08/06/2025
Mapagpalang araw po sa ating lahat!
Inaanyayahan po namin kayo na makiisa at makibahagi sa Brigada Eskwela 2025 ng Mabuga Elementary School na gaganapin mula Hunyo 9 hanggang Hunyo 13, 2025, bilang paghahanda sa opisyal na pagbubukas ng taong panuruan 2025–2026.
Magsisimula po tayo sa isang masayang caravan sa unang araw, Hunyo 9, ganap na alas-7 ng umaga. Inaanyayahan ang lahat mga magulang, g**o, mag-aaral, alumni, at katuwang sa komunidad na makiisa sa makabuluhang gawaing ito ng bayanihan para sa ating paaralan.
Bayanihan para sa Matatag na Paaralan!
Sama-sama nating ihanda ang ligtas, maayos, at masayang balik-eskwela para sa ating mga kabataan.
📅 Hunyo 9–13, 2025
📍 Mabuga Elementary School
🕖 Caravan: Hunyo 9, 7:00 AM