Klub ESP - CMHS - Canalate

  • Home
  • Klub ESP - CMHS - Canalate

Klub ESP - CMHS - Canalate Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Klub ESP - CMHS - Canalate, School, Alejandra, Subdivision, Canalate, .

Araw ng Kagitingan 🇵🇭 (April 9, 2026 Huwebes)Sa Araw ng Kagitingan, ipinagdiriwang natin ang katapangan at sakripisyo ng...
08/04/2026

Araw ng Kagitingan 🇵🇭
(April 9, 2026 Huwebes)

Sa Araw ng Kagitingan, ipinagdiriwang natin ang katapangan at sakripisyo ng mga Pilipinong nagtanggol sa ating bansa. Pagpugay sa kanila.

-Isang araw upang gunitain ang kabayanihan ng ating mga ninuno at sundalong nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan. Patuloy nating isabuhay ang kanilang ipinaglaban. Ang Araw ng Kagitingan ay paalala ng lakas at pagkakaisa ng mga Pilipino sa harap ng pagsubok. Inspirasyon sila sa ating lahat.

Sa bawat hamon, alalahanin natin ang tapang at determinasyon ng ating mga bayani. Ang kanilang kagitingan ay gabay sa atin. Mula noon hanggang ngayon, ang diwa ng kagitingan ay nananalaytay sa bawat Pilipino. Ipagpatuloy natin ang kanilang laban para sa isang mas mabuting kinabukasan.❤️💛💙🤍

Pagpupugay sa mga bayani.

Alay sa ating mga magigiting na sundalo at bayani.

Hindi malilimutan ang inyong sakripisyo.

Bayanihan at Kagitingan, tatak Pilipino.

Para sa kalayaan, buhay ay inalay.🇵🇭💗🌟









Linggo ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon Hesus (Eastern Sunday)Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang pinakadakilang tag...
04/04/2026

Linggo ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon Hesus

(Eastern Sunday)

Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang pinakadakilang tagumpay: Ang muling pagkabuhay ng ating Panginoon. Siya ay nagtagumpay sa kamatayan upang bigyan tayo ng bagong pag-asa at buhay. Nawa’y maging buhay din sa ating mga puso ang liwanag at pag-ibig na dala ng Kanyang pagkabuhay.

Ang pagkabuhay ng Diyos ay patunay na walang imposible sa Kanya at na ang pag-ibig ay laging nagwawagi. Pagkatapos ng dilim at lungkot, narito ang liwanag at kagalakan.🤍










SABADO DE GLORIA April 4, 2026 Araw ng SABADO Ngayong Sabado de Gloria, ating alalahanin ang dakilang pag-ibig ng Pangin...
04/04/2026

SABADO DE GLORIA

April 4, 2026 Araw ng SABADO

Ngayong Sabado de Gloria, ating alalahanin ang dakilang pag-ibig ng Panginoon. Siya ay nagpakasakit at nag-alay ng Kanyang buhay upang matubos tayo sa ating mga kasalanan. Sa gitna ng katahimikan, nawa’y maging puno ng pasasalamat ang ating mga puso sa Kanyang walang kapantay na sakripisyo.🖤







Happy birthday  Cassandra G. PunzalanApril 4, 2026Araw ng SabadoMaligayang kaarawan,  Sa mahal na Pangulo ng SSLG. Taos-...
03/04/2026

Happy birthday
Cassandra G. Punzalan
April 4, 2026
Araw ng Sabado

Maligayang kaarawan, Sa mahal na Pangulo ng SSLG. Taos-puso akong bumabati sa iyong espesyal na araw. Salamat sa iyong tapat na pamumuno at dedikasyon sa paglilingkod sa ating mga kapwa mag-aaral. Hiling ko na patuloy kang pagkalooban ng kalusugan, karunungan, at lakas para sa iyong mga adhikain. Muli, maligayang kaarawan at maraming salamat sa iyong serbisyo.🎉🌟💐💗🎂🎀🎊🎁🥳

CMHS-CANALATE 💗

Pagbati Mula Kay.
Pangulo ng BKD, KlubESP at mga opisyales💗

Ngayong Marso, buong pusong ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Kababaihan. Isang pagkakataon para yakapin at ipagmalaki a...
03/03/2026

Ngayong Marso, buong pusong ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Kababaihan. Isang pagkakataon para yakapin at ipagmalaki ang walang katapusang kontribusyon ng mga babae sa ating bayan at sa buong mundo. Mula sa mga ina at lola na nagtatanim ng mga halaga sa ating mga puso, hanggang sa mga g**o na nagbubukas ng mga pintuan ng karunungan,mula sa mga manggagawa at negosyante na nagbubuhos ng pawis para sa kinabukasan ng kanilang pamilya, hanggang sa mga lider at makabagong isip na bumabasag ng mga hadlang at nagtatayo ng mas pantay na lipunan.🌸🌹🪻

Hindi lamang sila mga tagapag-alaga, kundi mga tagapagbago,mga boses na nagsasalita para sa mga walang boses, mga kamay na nagtatayo ng mga komunidad, at mga pusong puno ng lakas na hindi sumusuko kahit sa kabila ng mga hamon. Ang kanilang lakas ay hindi lamang pisikal kundi espiritwal.Umaabot sila sa mga dako na dati nang hindi inaakala, nagbubukas ng mga landas para sa susunod na henerasyon ng mga batang babae na nangangarap na makamit ang anumang bagay na kanilang pinapangarap.🇵🇭💗💜

Isang malakas na pagbati sa lahat ng babae,noon, ngayon, at sa hinaharap! Kayong lahat ay dakila, kayo ay mahalaga, at kayo ang pundasyon ng ating pag-asa bilang isang bansa. 🇵🇭💜🌟🩷🤍


🏆🥇KAMPEON SA SABAYANG PAGBIGKASUna ang pasasalamat sa Diyos 💗🌟  Hindi lamang salita ang aming ibinahagi kundi ang puso a...
28/02/2026

🏆🥇KAMPEON SA SABAYANG PAGBIGKAS
Una ang pasasalamat sa Diyos 💗🌟

Hindi lamang salita ang aming ibinahagi kundi ang puso at damdamin ng buong pangkat Matagumpay na nakuha namin ang PINAKAMATAAS NA PARANGAL sa patimpalak na Sabayang Pagbigkas 🥇 🏆 Iskulimpiks

Isang malaking pasasalamat sa aming g**o at tagapag ensayo na tumulong sa amin sa bawat hakbang, sa aming mga magulang na sumusuporta, at sa bawat kasapi ng pangkat na nagbigay ng lahat para sa tagumpay na ito👏

"Ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahal sa Bayan ay hindi matutumbasan ng anumang premyo!" 🏆🇵🇭

Pagmamahal sa Diyos sa Sining at sa bayan CMHS-Canalate Handa ng lumaban 🤍 💜

Galing ng Canalate
galing ng Canalate 🌟

CMHS-CANALATE
TINIG NG MANGGAGAWANG PILIPINO
TINIG NG MAGSASAKANG PILIPINO 💗

Pagbati Mula sa Pangulo.
Reymart Santos Liwanag at mga opisyales

happy Valentine's day pick up lines 💗❤️🌟💐💌💋
13/02/2026

happy Valentine's day
pick up lines
💗❤️🌟💐💌💋

Maligayang Buwan ng PusoHappy Valentine's day DEDICATION BOOTH "Isulat mo, ibigay mo, iparamdam mo ang damdamin!  Dito m...
13/02/2026

Maligayang Buwan ng Puso
Happy Valentine's day

DEDICATION BOOTH

"Isulat mo, ibigay mo, iparamdam mo ang damdamin! Dito mo maibibigay ang mensahe na matagal mong gustong sabihin para sa mahal mo sa buhay, kaibigan, o kahit para sa sarili mo. Bumisita na at ipadama ang pagmamahal!"

KARAOKE BOOTH

"Birit na! 🎤 Walang judge, walang pressure dito mo maipapakita ang boses mong pampasilaw! Kantahan ang mga paboritong kanta, makisaya kasama ang barkada, at gawing mas masaya ang araw mo sa aming Karaoke Booth!"

ACCESSORIES BOOTH

"Bihisan ang 'fit, pampalakas ng mood! Mga bagong accessories para gawing espesyal ang bawat hitsura –mula sa bracelets, earrings, hanggang sa mga trendy na hair accessories. Hanapin ang perpektong dagdag-pogi o dagdag-ganda dito!"

UKAY-UKAY BOOTH

"Mura na, uso pa! 👗 Hanapin ang mga hidden gems sa aming Ukay-Ukay Booth – mula sa damit, Magtipid habang nag-e-enjoy sa paghahanap ng mga dekalidad na gamit na perpekto para sa'yo!"

Magandang araw sa ating lahat! Ang Pebrero ay hindi lamang tungkol sa mga rosas, tsokolate, at mga kard na may mensahe –...
13/02/2026

Magandang araw sa ating lahat!

Ang Pebrero ay hindi lamang tungkol sa mga rosas, tsokolate, at mga kard na may mensahe – ito ay isang pagkakataon para ipakita natin ang ating pagmamahal at pagpapahalaga sa mga taong mahalaga sa ating buhay. Mula sa ating pamilya, kaibigan, hanggang sa mga taong nakakasalamuha natin araw-araw, bawat isa ay karapat-dapat ng mainit at tapat na pagmamahal.

Sa pagdaraos natin ng ating programa ngayong araw, hinihikayat ko kayong yakapin ang diwa ng Buwan ng Puso. Maging handa tayong magbigay ng ngiti, mag-alay ng tulong, at ipahayag ang ating damdamin sa paraang totoo at makabuluhan. Ang pag-ibig ay hindi kailangang mamahalin – maaari itong ipakita sa simpleng paraan tulad ng pagtulong sa gawaing bahay, pagbati ng maayos, o pagiging maunawain sa kapwa.

Sabay-sabay nating gawing makabuluhan ang buwang ito. Hayaan nating maging liwanag tayo ng pag-ibig sa ating tahanan, paaralan, trabaho, at komunidad!

Maraming salamat at maligayang Buwan ng Puso sa ating lahat!
🩷🤍💜💙💚❤️🌟🎉💐🤎🖤🤍🩶💗❤️‍🩹💋💌

Unang una Maraming Salamat sa Diyos 💐🌟💗💕🩷Congratulations DISTRITO  SAMPO 10!🌟🎉😊💜🤍💙❤️2nd place 🏆 CMHS-Canalate Showdown D...
24/01/2026

Unang una Maraming Salamat sa Diyos
💐🌟💗💕🩷

Congratulations DISTRITO SAMPO 10!
🌟🎉😊💜🤍💙❤️

2nd place 🏆 CMHS-Canalate Showdown Dulansangan 2026

Small but terrible high school in MALOLOS


-CANALATE
NG MALOLOS
FIESTA REPUBLIKA
2026
A MALOLOS
MALOLEÑA
# EDUKASYON AT KALAYAAN PAMANA NG TINIG NG KABABAIHAN NG MALOLOS

Thank you Lord 💗Hakot Arawd CMHS-Canalate Congratulation DepEd Tayo Cmhs Canalate2nd place parada ng Karosa 🏆 Most creat...
24/01/2026

Thank you Lord 💗

Hakot Arawd CMHS-Canalate

Congratulation DepEd Tayo Cmhs Canalate
2nd place parada ng Karosa
🏆 Most creative delegates
🏆 Best in music
🏆 First place Tour Guiding
2nd place Showdown Dulangsangan 2026

Hinabing Kasaysayan Costume Design Competition (DepEd Category)
3rd🥉 Place
Traje de Mestiza

Congratulations sa ating lahat CMHSIAN
🌟🎉😊

Naipakita,Ipinamalas ang galing ng Canalate

Pagmamahal sa Diyos sa Sining at sa bayan CMHS-Canalate Handa ng lumaban 🖤🤍 💜

Galing ng Canalate galing sa Canalate 🌟 💗

Ang Paaralan na walang inaattrasan laban lang the small but terrible high in Malolos

Maraming Salamat po una po sa ating Diyos at sa lahat ng sumoporta Mula noong Unang Araw ng aming pag eensayo salamat po sa mga magulang, g**o , SPTA, choreograper at sa mga nagbigay Donasyon sa pagkain at sa iba pa maraming salamat po sa inyo

From BKD club and KLUBESP 🖤🤍💜🎉

Distrito 10 🌟🖤🤍💜

Ang bawat paghinga ay paninindigan.Ang bawat tingin ay paggiit sa harap ng kapangyarihan.Hindi sila umaatras; sila’y nag...
22/01/2026

Ang bawat paghinga ay paninindigan.
Ang bawat tingin ay paggiit sa harap ng kapangyarihan.
Hindi sila umaatras; sila’y naghahanda.

Sa katahimikan, sila’y tumindig!
Hinarap ang pagbabawal!
Tinanggi ang pananakot!
Hindi humingi ng pahintulot!

Edukasyon—kanilang sandata!
Tapang—kanilang karapatan!
Pagtindig—kanilang pamana!

Hindi palamuti ng kasaysayan!
Kundi puwersang humahamon sa kapangyarihan!

SA HARAP NG KAPANGYARIHAN: Ang Pagharap ng Magkakapatid na Tiongson Laban kay Fray Agustin Fernandez.

Dulansangan 2026
District 10 City of Malolos High School - Canalate

Magtatanghal. Magmumulat. Magpapalaya








💜💜💜🤍🖤💜💜💜

Address

Alejandra, Subdivision, Canalate

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Klub ESP - CMHS - Canalate posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Klub ESP - CMHS - Canalate:

Shortcuts

  • Want your school to be the top-listed School/college?

Share