10/12/2025
Koyah na tanggal~~
Wassupp Lawinians!✨
Narito nga pala muli ang Tanglaw Wika o mas kilala bilang, Filipino Club🌸
Kayo ba ay naghahanap ng isang g**o na mala dyosa ang ganda— este, isang grupo na mas mahahasa ang inyong kaalaman sa balarila ng ating wikang filipino?
Oh, pwes. Saktong-sakto! Dahil andito ang Tanglaw Wika, upang imbitihan kayo para maging parte o myembro ng Filipino Club🔥
Inaasahan namin ang inyong pag-sali upang maki bahagi, makiisa, at sama-samang sumaya sa pamilya ng Filipino Club💕💕
16/09/2025
𝙈𝙖𝙜𝙖𝙣𝙙𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙇𝙖𝙬𝙞𝙣𝙞𝙖𝙣𝙨!✨️
Nandirito muli ang 𝑻𝒂𝒏𝒈𝒍𝒂𝒘-𝑾𝒊𝒌𝒂 sa inyong mga tabi o harapan upang mag pahayag ng mga makabagong salita!
Handa kana bang matuto ng mga makabago at malalalim na salita sa Asignaturang Filipino?
Pwes kung oo ano pang hinihintay mo? Samahan mo kaming dumiskobre at matuto ng makabagong salita sa Wikang Filipino!
Halina’t alamin natin ang mga inihanda naming malalalim na salita na alam naming suwak sa inyong mga kaalaman at alam naming bago sa inyong mga pandinig!
At dahil diyan may inihanda kaming mga salitang Ingles na alam namin sabik kayong malaman kung ano nga ba ang ang mga salitang ito kapag isinalin sa ating Wikang Filipino!
𝐀𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲𝐢𝐧, 𝐩𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐧𝐢𝐥𝐚𝐲𝐢𝐧 𝐩𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨!📖
👩💻Pubmat, Talasalitaan, and
Caption by: Ashley Mae Brioso
16/09/2025
WHOOPS—KAMUSTA MGA BES?
Sa wakas! Tapos na ang panulukang-bato o ang foundation day sa loob ng ating paaralang Pugad Lawin High School.
Alam naming naging masaya kayo at nag enjoy sa mga naganap na aktibidad sa pagsalubong natin sa ating panulukang-bato.
At alam naming talaga namang nagustuhan at nabighani kayo sa aming inihandang estante na mala-jeepney at tindahan. Syempre, walang iba kung hindi ito'y lingkod at pinaghandaan ng FILIPINO CLUB O TANGLAW-WIKA, para sa inyo!
Hep, hep, hep🤚
Syempre hindi namin kayo makakalimutan! Lubos na taos-pusong nagpapasalamat kami sa inyong pag suporta at pag punta sa aming munting maliit na pwesto. Hindi kami makakatanggap ng sertipiko kung hindi dahil sa inyo!✨️
Syempre kung may kasiyahan? Dapat may litrato!
Dahil d'yan, halina't ating bigyang pansin at tignan ang ilang mga kuhang litrato o larawan mula sa Filipino club, para sa ating mga naggagandahan at naggwagwapuhang kamag-aral na bumisita at nag tuon ng pansin sa ating FILIPINO BOOTH🙌
Tandaan!
Bawat litrato ay may kwento o kasiyahan sa likod ng mga ito. Kaya lagi nating ingatan at pangalaagaan ang mga litratong mayroon tayo!🤗
✍️Caption by: Ashley Mae Brioso and Jessica C Parado
Edited pubmat by: Rick Jhon Victa
03/09/2025
UY❗❗❗📢
Malapit na raw ang panulukang-bato ng Pugad Lawin High School ah⁉️👀
“PANUKULANG-BATO??? ”😜
Grabe naman sa lalim! Ano nga ba ang ibig sabihin ng "panulukang-bato?"
Arat na at samahan mo ang Filipino Club na palalalimin pa ang iyong kaalaman sa ating sariling wika! 😚
📷 & Caption : Zhyra Jalandoon
Trivia by️: Ashley Brioso
17/08/2025
Hep, hep, hep!!!️🖐️🚥
Nahihirapan ka ba sa mga malalalim na salita sa Wikang Filipino? Huwag kang magalala dahil nandirito ang Tanglaw-Wika upang samahan kayo't magbukas sa bagong pinto ng kaalaman!💕
Hindi mawawala jaan ang trivia! Hatid ng Tanglaw-Wika para sainyong lahat!✨
At syempre, huwag ninyong kalimutang sagutin ang aming katanungan na,“Kailan nga ba nagaganap ang araw ng ‘alpas’ dito sa ating bansang Pilipinas?”
Pubmat & Caption: Zhyra Jalandoon
Trivia by: Ashley Brioso
16/08/2025
Kabataang Pilipino, punong-puno ng talento!🇵🇭
Tunay nga ang kataga ni Jose Rizal; “Kabataan ang Pagasa ng Bayan.”
Nitong Biyernes, Agosto 15, 2025, naganap sa Pugad Lawin High School ang paligsahan ng BidyoKasiya sa Filipino kasama ang iba't ibang kinatawan ng lahat ng paaralan sa Distrito Uno.
Ang paligsahan na ito'y sumisimbolo sa walang hangganang talento ng mga kabataang Pinoy sa kahit anong sulok man ng bansa—kaya naman sa ngalan ng mga opisyales ng Filipino Club, o ang Tanglaw-Wika, lubos naming pinasasalamatan at taus-pusong pinagmamalaki ang lahat ng bisitang dumalo, lalong-lalo na sa mga kandidato.
Muli, pagbati sa lahat ng mga kandidatong nagpakita ng kanilang natatanging mga talento!✨
📸: Emerald Orapa
Pubmat & Caption: Zhyra Jalandoon
06/08/2025
🇵🇭📚Sa isang makulay at matagumpay na pagbubukas ng Pagdiriwang sa Buwan ng Wika, at ang opisyal na pagpasok ng Tanglaw-Wika ay kasabay naman nito ang pagpasok ng ating mga opisyales na may dangal at pagmamahal sa bandera ng Pilipinas.🌈
Pinapangunahan ito ng ating Puno ng Kagawaran sa Filipino na si Gng. Fuentes, at ang tagapagpayo na si Bb. Castillo, na buong puso ipinaglalaban at ipinalalaganap ang pagmamahal sa mga wika ng Pilipinas.✨
Simula sa Presidente hanggang sa Tagapamahala, ang lahat ng mga opisyales ay kasabay ninyo na magpapaunlad pa ng ating wikang Filipino para sa ating pagkakaisa, gamit ang kanilang galing at katalinuhan.
Pinagtagpo-tagpo ang lahat ng mga taong ito para sa iisang layunin—ang maglingkod ng may dignidad, kasabay ang pagtaas ng bandera ng Pilipinas, at syempre, handang handa naman sila na humarap sa isang makabuluhang paglalakbay at isakatuparan ang layunin ng Tanglaw-Wika.✨🌟
Muli—Maligayang Buwan ng Wika, Lawinians!🇵🇭
Pubmat & Caption: Zhyra Jalandoon
06/08/2025
🇵🇭BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2025🇵🇭
Sa araw ng Agosto 04, 2025—opisyal na binuksan ang Pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa paaralang Pugad Lawin High school.
Malugod at taos pusong nakikiisa sa Buwan ng Wika ang Pugad Lawin High School, kasama ang ating mga opisyal sa club ng Filipino, ang Tanglaw-Wika.
Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakisaya sa ating matagumpay na pagbubukas ng Buwan ng Wikang mayroong temang“Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa pagkakaisa ng Bansa.🌟
Caption by: Zhyra Jalandoon
📷: Emerald Orapa