga transferees na naggaling sa pribadong paaralan na walang DepEd Permit, kinakailangang kumuha sila ng PEPT para ma-validate ang mga natutunan at malaman ang angkop grade level.
7. Walang bayad ang pag enrol, pag aaral, at pagtatapos ng school year sa mga pampublikong paaralan.
8. Hindi po nabibili at pinagbibili ang LRN. Tanging ang school lamang ang pweding mag bigay ng LRN.
Posted by Sir Rogel Masapol