๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐'
Sinabi ni Allah,
(( ููู
ููู ููุนูุธููู
ู ุญูุฑูู
ูุงุชู ุงูููููู ูููููู ุฎูููุฑู ูููู ุนูููุฏู ุฑูุจูููู ))
โAt sinuman ang pahalagahan niya ang mga sagradong kautusan ni Allah ay yaon ang higit na makakabuti sa kanya sa paningin ni Allahโฆโ [Surah Al-Hajj:30].
Kaya naman, nararapat sa bawat Muslim na nananampalataya kay Allah at sa Araw ng Paghuhukom na matutunan, makilala, at pahalagahan ang mga mahahalagang araw sa Islam. Ang buwan ng Muharram at ang araw ng Ashuraโ ay kabilang sa mga ito na nabanggit sa Qur-an at sa Hadith.
๐ Ang Buwan ng Muharram
Ang buwan ng Muharram ang unang buwan sa kalendaryong Islamiko (na tinatawag ding Hijrah calendar) na binubuo ng labindalawang buwan. Ito ay hango sa salitang haram na ang ibig-sabihin ay sagrado.
โKatotohanan ang bilang ng buwan kay Allah ay labindalawang buwan sa talaan ni Allah simula sa araw na nilalang Niya ang mga kalangitan at kalupaan, at dito ay apat ang sagrado (Dhul Qaโdah, Dhul Hijjah, Muharram, at Rajab). Ito ang tamang pananampalataya (deen), kung kaya huwag gumawa ng mga kasamaan sa panahong yaonโฆโ [Surah At-Tawbah:36]
Malinaw sa nabanggit na ayah mula sa Qur-an ang pagiging kabilang nito sa mga sagradong buwan at ito ay ayon na rin sa hadith na nabanggit ng Propeta Muhammad (sallallahu alayhi wa sallam). Dito ay binigyang diin ng Dakilang Allah ang pagbabawal sa atin ng paggawa ng anumang masama. At noong una ay ipinagbabawal ni Allah ang pakikipaglaban sa mga sagradong buwan na ito.
Maliban sa pagiging sagrado ng buwan ng Muharram ay nabanggit din ng Propeta Muhammad (sallallahu alayhi wa sallam) na ito ay tinaguriang โshahrullahโ o buwan ni Allah. At ang pagiging shahrullah nito ay tanda lamang ng kadakilaan nito at kahalagahan.
Gayundin ay nasabi ng ating mahal na Propeta (sallallahu alayhi wa sallam), โAng pinakamainam na pag-aayuno pagkatapos ng Ramadhan ay sa MuharramโฆโKaya naman, mainam na magparami ng pag-aayuno sa buwan ng Muharram lalo na tuwing Lunes at Huwebes; at sa Al-Ayyamul Bidh na ika-13, 14, at 15; at mag-ayuno rin sa ibang mga araw nito.
At katunayan ay kanais-nais at sunnah na mag-ayuno sa buong buwan ng Muharram.
๐ Ang Araw ng Ashura'
Ang ibig-sabihin ng Ashuraโ ay ang ikasampung araw ng Muharram sa bawat taon. Ang katagang Ashura ay galing sa salitang asharah sa wikang Arabe na ang ibig-sabihin ay sampu. Sa araw na ito ng Ashuraโ ay sunnah sa mga Muslim na mag-ayuno.
Si Abu Qatada ay nagsalaysay: โAng Sugo ni Allah (sallallahu alayhi wa sallam) ay tinanong tungkol sa pag-aayuno sa ikasampung araw ng Muharram, at siya ay sumagot, โPatatawarin ang kasalanan sa nakaraang taon.โ [Iniulat ni Muslim]
Isa mga dahilan nito ay bilang pasasalamat kay Allah dahil sa araw na ito iniligtas ni Allah ang angkan ng Israel na nasyon ni Musa (alayhis salam) mula sa bagsik ng pang-aapi ni Firโawn. At tayo bilang mga Muslim ay mas karapat-dapat na mag-ayuno rito kaysa sa mga Hudyo.
May limang paraan para mag-ayuno rito:
1. Maaaring mag-ayuno sa ikasiyam at ikasampu ng Muharram.
2. Maaaring mag-ayuno sa ikasampu at ikalabing-isa ng Muharram.
3. Maaaring mag-ayuno sa ikasiyam, ikasampu at ikalabing-isa nito.
4. Maaaring sa ikasiyam at ikalabing-isa nito.
5. Maaari ring sa ikasampu lamang.
Kung alin ang pinakamainam sa lima, ayon sa ibang mga ulama ay yaong naunang paraan. At si Allah ang higit na nakakaalam.
Naiulat din na noong hindi pa obligado ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan ay obligado ang pag-aayuno sa araw ng Ashuraโ hanggang sa ipag-utos ni Allah at maging wajib ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan ay naging sunnah na lamang ang pag-aayuno sa araw ng Ashuraโ.
๐ Ilang mga Paalala
Bawal sa Islam na ipagdiwang ang pagpa*ok ng bagong taon. At bawal din pati ang pagbati para rito katulad ng โHappy Amun Jadidโ o anumang kahawig nito. Ito, kailanman ay hindi ginawa ng Propeta Muhammad (sallallahu alayhi wa sallam) o ni isa man sa kanyang mga Sahabah.
Isa sa mga gawain ng Shiah sa araw ng Ashuraโ ay ang pagdadalamhati. Dahil nataon sa araw na ito namatay si Husayn (radiyallahu anhu) na apo ng Propeta Muhammad (sallallahu alayhi wa sallam). Ang gawain nilang ito ay kasuklam-suklam at hindi kailanman bahagi ng Islam. Kung saan sa pagdadalamhati nilang ito maliban pa sa matinding pag-iyak ay kanilang sinasaktan ang kanilang mga sarili.
Ang Propeta (sallallahu alayhi wa sallam) ay nagsabi, โSinuman ang sampalin ang kanyang pisngi, punitin ang kanyang damit at gayahin ang gawain at kaugalian ng panahon ng kamangmangan ay hindi nabibilang sa atin.โ [Bukhari at Muslim]
Tandaan natin na sa araw ng Ashuraโ ay walang mga espesyal na gawain o selebrasyon maliban lamang sa sunnah na pag-aayuno.
Hindi masama na itaon natin sa buwan ng Muharram ang pagbibigay ng taunang Zakah. Ang iba ay ganito ang kanilang ginagawa dahil sa madali nila itong matandaan. Wala rin namang masama kung sa ibang buwan ito ibigay bastaโt umabot sa takdang panahon nito na isang taon.
Ang ilan sa mga nauna sa atin ay kanilang pinahahalagahan ang tatlong tig-sasampung araw na ito sa loob ng isang taon: huling sampung araw ng Ramadhan, unang sampung araw ng Dhul Hijjah, at ang unang sampung araw ng Muharram. Kaya naman ang pinakamainam na bahagi ng buwan ng Muharram ay ang unang sampung araw nito at mas malaki ang gantimpala ng boluntaryong pag-aayuno rito kumpara sa huli pang dalawang tigsasampung araw nito. Iyon nga ay dahil sa napapaloob dito ang araw ng Ashuraโ.
Nawaโy ibilang tayo ni Allah sa mga taong magaling mag-ayuno. Ameen.
Mahad Bustanul Himam AlIslamie
Brgy. Ambolong, Marawi City. Toril | Halqah | Madrasah | Seminars | Da'wah | Review Center | Online | Translation
MGA DUA SA MAGKAKAIBANG PANAHON
1. Dua kapag uulan o umuulan.
ALLAHUMMA SAYYIBAN NAFI'AN
ุงูููู
ุตูุจุง ูุงูุนุง
"Ya Allah gawin Mong kapaki-pakinabang na ulan."
2. Dua kapag malakas ang hangin o may bagyo.
ALLAHUMMA INNI AS-ALUKA MIN KHAYRI MA URSILAT BIHI WA A'UDHUBIKA MIN SHARRI MA URSILAT BIHI
ุงูููู
ุฅูู ุฃุณุฃูู ู
ู ุฎูุฑ ู
ุง ุฃุฑุณูุช ุจู ูุฃุนูุฐ ุจู ู
ู ุดุฑ ู
ุง ุฃุฑุณูุช ุจู
"Ya Allah hinihiling ko sa Iyo ang anumang kabutihang dala nito at nagpapakupkop ako sa Iyo mula sa anumang kasamaang hatid nito."
3. Dua kapag kumukulog (at kumukidlat):
SUBHANAL LADHI YUSABBIHUR RA'DU BIHAMDIHI WAL MALAIKATU MIN KHIFATIHI
ุณุจุญุงู ุงูุฐู ูุณุจุญ ุงูุฑุนุฏ ุจุญู
ุฏู ูุงูู
ูุงุฆูุฉ ู
ู ุฎููุชู
4. Dua kapag binabaha na dahil sa tindi ng ulan:
ALLAHUMMA HAWALAYNA WA LA 'ALAYNA
ุงูููู
ุญูุงูููุง ููุง ุนูููุง
"Ya Allah sa gilid namin (mga bundok, gubat, dagat, lawa, disyerto, malawak na bakanteng mga lupain) at huwag sa amin."
5. Dua pagkatapos ng ulan:
MUTIRNA BI FADLILLAHI WA RAHMATIHI
ู
ุทุฑูุง ุจูุถู ุงููู ูุฑุญู
ุชู
"Umulan dahil sa biyaya ng Allah at habag Niya."
6. Dua kapag tagtuyot at hihiling ng ulan:
ุงููููููู
ูู ุงุณูููููุง ุบูููุซุงู ู
ูุบููุซุงู ู
ูุฑููุฆุงู ู
ูุฑููุนุงูุ ููุงููุนุงู ุบูููุฑู ุถูุงุฑููุ ุนูุงุฌููุงู ุบูููุฑู ุขุฌููู
ุงููููููู
ูู ุฃูุบูุซูููุงุ ุงููููููู
ูู ุฃูุบูุซูููุงุ ุงููููููู
ูู ุฃูุบูุซูููุง
ุงููููููู
ูู ุงุณููู ุนูุจูุงุฏูููุ ููุจูููุงุฆูู
ูููุ ููุงููุดูุฑู ุฑูุญูู
ูุชูููุ ููุฃูุญูููู ุจูููุฏููู ุงููู
ููููุชู
O kaya ay magsalah ng Salatu Listisqa' kasama ang jama'ah.
7. Kapag lumilindol o anumang kalamidad katulad ng pagsabog ng bulkan, bagyo, tagtuyot na hindi umuulan, atbp.:
Paramihin ang pag-istighfar katulad ng pagbigkas sa ASTAGHFIRULLAH at iba pang mga katulad nito.
8. Kapag nakakita ng bahaghari (rainbow) o anumang nakabibighaning nilikha katulad ng shooting star at iba pa.
SUBHANALLAH o kaya ay MASHA ALLAH o kaya ay:
ุฑูุจููููุง ู
ูุง ุฎูููููุชู ูููฐุฐูุง ุจูุงุทูููุง ุณูุจูุญูุงูููู ููููููุง ุนูุฐูุงุจู ุงููููุงุฑู
9. Kapag tumilaok ang manok sa madaling araw ay manalangin kay Allah.
10. Kapag umaalulong ang a*o o a**o sa gabi ay magpakupkop kay Allah laban sa shaytan o masama.
11. Kapag nakita ang bagong buwan (new moon/hilal).
ALLAHUMMA AHLILHU 'ALAYNA BIL YUMNI WAL IMAN WAS SALAMATI WAL ISLAM. RABBI WA RABBUKALLAH.
ุงูููููู
ูู ุฃูููููู ุนููููุง ุจุงูููู
ูู ูุงูุฅูู
ุงูู ูุงูุณูููุงู
ูุฉู ูุงูุฅุณูุงู
ู ุฑุจููู ูุฑุจูููู ุงูููููู
12. Kapag may eclipse (solar man o lunar) ay magsalah ng Salatul Khusuf (Kusuf). Paramihin din ang pagtakbir, pag-dua, at pagsasadaqah.
06/06/2026
The winners of 4th Musabaqatul HAQQ.
Waffaqahumullah.
03/06/2026
Mubarak sa ating lahat. Alhamdulillah. Alhamdulillah.
done โ
done โ
done โ
done โ
done โ
done โ
done โ
done โ
Alhamdulillah.
02/06/2026
Narito po ang official result na ating 4th Online Musabaqatul HAQQ
Champion: Marjana H.Ihsan H.Rahem
1st Runner-up: Jocelyn Fatimah B. Arceno
2nd Runner-up: Rahana M. Jamel
3rd Runner-up: Sitee Ayna M. Banto
4th Runner-up: Nor-aleyah Landua Hyasser
5th Runner-up: Asnidah Abdul Jalal
Mubarak!
Insha Allah ino-notify po kayo ni Muhammad Macaraya Bani para sa inyong simpleng premyo. Alhamdulillah.
Sa mga finalists ng ating 4th Online Musabaqatul HAQQ ay mag-pm kay Muhammad Macaraya Bani para sa questions. Waffaqanallah.
Out of 226 na sumagot sa ating 4th Online Musabaqatul HAQQ, ang mga pa*ok po sa final round ay ang mga sumusunod (not in order):
1. Jocelyn Fatimah B. Arceno
2. Sitee Ayna M. Banto
3. Rahana M. Jamel
4. Nor-aleyah Landua Hyasser
5. Marjana H. Ihsan H.Rahem
6. Asnida Abdul Jalal
Ang final round ay mamayang gabi after Isha insha Allah. Abangan lang po ulit ang ating post. Mubarak!
Sa mga contestants po ng Musabaqatul HAQQ online ay mag-pm kay Muhammad Macaraya Bani upang makuha ang questions. Until 10pm only. Waffaqanallah.
Reminder.
Bukas na po June 1, 9pm ang elimination round ng Online Musabaqatul HAQQ. Abangan lang dito sa page ang post insha Allah.
Sa mga nagregister ay i-like and follow at i-favorite nyo ang page na ito para makatanggap ng notification.
Waffaqanallah.
30/05/2026
Call for Sadaqah. Jazakumullahu khayran.