17/11/2025
Presenting the performance of
DepEd Tayo Angel L. Bawalan Elementary School- General Trias City STUDENTS✨
para sa WELLNESS CAMPUS HATAW SAYAW YEAR 3✨
Ang pagsayaw ng ating mga elementary students ay hindi lang basta libangan—ito ay pagdiriwang ng kalusugan, sigla, at kanilang patuloy na paglago. Sa pamamagitan ng sayaw, natututo silang ipahayag ang sarili, magkaroon ng tiwala, at mag-develop ng mga healthy habits na makakatulong sa kanilang kabuuang wellness. Bawat hakbang ay nagpapalakas ng katawan, bawat indak ay nagpapatalas ng isip, at bawat galaw ay tumutulong labanan ang stress sa masaya at malikhaing paraan.
Hindi lang sila nagiging magaling na mananayaw—nagiging mas mahusay din silang mag-aaral. Ang pagsayaw ay nakakatulong sa mas matatag na konsentrasyon, mas mahusay na memorya, teamwork, at disiplina, habang pinananatiling masigla at masaya ang kanilang puso.
Taos-pusong Pasasalamat sa ating School Head III Ma'am Mylyn R. Joya para sa walang sawang suporta,
sa mga teachers-in-charge Sir Jeff Santiago at Ma'am marivic na naglaan ng oras at gabay,
sa mga magulang na laging nariyan upang umalalay, at sa buong team na tumulong upang maging posible at napakaganda ang resulta ng sayaw na ito.
Sir William & Ms. Mae of William Ray Photography Services para sa pag shoot Ng video Kasama ang kaniyang mga videographers.
Ms. Grace Godienes ang ating Assistant Choreographer
At higit sa lahat, isang malaking salamat sa ating mga bata na buong sigla, tapang, at saya na nag-participate. Kayo ang tunay na bituin ng araw na ito. 💛🌟💃🕺
Ako po Kasama ng BUONG SPTA School Parent - Teacher Association ALBES S.Y 2024- 2025 ay nagpapasalamat sa inyong LAHAT, HANGGANG sa susunod na taon.💝