31/01/2026
UPDATE | SPTA Project: 2nd Bayanihan Gift-Giving 2025
Para sa mga Batang Rizalian
In partnership with: Mathematics Club & Rubik’s Cube Club
📅 December 16, 2025 | ⏰ 10:00 AM | 📍 JRHS School Grounds
Matagumpay na naisagawa ang 2nd Bayanihan Gift-Giving 2025 ng School Parents and Teachers Association (SPTA) para sa ating mga Batang Rizalian. Ang programa ay napuno ng saya at diwa ng bayanihan, tampok ang masiglang opening program, intermission numbers mula sa Mathematics Club at Rubik’s Cube Club officers, mga palaro, raffle draw, at ang pamamahagi ng mga regalo sa piling mga mag-aaral—na sinundan ng salo-salo (meal time).
Taos-puso ang aming pasasalamat sa ating mahal na school administrators, Ma’am Ruby Urquiola de Jesus at Ma’am Flor Domingo Battad, sa kanilang patuloy na suporta at inspirasyon. Lubos din naming pinasasalamatan ang ating dedikadong g**o, mapagkalingang mga magulang, at higit sa lahat, ang ating mga mag-aaral na siyang sentro ng aktibidad na ito.
Malaking pasasalamat din sa Mathematics Club at Rubik’s Cube Club sa kanilang aktibong pakikibahagi at magandang kolaborasyon, gayundin sa lahat ng sponsors na nagpaabot ng tulong at biyaya. Sa aking mga kapwa opisyal ng SPTA at HRPTA, saludo po sa inyong lahat—ang inyong oras, pagod, at malasakit ang nagbigay-buhay sa proyektong ito.
Ang aktibidad na ito ay paalala ng tunay na diwa ng Pasko—pagmamahal, pagbabahagi, pagkakaisa, at bayanihan. Ang simpleng mga regalo ay naging simbolo ng pag-asa, saya, at malasakit para sa bawat bata.
Para sa ating mga mag-aaral: ito ay para sa inyo—nawa’y magsilbing inspirasyon ang mga ngiti at alaala ng araw na ito upang patuloy ninyong ibigay ang inyong pinakamahusay, alam na laging nandito ang inyong school community para sa inyo.
“No act of kindness, no matter how small, is ever wasted.”
Maraming salamat po sa lahat, at Maligayang Pasko!