03/04/2026
Day - 03
Vacation mode on.. 👍😁💯
Looking for players 2, 3, 4, 5 and 6.. Tara na..!!
Hello everyone, If you are Interested in my life so it is your chance to know me better. 100% true s
03/04/2026
Day - 03
Vacation mode on.. 👍😁💯
Looking for players 2, 3, 4, 5 and 6.. Tara na..!!
Student: Sir RMV may collections po ba kayo ng laruan?
Sir RMV: Oo naman kaso konti lang. 😉
21/03/2026
Congratulations sa Starbucks mo. Enjoy. 😁👍💯
Carlos Obando
9 - Lambert S.Y. 2025-2026
Long post ahead.
S.Y. 2025-2026
First of all i want to say thank you kasi almost done na ang school year na ito. Konting paper works na lang and pwede na magbakasyon at magpahinga. 😁
Pero ganoon pa man magbalik tanaw muna tayo sa school year na ito. 1st Quarter is I need to set up my rules and regulations inside the class, para lahat maayos at ang mga bata ay disiplinado sa klase ko. Maraming kinakabahan, maraming hindi alam kung ano ang i-expect nila sa taon na ito. Marami ang mga no assignment, kumukopya lang ng assignment at madalas may na zero or worst mapunit pa ang papel mo kapag hindi ka talaga ready sa lesson. Natatandaan pa ba ninyo yan? Natapos ang quarter na ito na maraming blangko ang grades sa akin.
2nd Quarter ay pumasok na at tuloy pa rin ang pag-aaral ng mga estudyante na gustong makabawi at makapasa sa Math. New seat plan, yung mga malabo ang mata sana sa harapan ang upuan nila. Sorry kung hindi ko napagbigyan ang lahat. Basta makinig mabuti sa mga lessons ko at baka may mapulot na aral. Medyo mahirap ang 2nd quarter, may mga recitations pa rin at board work na sadyang nagpapakaba sa mga estudyante na para bang ayaw na nilang mag math. Idagdag mo pa ang notebook na 25 pages, na secret kung kailan and deadline pato ang portfolio na 100% nga kaso kapag may mali ka ay puro deductions din naman. Marami din ang na parents needed sa quarter na ito. Isa ka ba doon?
3rd quarter ay mabilis na pumasok, dami pa rin mababa ang grades sa Math or hindi kaya blangko pa rin. Kaya pa ba? Aayaw ka na ba? Or tuloy ang laban ng buhay? Groupings ang number one highlight ng 3rd quarter, sino kaya ang ka grupo ko? Pero may twist kasi walang leader, lahat kami kikilos, lahat kami gagalaw, lahat kami mag share ng nalalaman namin para maka angat ang grupo namin. May drill activities din na addition, subtraction, multiplication at division. Naka 30/100 ako? Okay na kaya yun? May cheer ka pang kailangan gawin kapag natapos ka sa isang activity. Hindi kami sabay2x, hindi kasi kami nag practice eh. Heto na unit test na. 12/30 ang score ko, baka magalit si Sir Viado. Hindi kasi ako nag review, tinatamad kasi ako. Buti ikaw tinatamad kamusta naman kami na nagbantay ng tindahan? Nagbantay ng may sakit, nagbantay ng kapatid, nagtrabaho para magkapera, hindi rin kami nakapag review ng lessons namin.
Kuhanan ng cards umaasa ako na medyo mataas ang grade ko this time. Sana makapag grade 10 ako. 😔
4th quarter ay mabilis na dumating, last na lang. Promise ko sa sarili ko pagbubutihan ko na. Mag lelecture na ako simula ngayon. Aayusin ko na ang portfolio ko. Isususlat ko rin lahat ng nawala kong activities sa Math. Hindi na rin ako ma-late sa Math kasi nakakahiya na kay Sir Viado, baka isipin niya ayaw kong magbago, na late lang naman kasi ako kasi nga naghahatid muna ako ng kapatid, ng nanay, puyat sa trabaho kagabi, o kaya puyat lang talaga kaka chat sa mga friends ko na ayaw pa rin magbago hanggang sa mga oras na ito. Masaya ako kapag wala si Sir Viado sa klase, pero naisip ko rin wala akong natutunan ngayon. Walang nagturo sa amin ng Math, may activity ba na pinadala si Sir Viado. Hindi pa niya itinuro ito eh, pero pag-aaralan ko sige, ayaw ko na. Mangopya sa iba, wala akong matutunan dito. Mas mabuti na aralin ko na lang.
4th quarter na dami pa rin ginagawa, may final presentation pa ng song and dance o kaya naman poem with actions. Natuto kaming mag-kaisa ng mga ka grupo ko, kung ayaw makisama ng iba puwes sila yun. Basta kami we did our best. May letter to sir Viado, hindi ko alam ang isusulat ko, mag Chat GPT na lang ako para tapos agad (mas feel ko ang sulat mo kapag galing sa puso -Sir Viado). May picture din with my teacher, eh mahiyain ako. Tska ayaw ko naghihintay. (Yun nga ang point nun, pumila at maghintay kayo sa tamang oras o panahon para makapag pa-picture sa akin - Sir Viado) nakumpleto ko na lahat, kahit ayaw ko naman talaga. Papasa kaya ako?
Iyan ng tanong ng karamihan? Papasa kaya sila? Puwes congratulations sa mga with honors natin. (Clap3x) sa mga pumasa at mag grade 10 next school year congratulations din. Sa mga hindi naman at mag grade 9 ulit, nawa'y may lesson kayong natutunan sa buhay at huwag kayong susuko sa mga pangarap ninyo. Tandaan na susunod, mas maging mabuti at maayos na tao na kayo.
My personal message.
Maraming salamat sa mga sections na handle ko, Gregory, Hall, Inhelder, Jones, Kepler, and Lambert. Babaunin ko ang alaala ng mga kakulitan, tuwa at saya at memories sa mga klase ko. Sa mga class president din na nakinig at ginawa ang mga utos ko. Big salute sa inyo.
Salamuch din sa mga nagbigay ng token sa akin, hindi ko na kayo ma-isaisa pero sobrang thank you sa mga efforts ninyo.
Bumalik kayo sa akin kapag naging successful na lahat kayo. Hihintayin ko kayo.
Hanggang dito na lang. Salamat.
-Sir Viado 👍😁💯🙏
Random Videos.. 🎥💖
Video grab allowed.. 😁👍💯
Nahuli ang mga gutom.. 😂😂😂
07/03/2026
Random Snaps. 📸💖
Photo grab allowed.. 😁👍💯
25/02/2026
9-Kepler
Aim for the top of the covered court. . 😜 🌉
25/02/2026
9-Jones
Aim for the top of the four storey building.. 😜 🏢
25/02/2026
9-Inhelder
Aim for the top of the flagpole.. 😜 🇵🇭
25/02/2026
9-Hall
Aim for the top of the covered court.. 😜 ⛩️
25/02/2026
9-Gregory
Aim for the top of the four storey building.. 😜 🏫