07/06/2026
SNISeans, handa na ba kayong muling sumabak sa isang panibagong taon ng pagkatuto?
Ngayong Hunyo 8, inaanyayahan namin kayong maging bahagi ng isang makabuluhang paglalakbay tungo sa mas mataas na kaalaman, mas malawak na oportunidad, at mas matatag na kinabukasan. Tama na—sa pagpupuyat gabi-gabi,sa panonood ng K-Dramas,paglalaro ng online games,at pagbabasa ng Wattpad. No more “Sana All may pasok na” at “Bagot na'ko sa bahay,gusto ko na mag aral” dahil ngayon totoo na,hindi na'to AI may pasok na nga. Ang bawat araw sa paaralan ay pagkakataong matuto, lumago, at mas mapalapit sa inyong mga pangarap.
Huwag hayaang lumipas ang pagkakataong mapagyaman ang inyong talento at kakayahan. Sa loob ng silid-aralan, mabubuo ang—hindi ang feelings sa kaklase or sa cute na transferee kundi ang mga kasanayang kakailanganin ninyo sa hinaharap habang ang bawat aralin at karanasan ay magiging pundasyon ng inyong tagumpay. Sa pamamagitan ng sipag, disiplina, at determinasyon, walang pangarap na hindi maaabot.
Kaya't ihanda na ang inyong mga gamit, dalhin ang inyong sigasig, at samahan kami sa pagsisimula ng isang masaya at produktibong taong panuruan. Sama-sama nating patunayan na ang edukasyon ang pinakamabisang susi sa tagumpay.
Tara na, SNISeans—bumalik sa paaralan, matuto nang may layunin, at magtagumpay nang may dangal! 🎓💙💛
🎨 SHARMANE KYLE BERDIN - SSLG PRESIDENT
✍️ ARIZHA KAYE DELA TORRE - SSLG VICE PRESIDENT