Ang Libis

Ang Libis Ang Opisyal na Pahayagan Pangkampus sa Filipino ng San Jose National High School

Ngayong araw, buong pagmamalaking kinilala ng San Jose National High School ang mga natatanging mag-aaral na nagpakitang...
18/07/2026

Ngayong araw, buong pagmamalaking kinilala ng San Jose National High School ang mga natatanging mag-aaral na nagpakitang-gilas sa School Level Campus Journalism Competition.

Higit pa sa mga sertipiko at medalya, ang bawat pagkilala ay sumasalamin sa walang sawang paghahanda, dedikasyon, at tapang na magsalita para sa katotohanan. Ang kanilang tagumpay ay hindi lamang basta panalo. Ito ay pagpapatunay na may mga kabataan pa rin na pinipiling maging tinig ng katotohanan.

Binabati namin ang lahat ng mga kalahok at nagwagi. Patuloy ninyong gamitin ang inyong panulat, kamera, mikropono, sining, at tinig bilang kasangkapan sa paglilingkod—sapagkat ang bawat mamamahayag ay may kapangyarihang magbigay-liwanag at magbigay-tinig sa mga kuwentong nararapat marinig.

Kapsiyon ni: Prince Dela Cruz
Layout ni: Prince Dela Cruz
Pitik ni: Crismarie Aguilar at Prince Dela Cruz

Mga Sandali Bago ang Pagbibigay ng ParangalBago opisyal na nagsimula ang Seremonya ng Pagbibigay ng Parangal sa Pamamaha...
18/07/2026

Mga Sandali Bago ang Pagbibigay ng Parangal

Bago opisyal na nagsimula ang Seremonya ng Pagbibigay ng Parangal sa Pamamahayag sa Kampus ng Paaralan sa San Jose National High School, ibinahagi ng mga boluntaryong Young Journalist ang kanilang mga talento sa musika. Ang kanilang mga pagtatanghal ay lumikha ng mainit at masayang kapaligiran, na lalong nagpaespesyal sa pagdiriwang bago magsimula ang pagbibigay ng parangal.

Kapsiyon ni: Janelle Cabasal
Layout ni: Prince Dela Cruz
Pitik ni: Crismarie Aguilar at Prince Dela Cruz

Hulyo 18, 2026 | School-Based Press ConferenceNagsagawa ang San Jose National High School ng isang school-based press co...
18/07/2026

Hulyo 18, 2026 | School-Based Press Conference

Nagsagawa ang San Jose National High School ng isang school-based press conference na nilahukan ng kabuuang 72 na estudyanteng mamamahayag bilang paghahanda para sa elimination round ng Division Press Conference na pinangunahan naman ng editorial board officers at mga SPA.

Layunin ng SBPC 2026 na hasain ang kanilang kakayahan sa pagsulat at ihanda sila para sa darating na kompetisyon.

Kapsiyon ni: Clio Dimero at Clouie Bautista
Layout ni: Prince Dela Cruz
Pitik ni: Crismarie Aguilar

Kita-kits sa Hulyo 18, 2026! Sama-sama nating ipagdiwang ang husay ng kabataang mamamahayag ng San Jose National High Sc...
16/07/2026

Kita-kits sa Hulyo 18, 2026!

Sama-sama nating ipagdiwang ang husay ng kabataang mamamahayag ng San Jose National High School—kung saan ang bawat salita ay may layunin at ang bawat kuwento ay may saysay.

Humanda, sumulat, magsalita at maglahad ng katotohanan.

Kapsiyon at Layout ni: Prince Maverick Dela Cruz

INTRAMURALS 2026 | TABLE TENNIS BOYS (singles B)🏅Seo Xiankee Benedicto(Green Team)🥈Jonel Lotto(Blue Team)🥉Gian Corpuz(Ye...
12/07/2026

INTRAMURALS 2026 | TABLE TENNIS BOYS (singles B)

🏅Seo Xiankee Benedicto(Green Team)
🥈Jonel Lotto(Blue Team)
🥉Gian Corpuz(Yellow Team)

Sa katatapos na Championship Round ngayong araw ng Hulyo 11, 2026— Nanaig si Seo Xiankee Benedicto ng Green Team matapos talunin si Jonel Lotto ng Blue Team, na nagtapos ng iskor na 2-0. Habang nakamit naman ng Yellow Team sa katauhan ni Gian Corpuz ang Bronzeng medalya. Saya at pagod ang nadama ng bawat manlalaro dahil sila ay naging determinadong sungkitin ang kanilang inaasam na tagumpay. Maalab na pagbati sa mga manlalaro at koponan.

Kapsiyon ni: Bea Pabico
Layout ni: Prince Maverick Dela Cruz

INTRAMURALS 2026 | TABLE TENNIS BOYS (singles A) 🏅Kristoff Sumalinog(Green Team)🥈Ritzmond Dimero(Blue Team)🥉Edward Ruz(Y...
12/07/2026

INTRAMURALS 2026 | TABLE TENNIS BOYS (singles A)

🏅Kristoff Sumalinog(Green Team)
🥈Ritzmond Dimero(Blue Team)
🥉Edward Ruz(Yellow Team)

Nagpamalas ng galing at husay ang manlalaro ng Green Team sa katauhan ni Kristoff Sumalinog sa kakatapos lamang na Championship Round kontra sa Blue Team sa katauhan naman ni Ritzmond Dimero, na nagtapos sa iskor na 1-2. Samantala, nanaig naman ang pambato ng Yellow Team sa katauhan ni Edward Ruz na nagkamit ng Bronzeng medalya. Ang pagkapanalo ng Green Team ay nakabatay sa point system ng nasabing larangan, na kung saan mas mataas ang iskor ng Green Team(58 points) kumpara sa Blue(57) at Yellow(57) Team.

Kapsiyon ni: Bea Pabico
Layout ni: Prinnce Maverick Dela Cruz

2026 INTRAMURALS UPDATE | CHAMPIONSHIP MIXED DOUBLES Matagumpay na naipamalas ang husay ng dalawang manlalarong sina Noa...
12/07/2026

2026 INTRAMURALS UPDATE | CHAMPIONSHIP MIXED DOUBLES

Matagumpay na naipamalas ang husay ng dalawang manlalarong sina Noah Plan at Angel Santos matapos masungkit ang gintong medalya sa Mixed Doubles Category, na ginanap sa San Jose NHS Gymnasium, ika-11 ng Hulyo. Samantalang nasungkit naman ng Blue Team ang pilak na medalya sa katauhan nina Chloe Laggui at Jake Magaway, sa iskor na 21 - 11.

Maalab na pagbati mula sa dalawang koponan.

Kapsiyon ni: Mariane Kaye Pascual
Layout ni: Prince Maverick Dela Cruz

2026 INTRAMURALS UPDATE| BADMINTON CHAMPIONSHIP( DOUBLES ) Nagpamalas ng galing ang dalawang manlalarong sina Jayvee Mag...
12/07/2026

2026 INTRAMURALS UPDATE| BADMINTON CHAMPIONSHIP( DOUBLES )

Nagpamalas ng galing ang dalawang manlalarong sina Jayvee Magaway at Timur Torres mula sa Red Team matapos masungkit ang gintong medalya sa Doubles Mens Male Category, na ginanap sa San Jose NHS Gymnasium, ika-11 ng Hulyo. Samantalang nasungkit naman ng Blue Team ang pilak na medalya sa katauhan nina Vince Medrano at Jake Magaway, sa iskor na 21 - 18.

Nasungkit din naman nina Daniela Alminiana at Gretcylen Soriano ng Yellow Team ang gintong medalya laban sa Yellow Team—sa katauhan nina Mary Jane Santiago at Veance Gabuat na nagkamit ng pilak na medalya sa parehong event na Women's Doubles Category, sa iskor na 21 - 17.

Kapsiyon ni: Mariane Kaye Pascual
Layout ni: Prince Maverick Dela Cruz

PINAKABAGONG BALITA | VOLLEYBALL BOYS CHAMPIONSHIPPanay-panay na naman ang pagpapakitang-gilas ng bawat koponan sa nagan...
12/07/2026

PINAKABAGONG BALITA | VOLLEYBALL BOYS CHAMPIONSHIP

Panay-panay na naman ang pagpapakitang-gilas ng bawat koponan sa naganap na Men’s Volleyball Championship Game na ginanap ngayong hapon, Hulyo 11.

Nasungkit ng Red Team Volleyball Boys ang gintong medalya matapos magpaulan ng matitinding spike, na buong husay namang naidepensa ng Blue Team.

Sa huli, kinoronahan bilang kampeon ang Red Team Volleyball Boys matapos nilang ipamalas ang kanilang husay at galing sa larangan ng volleyball. Bagama’t hindi nasungkit ng Blue Team ang tagumpay, ipinamalas pa rin nila ang mahusay na koordinasyon at ang tunay na diwa ng sportsmanship bilang mga atleta.

Ayon sa kanilang Most Valuable Player (MVP) na si Justine Garcia ng Red Team, ang susi sa kanilang tagumpay ay ang kanilang determinasyon na manalo at maayos na pakikipag-komunikasyon sa loob ng court. Giit din nya na patuloy lang ang pagtiwala sa sarili, wag matakot sumubok at laging magtulungan bilang isang koponan. Dagdag pa niya na kailangan rin ng disiplina at sportmanship, kasi sa sports hindi laging titulo ang labanan, kundi ang paghubog ng pagkatao at pagkakaisa ng bawat manlalaro.

Kapsiyon ni: Clio Dimero
Layout ni: Prince Maverick Dela Cruz

2026 CHESS BOYS UPDATE | HULYO 11 Marcial Acob of Green team won by securing the Gold Medal against his opponent —James ...
12/07/2026

2026 CHESS BOYS UPDATE | HULYO 11

Marcial Acob of Green team won by securing the Gold Medal against his opponent —James Cameron Wayaway of Red Team who placed second in their recent play of chess. Congratulations to the Green Team for winning the Championship Chess Boys.

2026 Chess Boys Update| July 11

Nasungkit ng Green Team ang larong chess kung saan nakamit ni Marcial Acob ang gintong medalya laban sa Red Team na si James Cameron Wayaway na nakakuha ng pilak na medalya.

Kapsiyon ni: Mariane Kaye Pascual
Layout ni: Prince Maverick Dela Cruz

Address

San Jose Norte 1, Mallig
Mallig
3323

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Libis posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share